Chapter 25

352 6 0
                                    

Hindi ako inihatid ni Luther sa bahay ko katulad ng sinabi ko sa kaniya. Wala akong ibang iniisip na gagawin, ha? Malinis ang kunsensiya ko! Ang gusto ko na lang rin muna talaga ay umuwi ng maaga sa bahay at matulog mag-isa. Iyon lang at walang ibang mangyari! But then he went to R&S supermarket. Nagtaka naman ako kanina pero nabasa niya ata ang nasa isip ko kaya mabilis rin niyang sinabi na maggo-grocery kami ng mga kailangan ko sa bahay.

And that! Naalala ko na kailangan ko na nga pala na mag-stock ng mga pagkain. Siguro ay napansin rin niya dahil nga nakita niya ang laman ng ref ko nang ipagluto niya ako. Which I didn't expect. He could cook and he's a good one!

"Bakit hindi na lang tayo sa mall kanina namili kung mag-grocery rin pala?" tanong ko. Tulak-tulak niya ang push cart habang nakatingin sa corner ng mga meat.

"Limited lang ang mga naroon. This place, you can buy everything you need here."

Napatango naman ako sa kaniya at humawak ako sa push cart.

"Take what you need, Catalina," he said. May hawak siyang isang tray ng itlog at ibinaba 'yon sa cart.

Is this even normal? Sabagay, friends kami ngayon, mamayang gabi ay yung benefits naman.

Ay, hala ka talaga, Thes!

Natutop ko ang bibig ko nang maisip 'yon. Nangingiti. Minsan ang hirap rin pigilin ng mga ganitong thoughts, eh. At ngayon lang rin naman ako nagkaganito dahil kay Luther. And honestly, while looking at him right now habang namimili naman ng mga manok ay napahalukipkip ako.

He's good in everything, talagang green flag siya, eh. At kahit na mabait, gentleman, hindi siya yung tulad ng iba na boring sa kama. Mas wild siya doon, parang andon yung pagka-red flag kasi gigil na gigil siya everything he's inside of me.

I licked my lips when my eyes went to Luther's butt--my... heavens. He really has a great bum. Naitaas ko ang kaliwang kamay ko at ikinuyom ko 'yon habang nakatingin pa rin sa pang-upo niya. Remembering the first time I squeezed--

"Do you want beef?" baling niya sa akin bigla na naging dahilan ng mabilis na pagbaba ng kamay ko.

"B-Beef? Sure. Nag-crave akong bigla sa bulalo. Parang gusto kong sumipsip mamaya."

Nakangiti pa nang sabihin ko sa kaniya 'yon at nang makita ko na humigpit ang hawak ni Luther sa pack ng beef--na hindi naman mukhang pang bulalo ay napagdikit ko ng mariin ang mga labi ko.

Hindi ko naman kasi natingnan ng maayos ang hawak niya!

"Ahh, parang pang beef and broccoli 'yan, h-hehe. Sige. Gusto ko niyan."

Luther shook his head, smiling. Loko. Siguradong iba rin ang nasa isip niya. At dahil gaga ako ay lumapit ako sa kaniya at sinapo ko ang pang-upo niya. I squeezed his but three times.

Wala naman tao masyado dito.

"Why do I feel like you are thinking something else?" ngiti ko. Ginaya ko pa ang tono ng boses niya kanina nang tanungin niya ako sa sasakyan.

Hmmp. Akala mo, ha!

But Luther wasn't even shy because he felt guilty! Humarap siya sa akin at kinuha ang kamay ko na nakalapat sa pwet niya.

"You knew."

"H-Hoy, ha!" sita ko nang kagatin niya ang hintuturong daliri ko. Ang bilis na binawi ko tuloy ang kamay ko.

"It's in my dreams, Catalina. Of course I want you to suck me."

"Luther!"

Oh gosh! Bakit palagi na lang ako yung nakakaramdam ng kahihiyan kahit ako ang nagsisimula na asarin siya!

"I hope later, gusto mo pa rin sumip*sip--"

Luther was laughing when he turned his back and push the cart. Naiwan ako na napatanga pero nilingon rin niya ako habang nakangiti.

Ngiting may balak ang gago.

"Ng bulalo, Catalina."

Ugh! Hindi niya ako maloloko!

"Don't worry. Mamaya ay ipagluluto kita."

Dahil hiyang-hiya naman ako at ramdam ko na naman ang pamumula ng buong mukha ko ay nagpaalam ako sa kaniya na iikot muna at titingin ng mga bibilhin ko. Nakakainis. Siya lang kasi ang may kaya na sumagot sa akin ng ganon. Yung may sagot talaga na ako ang mahihiya ng sobra.

"Sige. Ihanda niya ang bulalo niya mamaya," bulong ko pa.

Nasa chocolates corner ako at kumuha ako ng ilang pack ng yisses. Nag-crave akong bigla. At nang makita ko pa ang ilang mga brand ng chocolates ay kumuha rin ako non. Hindi ko na nga rin nahawakan ng maayos dahil wala akong dalang cart o basket kaya nahulog ang mga 'yon.

"Aah, dapat pala pinasama ko na dito si Luther," sabi ko at nagpupulot.

"Ma'am, ay, kuhanan ko po kayo ng basket," sabi naman ng isang saleslady sa akin.

"Sige nga. Thank you so much," sagot ko dito ng nakangiti.

Dahil hindi ko na rin mahawakan lahat ay hinayaan ko na muna sa floor ang ibang packs. At habang naghihintay naman ako ay narinig ko ang cellphone ko na tumunog. Pagtingin ko doon ay nakita ko na tumatawag si Luther.

"Hello?"

"Where are you?"

Ito naman akala mo nasa magkaibang lugar kami. Malaki itong supermarket pero magkikita at magkikita kami for sure.

"Nasa chocolate corner ako. Tapos ka na ba mamili?"

Hinayaan ko na rin siya na pumili ng mga pagkain ko. Kahit sa akin 'yon ay mukhang mas alam niya ang mga dapat bilhin. Earlier when he's looking at the meat corner, kahit sa mga gulay ay napansin ko na sinusuri niya 'yon ng maigi. Kung ako kasi ay kung ano ang madampot ko, 'yon na ang ilalagay ko sa cart.

"I am not done yet, pupuntahan kita. Stay there."

"Aah, sige. Hinihintay ko lang yung basket at medyo marami ang nakuha kong chocolates--"

"Thes?"

Nasa tainga ko pa ang cellphone ko nang marinig ko naman ang pamilyar na boses na 'yon. And I smiled when I saw who it was.

"Zack!"

Pero nawala rin ang ngiti ko nang ma-realize na kasama ko si Luther.

H-Hala! Makikita ni Zack na magkasama kami!

"Are you alone?" tanong nito sa akin.

"O-Oo! I am alone. Wala akong ibang kasama. Sumaglit lang ako para bumili ng mga..." napatingin ako sa mga tsokolate na hawak ko.

"Chocolates. Yes."

At nang akala ko ay patay na ang call ay saka ko naman narinig ang boses ni Luther.

"Do you want me to remind you that you are not alone, Therese Catalina?"

Napangiwi ako nang marinig ang tono ng boses niya. Nagbabanta. Mabilis ko na ibinaba ang tawag at nang makita ko nga siya sa dulo--sa likod ni Zack na seryoso at masama ang tingin sa gawi ko ay napasinghap ako.

Oh sht. A-Anong gagawin ko?

The Billionaire's Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon