As expected not everyone will accept us pero napakasakit na sarili mong nanay yun. Alam niya din pala nung una na hindi anak ni ate si Azie, pero siya pang hindi nakakaintindi, mahal ko nanay ko pero hindi ko siya hahayaan na saktan niya si Azie, wala parin siya karapatan saktan ang babaeng pinakamamahal ko.Kinaumagahan noon, tinipon ko lahat ng mga kasambahay, sinadya ko na magising ng maaga dahil dito, andito kami lahat nakaupo sa likod bahay tabi sa maliit na bahay na pinagawa ko kina Mang Kaloy. Tatlo na sila naninirahan doon since kinuha ko din ang kuya ni Inday dahil na rin pinag full time ko si Mang Kaloy na driver at tagabantay ni Azie.
"Salamat po at andito po kayong lahat, at humihingi din ako ng paumanhin sa nangyari kagabi, meron kasi hindi pagkaunawaan ang pamilya namin" paninimula ko, umiinom pa sila ng kape habang nagsasalita ako.
"Ano ba kasi nangyari Marvin? Ngayon ko lang nakita nagkanoon kayo ah" sambit ni Mang Kaloy, matagal na namin siya kasamahan dito sa bahay, binata pa siya noon pinanganak ako at hanggang ngayon naninilbihan padin siya sa amin
"Bago ko po sabihin sana maging bukas po isipan niyo" huminga ako ng malalim at isa isa ko sila tinignan, nakikita ko ang kanilang pagtataka "si Azie hindi tunay na anak ni ate Melissa, yun ang rason bakit kinidnap siya ng asawa niya, pinapaalala daw ni Azie ang pagkabaog niya, pero sana kahit ganoon hindi magbago ang trato niyo sa kanya"
Tumahimik sila lahat at nakita ko ang kanilang pagkagulat sa sinabi ko, pero alam ko mas magugulat sila sa susunod na sasabihin ko magsasalita na sana si Mang Sabel pero tinaas ko ang aking kamay
"Nang malaman ko ito nagiba ang tingin ko sa kanya, I will not go on details na pero me and Azie is in a romantic relationship, and I hope you respect her like you respect her before all of this, ayoko mag iba trato niyo sa kanya and huwag na huwag niyo huhusgahan, ako na lang husgahan niyo huwag lang siya,hindi ko mapapatawad ang tao gagawa ng hindi maganda sa kanya"
Nagkatinginan sila lahat, si Mang Kaloy lang ang nakatingin lang sa akin, tila ba pinagaaralan ang aking mukhang, hindi nagtagal bigla siya napatayo at tumawa
"Sabi na nga ba iba ang tama mo kay Azie! Napapansin ko naman sa mga kilos niyo, lalo na sa'yo pero binalewala ko lang yun kasi akala ko ganoon lang kayong mag tito, mag kasintahan na pala kayo" sabi niya at umiling iling pa
"Ser Vin, totoo ba? Kayo ni Ma'am? Gaahhhh kinikilig ako" bigla sinabi ni Inday na ngingisay pa ata pinagsabihan naman siya ng kanyang kuya pero hindi na nawala ang ngiti sa labi niya
"Architect ano ka ba hindi magbabago tingin namin kay Azie, sana po alagaan mo siya ng husto, ikaw lang ang meron siya, grabe din ang mga pinagdaan niya" sambit naman ni Mang Sabel, sumang ayon naman sila lahat at nagbuntong hininga ako.
Para ako nabunutan ng tinik sa mga narining ko sa mga kasambahay namin, sana ganoon din kabukas ang isipan ni nanay. Sa mga nagdaan araw napansin ko na malamig pakikitungo niya kay Azie, well hindi nga namin siya maplease at hindi naman namin siya pipilitin basta huwag niya lang ulit saktan si Azie.
Nasa site ako ngayon kung saan ginagawa ang resthouse ni governor, nang bigla tumawag si nanay sa akin
"Vin" sabi niya, na tila ba napakasaya niya, ako naman ngumiti na din dahil ngayon ko lang ulit narinig na ganoon kasaya ang boses niya
"Napatawag ka po?" Magalang ko tinanong
"Andito si Annielou sa bahay, magbabakasyon daw siya anak, namiss daw niya ang Arcadia" bumagsak ang balikat ko at nawala ang ngiti ko. Matagal na kami wala ni Annielou kaya wala siyang rason para bumalik pa dito.
Hindi ko namin maitatanggi na naging close siya sa pamilya ko lalo na kay nanay, at kilala ko siya, she will not give up until she gets what she wants, and alam ko siya ang nagpatawag kay Annielou
YOU ARE READING
My Illicit Affair with My Tito
RomansaBumalik si Azalea Brielle Remullo or mas kilala na Azie galing London dahil namatay ang Ina nito, ngunit sa pagbalik niya sa Pilipinas mas lalo lumalim ang kanyang nararamdaman para kay Marvin Rafael or si Vin na kanyang tito, ang bunsong kapatid ng...