"Maam Azie ready ka na ba?" Mahinang katok ni Inday sa kwarto ko, buti na lang maaga umalis si Vin sa kwarto ko."Pababa na Inday" sagot ko sa kanya. Tinignan ko sarili ko sa salamin, suot suot ko ang uniporme na binili namin ni Inday sa palengke, it feels odd to wear a uniform after how many years of not wearing it. Sa London kasi wala uniporme ang pinapasukan ko kaya parang hindi na aasiwa ako na naka uniporme lang, nagmumukha ako tuloy high school student.
Sinuklay ko ang mahabang buhok ko at naglagay lang ako na pulbos at ng lipstick, hindi talaga ako ma make up na tao, pero if there's a need to put one, kaya ko naman make up'n sarili ko.
Ngayon na ang unang araw ng pasukan, hindi naman kami mag ka course ni Inday pero sabay kami papasok lagi kasi binilin siya ni tito Vin, nag abang na kami ng traysikel para makapasok na kami ni Inday.
Meron orientation program sa school kaya hindi pa kami regular class, hindi ko alam kung mainit ba ang uniporme ko oh sadya mainit lang ngayon araw, buti na lang at may panyo akong dala, mabilis din mag red ang pisngi ko pag naiinitan ako
"Maam Azie! Namumula ka, mainit ba? Gusto mo tubig?" Tanong ni Inday agad, walang pake alam si Inday kung malakas ang boses niya, kaya napatingin sa akin ang mga ibang tao na nasa harap namin, hinila ko palabas si Inday, nasa loob kasi kami ng gymnasium.
"Samahan mo na lang ako bumili ng tubig, at pede ba Inday pag nasa school tayo Azie na lang tawag mo sa akin" sabi ko sa kanya
"Maam hindi pede dapat may respeto paden ako sayo, hindi ko naman kinakahiya na yaya mo ako maam eh!" Sabi niya na tila proud na proud pa. Nag buntong hininga ako, hindi naman ganun kayaman ang Pamilya namin dito, hindi katulad sa mga ibang mayayaman na angkan na may sariling plantation din.
Si tito Vin nga lang ang kaya makikapag kompetensya ng yaman sa mga elite dito sa lugar na to, ang akala ko exaggerated lang si mama ng sabihin niya mayaman ang tito ko na yun, hindi pala nagkakamali si mama
Ayoko lang isipin ng mga tao na kaya ako may yaya dahil prinsesa ako na maarte ako dahil galing lang ako ng London. Sa totoo lang hindi ko naman kailangan ng yaya eh, si Vin lang naman kasi may ideya na ganito
"Bahala ka jan basta huwag mo na lang lakasan boses mo" sabi ko kay Inday habang naglalakad kami papuntang cafeteria
"Sige po maam, ay Ms. Azie na lang pede po ba maam?" Pagpaalam niya nakarating na kami sa cafeteria
"Bahala ka sa gusto mo Inday, tsaka pede dito muna tayo? Ang init sa gymnasium" at least dito sa cafeteria may aircon hindi mainit
"Sige Ms. Azie kuha lang ako ng malamig na tubig, ganyan ka pala pag naiinitan ka, namumula ka" sabay tawa ng walang hiya ni Inday bago tumungo sa ref para makakuha ng tubig.
Habang nagkwekwentuhan kami ni Inday nalaman ko na education din ang kurso niya katulad nila Pablo, ang kanyang kapatid naman ay senior high na siya ngayon, yung sinasahod niya kay tito ay siyang ginagamit niya pangtustos sa pag aaral niya at pagbayad ng kuryente nila
Ang mama niya nag tatanggap ng labada at naglalako ng mga gulay sa palengke, doon daw kumukuha ng pambili ng pagkain nila, kahit na mahirap ang buhay nila Inday hanga ako sa happy disposition niya, hindi mo mapapansin na meron siya problema dahil lagi siya masaya.
Maghapon yung orientation program, mga alas singko na kami nakauwi ni Inday, pagdating ko sa bahay nagluluto na si Manang ng hapunan namin, nagpalit muna ako at humiga sa kama hindi ko namalayan na nakatulog ako, ginising na lang ako ni Inday na kakain na kami ng hapunan.
"Azie nagusap na kayo ng tito mo?" Tanong ni lola sa akin, tinignan ko si lola at nagtaka, bakit ano kaya paguusapan namin ni tito?
"Hindi pa po lola" sabi ko sa kanya, tumingin siya sa akin at tumango
YOU ARE READING
My Illicit Affair with My Tito
RomanceBumalik si Azalea Brielle Remullo or mas kilala na Azie galing London dahil namatay ang Ina nito, ngunit sa pagbalik niya sa Pilipinas mas lalo lumalim ang kanyang nararamdaman para kay Marvin Rafael or si Vin na kanyang tito, ang bunsong kapatid ng...