Chapter 14

385 6 0
                                    

My best friend Tangi knows everything. Kung paano ako nag suffer. Nakabangon ako ulit, nagsimula akong ituon ang atensyon ko sa ibang bagay. Doon na ako nagtayo ng iba't-ibang mga negosyo. Inabala ko ang sarili ko. But my dream still keeps on haunting me. Nakikita ko pa rin ang sarili ko sa mga billboards, sa mga magazines. And everytime I see myself in it, I feel a strong urge to come back.

Pero alam ko na hindi na pwede. Dahil kahit papaano nang binitawan ko ang pagmomodelo ay nabawasan ang iritasyon sa akin ni Caitlin, pinapansin na rin ako madalas ni mom.

Caitlin was more happy now, hindi na daw ito inaatake ng anxiety and I am happy for her.

But me... I am stuck here. Kahit abala ako sa mga negosyo, there are days when I feel so empty, alone at ramdam ko na walang patutunguhan ang buhay ko.

I know it's because up until now, I really wanted to go back... t-to do the thing that I love. Pero hindi na pwede.

"Catalina, anak? Are you okay?"

Nabalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni dad. Hindi ko rin napansin agad na nasa harapan ko na pala si Caitlin at nakatingin sa akin.

"Hi," I said and smiled.

"You are early. Hindi ka nag message," she said, hindi ngumingiti. Ibinalik niya rin ang tingin sa cellphone na hawak niya.

"Cait, hindi naman kailangan magmessage ng ate mo para pumunta dito. This is still her house and she's always welcome here."

Umangat naman ang tingin ni Caitlin sa dad at malawak itong ngumiti.

"Oh, oo nga pala. Nakalimutan ko na kasi, dad. Since Thes started to leave alone, para kasing may sariling buhay na rin talaga siya at nakalimutan na tayo."

That's not true... I am always here, pero sila ang nagtutulak sa akin palayo.

"Caitlin," may pagbabanta sa boses ng daddy nang magsalita siya. He's aware that things between me and Caitlin are not good.

Tumayo naman ako na ikinatingin ng aking ama sa akin.

"Aalis na rin ako, Dad. Binisita lang po talaga kita para makasiguro na ayos ka na."

"Dito ka na maglunch, anak," sabi niya pero mabilis akong umiling.

I don't think my sister would like that. At wala pa man ang mom ay alam kong hindi rin siya matutuwa.

"Pupunta po ako sa pet shop, magkikita rin po kami ni Tangi," I lied at the last part. Nasa Tagaytay si Tangi.

Wala na rin nagawa ang daddy nang magpaalam na ako. Caitlin didn't even look at me when I said goodbye to her. Nang tumalikod ako at palabas na ng bahay ay saka ko naman nasalubong ang mommy. She was surprised to see me pero ang gulat ay napalitan rin ng iritasyon.

Again... sa tuwing makikita niya ako ay palaging masama ang tingin niya sa akin.

"Pumunta lang po ako sandali para tingnan si Dad," sabi ko agad dahil alam ko na hindi niya gusto na nakikita ako dito.

"And you are leaving," malamig niyang sabi.

"Good."

That one last word made my eyes heated up. Mabilis nang mamuo ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. At nang lalagpasan na ako ng mom ay hinawakan ko siya sa mga kamay niya ng mahigpit.

"W-Why are you treating me this way, mommy?"

"Therese," matigas niyang tawag sa pangalan ko at binawi ang kamay niya.

"I don't understand... Why are you treating me like this? L-Like I am not really your daughter."

Nang humakbang si mommy at iiwan na ako ay muli ko siyang hinawakan sa kamay pero agad rin niya 'yon na binawi.

"Don't show me this drama, Therese Catalina. If you are going to leave. Then leave--"

"Lahat naman ginagawa ko, mom. I gave up my dream for Caitlin, I did e-everything that you wanted para maranasan ko naman ang pagmamahal galing sa 'yo. But why? W-Why until now you are treating me coldly like this. M-mas mauunawaan ko pa kung sasabihin mo sa akin na hindi mo ako anak. N-Na ampon lang ako."

