Kabanata XXIV

1.3K 17 2
                                    


"Lola ipagpapaalam ko sana si Azie, lalabas po kami kakain lang sa La Carmen, babalik din po kami bago mag alas syete" sabi ni Pablo, ang gwapo niya tignan naka polo shirt siya, sneakers at khaki shorts tapos naka baseball cap pa, naamoy ko din ang mabango niyang pabango

Nakita ko naman ang tuwa sa mata ng aking lola "Ikaw naman Azie hindi mo naman kailangan na ipag paalam ka ni Pablo, alam mo naman na papayag ako basta siya kasama mo" malambing na sinabi ni lola.

"Ay nako lola ako po ang nagsabi sa kanya na ipagpapaalam ko po siya" sambit ni Pablo

"Mag momotor kayo?" Tanong naman ni lolo, tumingin ako kay lolo at pinagtaasan niya ako ng kilay tapos tumingin sa hagdan na para bang may sinisilip

"Ay hindi po lolo hiniram ko po yung sasakyan ni dad, ayoko po mapahamak si Azie kahit kabisado ko mag motor" sagot naman ni Pablo, sakto naman bumaba si Vin mula sa taas pagkasabi ni Pablo yun.

Nakabihis na din siya at talaga tinulad niya talaga ang kulay ng dress ko sa polo shirt niya na light blue, naka jeans siya and rubber shoes, ang hot at ang gwapo niya grabe! Tumingin siya sa akin tapos sa likod ko, lumingon naman ako sa likod ko at nakita ko nakabihis din si Inday!

"Let's go?" Tanong niya kay Pablo, tumango naman si Pablo at tumingin sa akin, malungkot niya ako ningitian at nilahad ang kanyang braso para hawakan ko

"Is that really necessary?" Turo naman ni Vin, kaya idinikit agad ni Pablo ang kanyang braso sa kanyang katawan at tumingin kila lolo at lola

"Mauna na po kami lola Ising, lolo Manuel" paalam niya nakita ko ang pagtataka nila lolo at lola sa nangyayari

"Saglit lang, sasama ka sa kanila Vin?!" Tanong ni lola at naka pamewang na sa kanya

"Yes kami ni Inday, we are going to be chaperone" masungit niya sagot sa nanay niya, narining ko naman na napasinghap si lolo sa narining niya

"Vin, hayaan mo na silang dalawa malalaki na sila, at anong gagawin mo doon?" Tanong ni lola na alam ko napupuno na sa ugali ng anak niya

"Pablo agreed to it" sabay turo niya kay Pablo, lahat kami tumingin sa kanya

"Ah eh opo lolo at lola kaya huwag na po kayo mag aalala okay lang naman po sa akin" mahinang sabi ni Pablo

"Let's go para hindi tayo masaydo magtagal" sabi ni Vin at tumingin kay Inday "tara" tawag niya sa kanya at lumabas sila ng sabay, sumunod na naman kami ni Pablo, tahimik lang siya habang naglalakad kami ng marating namin ang sasakyan ng papa niya binuksan niya ang front seat at pumasok na ako, grabe gentleman talaga eh!

Nakasunod sila Vin at Inday sa likod namin, tumingin ako sa rearview mirror at talaga tutok na tutok si Vin sa likod ng sasakyan ni Pablo

"Pablo sorry sa tito ko ah, pinilit niya sarili niya sumama" sabi ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin at ngumiti bago niya binalik agad ang tingin niya sa kalsada

"Okay lang yun Azie, yun kasi sinabi ni Inday kanina eh hindi ka daw papayagan pag hindi sila sasama na dalawa, I rather take the deal kesa hindi tayo matuloy, pinangko naman nila na separate ang table nila" sabi niya. Grabe bilib na talaga ako sa pagiging understanding at mabait ni Pablo, pero wala eh ang puso ko nakatali na sa gago na nasa likod namin

Narating namin ang La Carmen at dinala ako ni Pablo doon sa restaurant kung saan kami dinala ni Vin noon kasama sila lolo at lola. Medyo umuulan kaya sa loob kami nag table, pero kahit maulan, maganda padin ang tanawin.

Nag order na kami ni Pablo at nakita ko naman na nasa malayong table sila Vin at Inday, derecho lang ang tingin sa amin ni Vin.

Nagkamustahan kami ni Pablo tungkol sa mga subjects namin, tinanong niya din kung anong ang kaibahan ng skwela dito at abroad, talaga nakikita ko kay Pablo na gusto niya talaga ako kilalanin lubos

My Illicit Affair with My TitoWhere stories live. Discover now