Kabanata XXVI

1.3K 21 0
                                    


Matagal kami nagtitigan ni tito Vin, tila ba tinitignan niya kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya, nakita ko nanaman ang kanyang malungkot na mata at hindi ko na napigalan ang sarili ko haplusin ang mukha niya

"I'll try my best to remember everything, I don't want to see you sad tito" sabi ko, hinuli niya ang aking kamay and he kissed the back of it.

"Don't worry baby, your memories will come back naturally, don't over stress yourself, huwag mo pilitin, it will take time siguro, but I am willing to wait naman" he said then he rolled to his side at inabot ang kanyang cellphone

"Inday dalhan mo kami ng pagkain ng maam Azie mo dito sa kwarto ko, sumakit ang ulo niya paki sabi kina itay, samahan ko lang" narining ko sinabi niya sa kanya, napasimangot nanaman ako sa pagkabigkas sa pangalan ni Inday napansin naman si Vin at tumawa ito

"Wag ka na magselos kay Inday, pagtatawanan mo lang sarili mo pag maalala mo ang lahat, and besides you are my only baby" sabay yakap ng mahigpit sa akin.

Inikayat ni Inday ang pagkain namin ni tito Vin, nakangiti si Inday habang ginagawa niya yun at panay ang sulyap sa akin, inirapan ko siya at tumawa naman siya, close ba kami talaga nito bago nawalan ang memorya ko?

Nang mailatag na ni Inday ang mga pagkain ay ngumiti nanaman siya at tinapik pa ang balikat ko "enjoy kayo ni ser Vin maam!" Aniya, pinagtaasan ko naman siya ng kilay at tumawa nanaman "I mean enjoy your food po!"

"Umalis ka na nga lang Inday! Nabwibwisit ako!" Bulyaw ko, tumawa nanaman siya at nag flying kiss sa akin bago umalis at sinara ang pinto ng kwarto ni tito Vin. Umiiling na lang si tito kaya napa irap ako sa kanya.

"Kayo ba ni Inday?" Hindi ko napigilan ang sarili ko magtanong, yun kasi napansin ko simula ng umuwi ako dito galing ospital, lagi sila magkasama tuwing tinatawag ako, nakikita ko sila naguusap ng masinsinan at kanina kahit sabi pa niya na need niya help ni Inday kaya sinama niya sa meadows eh duda pa din ako

Nabitawan niya ang kubyertos, at nagpakurap kurap at tumingin sa akin, ngumiti siya at nilapit niya ang kanyang mukha sa akin "tama na ang selos baby, ikaw lang naman ang mahal ko" saad niya

"Huwag mo nga ako biruin tito, alam ko naman na mahal mo ako kasi pamangkin mo ako" sabi ko at agad iniwas ko ang paningin ko sa kanya, pinulot naman niya agad ang kubyertos na nabitawan niya at sinumalan niya na ako sandukan ng pagkain, kung dati tumututol ako,ngayon hinayaan ko na lang siya

"No we are not together with Inday, I know I told you that I am willing to wait for your memories to come back but moments like this want me to tell everything to you kung hindi lang malalim ang consequences pagbukas mo pa lang ng mata mo sinabi ko na ang lahat" seryoso niya sinabi, and his voice has finality with it na tila ba nagsasabi sa akin na huwag na ako aangal or sasagot pa

Nagkibit balikat na lang ako at kumain na lang kami, ang dami niya kwento sa akin. Kinukwento niya yung work niya, alam ko naman na architect siya kaya hanga din ako sa mga acccomplishments niya

"Ito ang lampin ng kambal mo" bigla may bumulong sa akin, at bigla ko nabitawan ang kutsara't tinidor ko at sinapo ko ang aking ulo, wala ako marinig sa sakit ng ulo ko at bigla na lang nagdilim ang paligid ko

"Kapitan kilala niyo po ba si Sheenalyn Dela Costa?" Aniya ni tito Vin sa isang matandang pandak na lalaki na medyo malaki ang tyan. Nakita ko kumunot ang noo ng kapitan at nagtinginan sila ng mga kasama nila bago siya sumagot sa amin

"Sino ho po ba kayo? At bakit niyo po siya hinahanap?" Tanong pabalik ni kapitan

"Ay pasensya na po hindi na po ako nagpakilala, ako pala si Marvin or Vin na lang po kapitan" sabay lahad ni tito ang kanyang kamay, at kinuha naman ng kapitan ito

My Illicit Affair with My TitoWhere stories live. Discover now