KABANATA VII

2.7K 16 0
                                    

⛔️ TRIGGER WARNING⛔️
‼️ This chapter contains strong languages, physical abuse and drugs‼️
⚠️ Reader's Discretion is Advised ⚠️

"Papa.." mahina kong sinabi at mas lalo lumaki ang ngisi niya ng sinabi ko yun.

Andito na pala sa Pilipinas si papa kaya pala hindi siya mahanap hanap sa London kasi andito lang pala siya, at ang laki din ng pinagbago niya. His eyes and cheeks are sunken, mahaba na din bigote niya, malinis ang pangangatawan niya at medyo lumaki din ang tyan niya

"My dear daughter" he said with his fake British accent. Until unti siya lumakad palapit sa akin, at unti unti na din ako kinakabahan, nasaan na si Inday, para makauwi na kami.

"What do you need from me?" Tinanong ko ng makalapit siya, ngumisi lang siya at tinignan ako

"Follow me" madiin niya sinabi at tumuro sa kawalan

"No, what for?!" Sisigaw na sana ako pero bigla siya lumapit sa tabi ko at tinutukan ako ng maliit na balisong, hindi kami nakikita dito kasi yung mga tricycle driver ay busy nagusap usap

"Just do what I told you and follow after me if you don't like na isusunod kita sa nanay mo" banta niya kaya wala ako magawa kundi sumunod sa kanya, habang nag lalakad kami, inakbayan ako ni Papa nakatutok pa din ang balisong sa tagiliran ko pero nababalutan ito ng jacket niya

Habang nag lalakad kami tumingin ako sa may tricycle drivers, eto yung mga parehong drivers na sinasakyan namin ni Inday kaya kilala na nila ako.

"Oh Ms Azie sino yan kasama mo? Nasaan si Inday?" Tanong ni Mang Isko, tumigil kami naglakad at tumingin sa kanya, tumingin ako sa papa ko at pinandilatan ako

"Ah eh Mang Isko tatay ko pala" sabi ko, hindi alam ng mga tao dito ang tunay nangyari sa mga magulang ko ang alam lang nila ay naiwan si papa sa London. Sinadya ko na din sabihin kay Mang Isko na tatay ko kasama ko para kung hanapin ako at least alam nila kung sino kasama ko, hindi ko na alam kung paano nila ako matatagpuan, hindi ko alam kung anong balak sa akin ni papa.

"Ay dumating na pala siya galing London!" Masayang sagot ni Mang Isko, hinuhuli ko ang mga mata niya para mabigyan ko siya ng sign na kailangan ko ng tulong, pero tila ba tinitignan niya mabuti ang itsura ng papa ko.

"Opo magbobonding lang kami ng anak ko, miss ko na din siya, maiwan na po namin kayo" sagot ni papa, at tinulak na ako ni papa para maglakad, I am hoping and praying na nakita ni Mang Isko ang plate number itong itim na old school corolla ni papa

Pagpasok ko nakita ko agad ang napakaraming alak at marijuana sa likod ng sasakyann niya, kinakabahan na ako sa kung anong gagawin ni papa sa akin. Gusto ko sana sumigaw pero parang nawala ang akin mga boses habang tinitignan ko ang mga gamit sa likod.

"You've been a good girl Azie, so I will reward you later, dapat tayong dalawa ang magkasama ngayon, dapat tayo ang nagdadamayan" tumawa siya at tumingin siya sa akin na may panyo ang hawak at bigla na lang niya tinakpan ang ilong at bibig ko gamit ang panyo na yun, at huli ko nakita bago pumikit ang mata ko ay ang mala demonyong mata ng aking ama.

Nagising na lamang ako at nakatali na ang paa at kamay ko sa upuan, hindi ko alam kung nasaan ako, I roam my eyes towards the space where I am. Nakita ko may kama sa gilid at nakabukas ang tv, amoy sigarilyo ang buong kwarto at nagkalat ang mga empty cans ng beer

Bigla nag bukas ang isang pintuan siguro CR yun at lumabas si papa na bagong ligo, nakasuot siya ng white shirt at faded na pantalon ng makita na ako gising ngumisi siya sa akin.

"Oh, my princess is now awake" tumawa siya at lumapit siya sa lamesa, may nirolyo siya na parang dahon sabay sindi nito, and I think it is a marijuana

"Want some?" Alok niya, umiling ako at narinig ko nanaman siya tumawa. Pinagmasdan ko ang papa ko, ang layo layo niya na sa dating tahimik at responsableng ama. Hindi ko alam anong dahilan bakit siya na tanggal sa trabaho niya noon, doon kasi nagsimula ang pag babago niya ng ugali.

My Illicit Affair with My TitoWhere stories live. Discover now