Nagising ako sa mga huni ng ibon sa labas, tinignan ko ang katabi ko at natutulog pa siya ng mahimbing, dahan dahan ko tinaggal ang braso niya nakapulupot sa akin bewang, at lumabas sa cabin nakita ko si Alex na nakapalit na at nagkakapeMeron naman naka brew na pot of coffee over sa campfire namin, doon na din nag luluto yung mga katulong ng scrambled eggs at hotdogs.
"Morning Azie" bati niya sa akin, uminat muna ako at umupo sa tabi niya, binigyan naman ako ng kape ni Sarah. Naka tulala kami pareho tinitignan ang tanawin habang humihigop ng kape, hindi nag tagal lumabas din si Vin na umiinat inat pa
Agad siya lumapit sa akin hinila niya ako patayo at umupo sa inupuan ko at hinila niya ako para maka upo sa kandungan niya.
"Clingy mo talaga architect" bigla sabi ni Alex
"Sa kanya lang" sabi naman ni Vin at niyakap akong mahigpit, wala talagang hiya ito eh.
"Sabagay kung ganyan ba naman kaganda girlfriend ko eh magiging clingy din ako" tumawa si Alex at tumayo na, tumingin ako kay Vin at nakabusangot nanaman ang mukha, at sinundan ng tingin si Alex
"Oh problema mo?" Tanong ko, sabay haplos ko ng kanyang mukha
"Wala, tara magpalit ka na para after breakfast mag hike ulit tayo" at sabay na kami tumayo na dalawa.
Pagkatapos namin mag agahan tinahak nanaman namin ang kagubatan, napaka tahimik ng paligid at ang tanging naririnig namin ay mga huni ng mga ibon at kaluskos ng mga dahon sa ilalim ng aming mga paa. Ang hangin ay napuno ng matamis na amoy ng namumulaklak na mga bulaklak and the earthy smell of the damp soil.
Nagkukwentuhan at nagtatawanan kami habang naglalakad, inenjoy namin ang pagsasamahan ng isa't isa at ang kapayapaan ng kagubatan. Nag-usap sila tungkol sa kanilang mga trabaho,kanilang mga pamilya, at kanilang mga plano para sa hinaharap, hahang tahimik naman ako nakikinig sa kanila.
Habang naglalakad kami nakatagpo kami ng ilang clearing at magagandang tanawin, kung saan huminto kami para tingnan ang mga nakamamanghang tanawin.
Matapos ang halos isang oras na paglalakad, narating namin ang isang napakagandang lugar. Nagtipun-tipon kami sa paligid ng isang napakalaking puno ng oak, ang mga sanga nito ay baluktot at nanginginig sa katandaan. The tree towered above us, na siya nagbibigay ng anino sa paligid.
"Ang ganda!" sambit ni Zion yung isang engineer na taga kapitolyo habang pinipicturan niya yung majestic shape ng puno "I've never seen anything like it" dagdag niya
"Ako din," pagsangyon naman ni Mavi yung tomboy na kasama namin "It's like something out of a fairy tale" sabi pa niya
As we admired the tree, nagkaroon naman ng ideya si Alex "akyatin natin" suggestion niya.
Tumingin kami lahat sa kanya nang may pag-aalinlangan noong una, ngunit ang sigasig ni Alex ay nakakahawa. Hindi nagtagal, lahat kami ay nag-aagawan na kami sa mga matitibay na mga sanga ng puno, tumatawa kami habang naglalakad
Mula dito sa taas ng kagubatan, we could see for miles in every direction. Ang araw ay ganap na sumikat, na nagbibigay sa liwanag sa tanawin.
"Ito ay kamangha-mangha" sabi ni Zion ang kanyang boses ay puno ng pagkamangha. "Pakiramdam ko ay nasa tuktok ako ng mundo." Sabi naman ni Mavi.
Pagkatapos yun ay sinundan na namin si Alex, dinala niya kami sa lumang abandonadong baras ng minahan sa kailaliman ng kagubatan
Madilim ang pasukan , ngunit interesado kami tuklasin ito. Habang bumababa kami sa kailaliman ng minahan, napadpad kami sa mga lumang kagamitan sa pagmimina, kalawangin na riles, at maging sa isang lumang kahoy na pinto na may nakasulat na "Bawal Pumasok".
YOU ARE READING
My Illicit Affair with My Tito
RomanceBumalik si Azalea Brielle Remullo or mas kilala na Azie galing London dahil namatay ang Ina nito, ngunit sa pagbalik niya sa Pilipinas mas lalo lumalim ang kanyang nararamdaman para kay Marvin Rafael or si Vin na kanyang tito, ang bunsong kapatid ng...