"He-Hello po Architect ako po pa-la si Pablo Sevilla" sinabi ni Pablo ng tumayo siya, tumayo na din ako, napansin ko naman na bitbit ni Inday ang mga gamit ni Vin at dinala niya sa taas.Pasado alas singko pa lang, mukhang maaga siya umuwi, at kung tama ako dali dali pa niya ginawa yun kung ibabase ko sa ingay ng pag park niya kanina.
"Are you deaf? I am not asking your name, I am asking what brings you here?" Masungit niya tinanong, nakatayo pa din siya sa may pintuan na naka cross arms na ngayon.
Bigla naman lumabas si lola mula sa kanyang kwarto kasunod si lolo, ng puntahan niya kami sa salas naramdaman niya agad ang tensyon at dali dali siya pumunta kay Pablo at inakbayan ito
"Andito na pala si tito Vin niyo, magpalit ka muna anak at may sasabihin daw sa atin si Pablo" sabi ni lola, tinignan ni Vin si lola at napapikit siya at hinilot ang sentido niya
"Hindi pa kami tapos magusap ng lalaki na yan inay" sabay turo kay Pablo, umiling naman si lola at pinatong niya ang kamay niya sa balikat ni Pablo
"Actually inaantay ka niya, may sasabihin daw siya sa atin, magpalit ka na muna doon para mapagusapan na natin ang dahilan ng pagbisita ni Pablo dito" ngumiti naman si lola kay Pablo.
"Lika anak" sabi ni lolo kay Vin at nilapitan niya ito, tumingin si lolo sa mga mata ni Vin at tumingin naman siya pabalik, tila ba naguusap ang kanilang mata nag buntong hininga naman si Vin at tumango at umakyat na sa kwarto niya, nakita ko naman sumunod si lolo sa kanya.
Umupo ulit kami ni Pablo, si lola naman pinalipat ako sa tabi mismo ni Pablo nakaupo kasi siya sa mahabang sofa at si lola naman ang umupo sa solong sofa na inuupunan ko kanina, wala pa limang minuto bumababa agad si Vin kasama si lolo, agad umupo sa gitna namin si Vin at si lolo naman umupo dun sa pang isahan sofa.
"So? What brings you here?" Tanong ulit ni Vin sa kanya. Nakatukod ang kanyang mga siko sa kanyang mga tuhod at nakatingin lang ng derecho
"Huwag ka naman maging ganyan seryoso baka matakot si Pablo" pag saway ni lola, inayos niya ang buhok niya at sabay tinging kay Pablo "andito na si Vin, apo ano ang sadya mo dito sa amin bahay?" Tanong niya kay Pablo.
Nakita ko tumayo si Pablo at tinignan ako bago sila lolo at lola tapos kay Vin. Umupo naman ng maayos si Vin at sinandal niya ang kanyang likod at tinignan ng masama si Pablo
"Lolo Manuel, Lola Ising, Architect andito po sana ako upang mag paalam, aakyat sana ako ng ligaw kay Azie" pormal niya sinabi, napapikit ako at bigla na lang tumibok ang puso ko hindi dahil sa sinabi ni Pablo kundi sa kung ano magiging reaksyon ni Vin na ngayon tahimik lang.
Sabi na nga ba ito ang pakay ni Pablo, alam ko may kutob na ako kanima pero iba pa din pag tama ang kutob mo.
Dumilat lang ang mata ko na naramdaman ko may umupo sa tabi ko at kinuha ang mga kamay ko, ng makita ko si Pablo yun sumulyap ako kay Vin na ngayon hindi ko maunawaan ang reaksyon niya.
"Sinabi ko po sa kanya na seryoso ako sa kanya, handa po ako patunayan hindi lang po kay Azie pati na din po sainyo na gustong gusto ko po siya" seryosong sinabi sa kanila pero sa akin nakatingin.
"Hindi pwede" bigla sinabi ni Vin at tinaggal niya ang kamay ni Pablo na nakahawak sa akin
"Vin!" Saway ni lola, tumingin naman si Vin kay lola
"Diba sinabi niya magpapaalam siya na liligawan si Azie, so ang sagot ko hindi pwede" bigla tumayo si Vin at tinuro ang pintuan namin "now pwede ka na lumabas ng aming bahay nasabi mo na ang gusto mo" galit niya sinabi
"Vin! Pagbigyan mo naman si Pablo, iilan lang ang mga binata ngayon na nagpapaalam upang makaligaw, hindi ka ba natutuwa doon?" Sambit ni lola, tumayo naman si Pablo at tumingin kay Vin
YOU ARE READING
My Illicit Affair with My Tito
RomanceBumalik si Azalea Brielle Remullo or mas kilala na Azie galing London dahil namatay ang Ina nito, ngunit sa pagbalik niya sa Pilipinas mas lalo lumalim ang kanyang nararamdaman para kay Marvin Rafael or si Vin na kanyang tito, ang bunsong kapatid ng...