"Good morning doc" bati ni Vin sa maganda at sexy na doctora"Good morning Architect" bati pabalik ng doctora, ang ganda niya para siyang anghel, ang puti niya mamula mula ang pisngi, at matangkad siya
"Ito pala girlfriend ko si Azalea Brielle Remullo" pakilala sa akin ni Vin, namilog ang mga mata ko sa pagpakilala niya sa akin, hindi ba niya alam na tito ko si Marvin? Gaga hindi nga kayo blood related! Sigaw ng isipan ko
"Ang ganda ganda niya, hindi ka ba tinakot ni Architect, iha?" Tanong ng magandang doctora, tumawa na lang ako at nakipagkamayan
"Azie na lang po ang tawag nyo sa akin doc" tumango naman ang magandang doctora sa akin
"Dr. Lilliana Juarez" pakakilala niya sa akin, ngumiti naman ako pabalik sa kanya
"So dun ka na muna sa labas architect habang titignan ko si Azie" sabay turo niya sa pintuan niya, nag buntong hininga na lang si Vin at padabog na lumabas sa clinic ni doc
"Your tito has quite a temper talaga" tumawa na lang siya habang naglalagay ng gloves sa kamay niya namilog ang mata ko sa sinabi niya
"You knew about us doc?" Bigla naman ako nahiya sa kanya
"Of course! I am one of his bestfriend galing din ako Arcadia sinasabi niya lahat sa amin, gago din yun matagal ko na sinabi sa kanya na sabihin sayo ang totoo para hindi ka na makonsensya at mahirapan" umiling ang magandang doctora
Tinignan ko ang maamong mukha ng doctor kung may bahid ba ng pangungutya ito, but all I can see is kind and gentle eyes, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, she is the only person who knew about us, and sa totoo lang kinakabahan ako.
"Don't you find it weird po?" Tanong ko sa kanya, tinignan niya naman ako ng seryoso at huminga ng malalim at ningitian
"It is at first, but you are not blood related naman. Love is love and I know naman na alam mo ang pinasok mo, hindi lahat tatanggap sa inyo most especially they all knew na mag tito kayo, huhusgahan kayo ng mga tao, but keep in mind that your happiness will always matter" sabi siya sa akin at inabot ang lab gown at inutusan niya ako mag palit para masimulan na ang check up ko, grabe ang bait talaga ni doctora bagay na bagay sa mukha niya
Hindi ko akalain na meron isang tao na tanggap kami at best friend pa ni Marvin! Tama naman siya once our secret is out, mahuhusgahan kami, pero hindi naman mahalaga ang mga tao na yun ang mahalaga eh yung kami dalawa ni Marvin.
Pero handa na ba ako malaman ng lahat ang kung anong meron kami ni Vin? Bahala na, all I know takot ako mawala si Vin sa akin, patuloy naman ako tinginan ni doc, nagtataka ako bakit hindi kaya nahulog si Vin sa kanyang best friend, mukha naman siya mabait at sopistikada pa not to mention maganda!
"Ipabili mo yan pills kay Vin since siya naman mag kakasta sayo" tumawa si doctora habang binibigay niya sa akin ang reseta sa akin pagkatapos ang mga tests na ginawa sa akin
"I want you to put in depo sana pero mas okay na din muna ang pills basta huwag mo kaligtaan ha, itsura pa naman ni Vin parang nag wawasak ng kama" namula ako sa sinabi ni doctora, pero hindi na ako sumagot na may kumatok sa pintuan niya
May pumasok din napakaganda na doctor din siguro since naka puti suit din siya, ngumiti siya sa akin at sa likod niya si Vin na nakabusangot nanaman
"Oh Biyernes Santo ka dyan" patawa sabi ni dra. Juarez
"Pinapasok ko na ang tagal niyo daw kasi" sagot ng isang magandang doctora
"By the way Azie this is Dr. Maribel Justo, my wife and this is Azie, Vin's girlfriend" pakilala ni Dra. Sa akin, nagulat ako sa sinabi ni dra. Juarez
YOU ARE READING
My Illicit Affair with My Tito
RomansaBumalik si Azalea Brielle Remullo or mas kilala na Azie galing London dahil namatay ang Ina nito, ngunit sa pagbalik niya sa Pilipinas mas lalo lumalim ang kanyang nararamdaman para kay Marvin Rafael or si Vin na kanyang tito, ang bunsong kapatid ng...