Kabanata XVIII

1.8K 15 0
                                    


Ng lumabas na ako sa banyo wala na si Vin sa loob ng kwarto ko, buti naman ng makapalit ako ng maayos, nag suot ako ng shorts at spaghetti  strap na kulay blue at ang mahaba kong buhok ay hinihigh ponytail ko at bumababa na ako.

Nakita ko agad si Vin na katabi nanaman si Annielou, tumingin siya sa akin at hindi ko na napigilan ang sarili ko umirap, umupo na ako sa tabi ni lola na masayang nakikipagwkentuhan kay Annielou

"Sayang at uuwi ka na bukas" sabi n lola habang kumukuha ako ng kanin ko

"Bibisita naman ako inay pag hindi na ako busy" malambing naman niya sinabi kay lola, nag buntong hininga na lang ako

"Hello Miss" may bigla nagsalita at tumingin ako at si Engr Ric yun nakangisi at tinitignan ako

"Goodmorning po engr" bati ko sa kanya at mas lalo siya ngumiti

"I told you drop the engr" aniya, tumango naman ako at nagpatuloy lang ng pagkain ko. Maya maya nagsalita si lolo

"Complete na ba lahat ng dadalhin niyo? Mga pagkain?" Tanong niya ng pumasok si Mang Sabel sa kusina, kumunot noo ko, may pupuntahan nanaman sila?

"Opo lolo Manuel, hinanda na ni Mang Kaloy yung hiace" sagot naman niya, tumingin ako kay lolo na nagatataka

"Lalabas po kayo lolo?" Tanong ko

"Tayo" pagtatama naman ni Vin, hindi ko siya pinansin at nakatingin padin ako kay lolo

"Since huling araw ngayon ni Annielou dito pupunta tayo sa isang batis, maganda kasi doon apo fresh yung tubig kasi galing doon sa talon ang tubig, tsaka ang alam ko nadevelop na yun kaya mas maganda na siya puntahan" paliwanag ni lolo, so another outing for the haliparot? Spoiled din siya dito ah, at hindi man lang sinabi ni Marvin sa akin ito?

"Kung mauna na lang kayo Vin? Sunod na lang kami tatlo" aniya naman ni lola, alam ko na mangyayari. Ayaw ni lola na sasama ako kasi gusto niya magkaroon ng pagkakataon mag solo yung dalawa

"No nay, last time I heard those words hindi kayo sumunod, hindi naman kayo mapapagod pag andoon kayo, tsaka sariwa ang hangin doon masa makakatulong pa yun sa puso mo" sagot naman ni Vin na hindi tintignan ang lola, nakita ko naman ang pag aalala na itsura ni lolo na tumingin kay lola

"Pero Vin-" paninimula ni lola

"It's either sabay sabay tayo lahat pumunta doon or wala na pupunta" pagputol ni Vin sa sasabihin ni lola

"Sige na inay sabay sabay na tayo, tsaka tama naman si Vin sariwa ang hanging doon" malambing na sinabi ni Annielou kay lola kinuha niya pa ang kamay nito upang hawakan, ngumiti si lola at na pa yes naman si haliparot.

Kaya andito ako ngayon sa kwarto ko nag aayos ng gamit, kinuha ko yung one piece na swimsuit ko na kulay red na backless at mababa ang v-cut sa harap niya at nag maong shorts ko, pinatungan ko ito ng isang polo shirt para pag andun na kami aalisin ko na lang para derecho ligo na lang. Kumuha na din ako ng pamalit ko

Bumababa na ako at nagaantay na sila sa labas, tumingin agad naman si Vin sa akin, nakita ko na kontento siya sa sinuot ko ngayon, bahala ka na dyan mamaya hindi mo ako mapipigilan mag bathing suit.

Sa Hiace sumakay sila Inday at mga kasamahan ni Vin, doon sana ako pero pinigilan ako ni Vin, kaya wala na ako nagawa sumakay sa kanya, nasa likod niya ako katabi ko si lolo at si lola naman sa tabi niya, bale pinagigitnaan namin si lolo samantala naman si Annielou nasa front seat, hindi ko din gets bakit nakisakay siya eh meron naman siya sariling sasakyan

Panay sulyap ni Vin sa akin sa rearview mirror, at ako naman napapasulyap na din, napansin naman ni lola yun kaya tumikhim siya, minsan napipikon na din ako kay lola, lahat na lang napapansin niya, kaya tumingin na lang ako sa labas ng bintana, habang masaya naman nagkwekwentuhan si lola at Annielou

My Illicit Affair with My TitoWhere stories live. Discover now