Nang umiling ang mommy at ngumiti siya ay napahikbi ako. Wala ba talagang epekto sa kaniya lahat p-pagdating sa akin? Kahit nakikita niya na akong nasasaktan ng sobra?

"Unfortunately, you are my real daughter. Tigilan mo na ang kaartehan mo, Therese."

Napaatras ako at napayuko sa sinagot niya sa akin. I cried silently in front of her pero kahit isang simpatya, o katiting na awa ay wala akong nakita sa mga mata niya.

'Unfortunately' At ngayon ay paulit-ulit ko na naririnig sa isipan ko ang isang salita na sinabi niya na 'yon.

"Send me the gowns that you promised na ibibigay kay Caitlin. Aasahan ko iyan this week."

Should I give up?

Bumalik ako sa sasakyan ko na nanlalabo ang mga mata ko. Nakaalis ako ng mansion. Ang bilis rin ng pagpapatakbo ko at nang makarating na ako sa harapan ng bahay ko ay saka ko mas naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Ang matinding kirot sa puso ko nang maalala ang mga nangyari kanina.

Dahan-dahan ako na lumabas ng sasakyan ko but I felt so weak to continue walking to get inside of my house. At nang bumagsak ako sa gilid ng gate mismo ng bahay ko ay napakapit ako sa pinto ng aking cotse.

"What the he-hell..."

My hands are shaking, hinahabol ko rin ang paghinga ko.

"C-Calm down, Therese... c-calm down..."

But it was hard. And I am having an anxiety attack right now. Sa nanginginig na mga kamay ay inabot ko ang bag ko sa loob ng kotse at kinuha ko agad doon ang gamot ko. Pero hindi ko 'yon nainom dahil nalaglag ang gamot sa kalsada sa gilid dahil sa panginginig ng mga kamay ko.

"Oh g-gosh..."

Nang maramdaman ko ang hirap sa paghinga ay nailapat ko ang palad ko sa aking dibdib. I tried to calm down like what I do when I am alone but it-it was so hard... s-sobrang hirap dahil paulit-ulit ko na naririnig sa isipan ko ang mga sinabi ng mom.

She doesn't want me... S-She looked at me as if she regretted having me.

Siguro ay t-talagang sinisisi niya ako sa pagkahinto ng career niya. But isn't her love for dad enough reason to l-love me too? Kasi hindi ako mabubuo kung hindi naman dahil sa pagmamahalan nila. At ngayon... b-bakit para akong nanlilimos sa pagmamahal na d-dapat ko rin naman na matanggap because she is my mother?

"Aaah..." I cried.

W-Why?

"Aahhh!" I cried even more.

Why does it feel so hard to get love from m-my own family?

I am losing it, napahiga na ako sa gilid at unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko at nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko ay sinubukan ko na bumangon.

But before I reached it, I heard a voice beside me.

"M-Ma'am! Ay, Ma'am Thes! You okay?"

B-Beauty? She's my g-gardener and a transgender.

Pero sa lagay ko na 'to ay mukha ba akong okay?

"T-Take my... meds–"

"Hala! Ma'am! Teka sandali! I'll call for help!" she said, cutting me off.

Nakita ko na binitawan niya ang mga gamit na hawak niya sa gilid at kinuha ang tumutunog ko na cellphone sa loob ng sasakyan.

"H-Hello? Po? O-Opo kay Ma'am Catalina Thes po itong cellphone. Po? W-Wala na po ata siyang malay, eh! Tatawag na nga po sana ako ng embyu... ambu... a-ambu ng--tulong!"

Damn. Ambulance. At may malay pa ako! I just need to drink my medicine!

"B-Beauty... my meds..."

But darkness is now slowly invading me.

Nawawalan ako ng malay pag inaatake. But if my situation is worst and life threatening, siguro namatay na ako sa kaiisip ni Beauty sa pangalan ng ambulansya.

"B-Beauty... my medicine."

"M-Ma'am? A-Ano po ang last words ninyo?"

Sht.

The Billionaire's Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon