Mas nauna kami dumating kesa kina Vin, binilin ko kay Inday na huwag na ako tawagin mag dinner kasi masama pakiramdam ko, tumango na lamang siya at tinulungan sila Mang Sabel sa mga gamit.Nagkulong lamang ako sa kwarto ko, at wala na din ako balak lumabas, buti na lang at may pasok na ako bukas, sana pag pasok ko sa school naka alis na si Vin, sana magsama na lang sila ni Annielou bumalik ng Maynila.
Narinig ko may kumatok sa kwarto ko, talaga tong si Inday sinabihan ko na nga pero kumatok padin "Inday hindi nga ako kakain diba?! Binilin na kita!" Sigaw ko para marinig niya, ayokong buksan baka kasama niya pa yung gagong Vin na yun
"Hindi to si Inday" boses ni Vin ang sumagot, hindi na lang ako sumagot, kumatok siya ulit pero hindi ko pinansin, bahala mamaga ang kamay niya kakakatok, kinuha ko ang aking earphones at nagpamusic na lang ako para hindi ko na marinig ang pagkatok niya!
Ayoko na din magisip baka mabaliw na ako kakaisip, I will just go with the flow, bahala na talaga! Sana bukas hindi ko siya makita! Sila ng haliparot na yun!
Natupad naman ang panalangin ko ng bumababa ako kinumagahan at mag isa ako sa dinning table, sumilip ako sa labas at naka hinga ako ng malalim ng makita ko wala na ang mga sasakyan nila Vin at Annielou.
Hindi ko alam if hinatid niya hanggang Maynila si Annielou pero sabi ko sa sarili ko kagabi hahayaan ko na lang sila, if siya ang pinili ni Vin edi okay, at least masaya si lola.
Ng ready na kami ni Inday, sumakay na kami sa sasakyan at hinatid na kami ni Mang Kaloy sa school, ng papasok na kami na kita namin si Pablo na nakatingin sa sasakyan namin, siniko naman ako ni Inday sabay nguso kay Pablo
"Mukhang may nag aantay sayo ah?" Ngumiti siya sa akin sabay yuko at lapit sa akin. "Pero team ser Vin pa din ako" bulong siya, tinignan ko naman si Inday ng matalim na lalo naman nag patawa sa kanya
Bumababa na kami ni Inday at nakita ko na palapit naman si Pablo sa amin "hoy! Ikaw ang daya mo ang tagal ko na sinasabi sayo na dalhin mo naman ako sa farm mo pero inunahan pa ako ni maam Azie!" Bulyaw ni Inday kay Pablo
Nagpakamot naman ng ulo si Pablo saka tumingin kay Inday "sorry na, nakita ko kasi si Azie sa kalsada sakto papunta din ako doon kaya niyaya ko na" sagot naman ni Pablo
"Sus! Ang sabihin mo nagpapalakas ka lang sa alaga ko! Hoy sinasabi ko sayo Pablo bawal yan ligawan!" Umirap si Inday kay Pablo at hinila niya na ako upang kami makalakad na.
"Bakit? Dahil malilintikan si Azie sa tito niya? Kaya nga manliligaw dahil papatunayan ko na malinis ang intensyon ko" pahabol na sinabi ni Pablo sa amin. Totoo ba na manliligaw siya? Ayaw ko na sana ituloy niya panliligaw niya kasi wala naman siya aasahan sa akin eh, kahit na medyo galit pa ako sa gagong Marvin na yun
"Hindi! Ako ang malilintikan kay architect! Kaya huwag mo na ituloy binabalak mo!" Sigaw ni Inday, tumawa na lang si Pablo at inakbayan si Inday
"Ang sungit talaga ng yaya mo Azie, mukhang siya muna papalambutin ko para makaligaw sayo ah!" Sabay kurot niya ng pisngi ni Inday
Tinulak naman ni Inday si Pablo sabay himas niya ng kanyang pisngi "Hooyyy!!! Ang sakit noon ah! Malilintikan ka talaga sa akin!" At hinampas hampas na ni Inday ng bag si Pablo, umiling na lang ako at iniwanan ko na sila since hindi ko naman sila kaklase.
Sa last period ko napatingin ako sa labas ng room ko at nakita ko si Pablo nag aantay sa labas, may bitbit na bulaklak, mga kaklase kong paki alamera naman panay sulyap sa kanya sa labas, sino ba naman ang hindi mapapasulyap kung may gwapo nakabitbit na mga bulaklak
Ng madismiss na kami binagalan ko magligpit ng mga gamit ko, naririnig ko naman ang mga tukso ng mga kaklase ko kay Pablo tungkol sa bulaklak, hindi na ako nagugulat kung marami nakaka kilala kay Pablo, bukod sa mabait na varsity player pa siya sa basketball.
YOU ARE READING
My Illicit Affair with My Tito
RomansaBumalik si Azalea Brielle Remullo or mas kilala na Azie galing London dahil namatay ang Ina nito, ngunit sa pagbalik niya sa Pilipinas mas lalo lumalim ang kanyang nararamdaman para kay Marvin Rafael or si Vin na kanyang tito, ang bunsong kapatid ng...