Medyo napatagal ang tambay ko doon sa meadows kung saan umupo ako sa ilalim ng puno ng accacia, but I am hoping na pagbalik ko sa bahay namin ay naka alis na si Annielou, pero laking gulat ko na lang andito padin siya, mag aalas sais na ng hapon at kung byabyahe pa siya papuntang Maynila gagabihin siya sa kalsadaPagpasok ko narinig ko ang boses ni lola, mukhang okay na okay na siya at nakikipaghalakhakan kay Annielou, worst case scenario baka dito pa matutulog si Annielou, at na confirm ko nga ng tumaas ako at nakita ko si Mang Sabel inaayos yung guest room.
Nagbuntong hininga na lang ako at kinuha ang aking twalya at nag babad sa bath tub. Nakapag desisyon na ako kanina, at habang iniisip ko yun mas lalong lumalakas ang loob ko na gawin yun.
I decided to just go back to London and to forget everything that happened here, masakit man para sa akin iwan ang Arcadia pero ito lang ang alam ko para lumayo kay Marvin, and ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad sa kanya.
Ayaw ko naman makita na nagaaway na lang sila Vin at lola, alam ko mahal na mahal niya nanay niya pero dahil lang sa akin kaya napag tataasan niya ng boses nito.
Gusto ko na din maibalik ang dating kami ni lola, nasasaktan ako kasi nasaktan ko siya at ayaw ko naman na ako pa ang maging sanhi kung may mangyari hindi maganda sa kanya, sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko pinigilan ang sarili ko mahulog sa bunsong kapatid ni mama
Sobrang galit si lola sa akin dahil umibig ako sa anak niya, paano pa kaya si tita Melinda? Ano magiging reaksyon niya? At ano na lang sasabihin niya pag nalaman niya ang dahilan kung bakit nahimatay si lola kanina. Ng nagsawa na ako nakababad sa bath tub, nagbanlaw na ako at nagpalit.
Kinuha ko ang wireless earphones ko at nag patugtog ng music, binuksan ko ang laptop ko at tinignan ko kung magkano ang ticket sa London, napamura ako ng makita ko kung magkano. Binuksan ko ang online banking ko at chineck ko kung magkano ang laman ng account ko.
Dahil nga umuwi ako ng Pilipinas yung pera na nakuha ko sa life insurance ni mama ay medyo malaki pa, so kung ilelesss ko ang bayad ng plane ticket meron pa ako sapat na pera para makakuha ng maliit na inn na pwede ko tirhan ng dalawang buwan.
Pag nakahanap na ako ng trabaho sa ako maghahanap ng apartment ko, kahit yung maliit lang para at least mas tipid, wala na din ako balak mag - asawa dahil alam ko sa sarili ko si Marvin lang ang mamahalin ko habang buhay
Babalikan ko na lang yung restaurant na pinag trabahuan ko dati at maghahanap din ako ng dalawa pang trabaho, yun nga lang hindi na ako makakapag aral pa, pero that's the least of my worries now. Tumingin ako sa kalendaryo ko may tatlong buwan before matapos tong semester na to, tapusin ko na lang siya bago ako bumallik sa London
"Tatlong buwan na lang titiisin mo lola" bulong ko sa sarili ko, tumayo na ako para kunin ang wallet ko kung nasaan ang debit card ko, pumili na ako ng date ng pagbalik ko sa London, nun nasa payment page na ako binunot ko na ang aking card para mailagay ko na ang details ko.
Habang nag titipa ako bigla na lang may humugot ng card ko sa kamay ko, at pabagsak niya sinara ang laptop ko napa angat ako ng tingin at nakita ko si Vin na nakasimangot ang mukha at matalim ang tingin sa akin. Hindi ko siguro narinig na pumasok siya dahil naka ear buds ako, kaya inalis ko yun at tumayo at hinarap siya
"Bumibili ka ng ticket? Aalis ka?" Tanong niya na pagalit sa akin, tumango ako sa kanya, hindi ko naman balak na basta iwan siya, he deserve naman to have a proper goodbye.
"Saan ka pupunta at bakit ka aalis? Kung gusto mo magbakasyon madali naman ako kausap Azie, kahit saan pa yan puntahan natin" seryoso niya sinabi sa akin, alam ko naman yun pero hindi naman bakasyon ang sadya ko.
YOU ARE READING
My Illicit Affair with My Tito
RomanceBumalik si Azalea Brielle Remullo or mas kilala na Azie galing London dahil namatay ang Ina nito, ngunit sa pagbalik niya sa Pilipinas mas lalo lumalim ang kanyang nararamdaman para kay Marvin Rafael or si Vin na kanyang tito, ang bunsong kapatid ng...