Chapter 29

1.8K 69 1
                                    

Akala ko naman ay may alam na itong si Rozzean sa relasyon namin ni Luther nun pala ay magpapatulong lang sa proposal niya para kay Tangi. Actually ikinatuwa ko na naisip niya na hingin ang tulong ko para dito, kasi syempre, bestfriend ko si Tangi at isa sa mahalagang pangyayari rin para sa akin ito para sa kaniya.

Pero hindi pa niya sinasabi sa akin ang talagang plano. Akala niya rin kasi ay nasa Manila ako kaya dapat ngayon niya ako balak na kitain para sabihin 'yon, sinabi ko na nasa bakasyon ako at next week pa ang balik. Nagsabi rin ako kung kailan ako free at okay naman daw sa kaniya dahil sandaling pag-uusap lang. Mas okay nga naman na maipaliwanag niya sa akin ng personal.

At bago niya ibaba ang tawag, kabilin-bilinan niya sa akin na wala akong pagsasabihan na kahit sino tungkol sa proposal. As in, inulit niya pa na walang kahit sino. Kahit kaya kapitbahay ko na hindi sila kilala? joke lang. Pero grabe, parang alam nitong si Rozzean na sobrang daldal ko. Nanigurado na sa akin. Yung pagkakasabi niya talaga na dapat walang ibang makakaalam, yung mabagal na pagsasalita na may bigat eh, parang nagbabanta na kapag naichika ko sa iba ay gigilitan niya ako ng buhay.

Naalala ko rin kasi si Luther, syempre natuwa ako, excited. Gusto ko na ichika kaso sa susunod na lang, 'di ko naman sure if nabanggit na 'to ni Rozzean sa pamilya niya--ay ewan ko! Basta susunod na lang muna ako na huwag sabihin sa kahit sino. Nakakatakot rin 'yong jumbohotdog na 'yon ni Tangi. Saka, kahit ako ayoko mapurnada ang plano niya.

"Aahh! Nae-excite naman ako!"

Nagtungo na ako sa kusina at naghanda na ng pagkain. Alas-dos y medya na at mukhang mamaya pa ang gising ni Luther. Akala niya, ha? Kaya ko rin siyang pabagsakin.

I was humming while getting out the ingredients. At habang abala naman ako dito sa kusina ay naalala ko naman si Tangi at ang celebration kahapon. Medyo kinabahan ako dahil nga hindi pa niya alam na may namamagitan sa amin ni Luther, I am thinking about the guests yesterday. Baka may kumuha sa amin ng photos at ipost sa soc med.

"Pero hindi naman active iyong si Tangi, so hindi niya naman malalaman."

Kaso, paano nga? Maliit lang rin naman ang mundo namin. Tiyak na kukurutin niya ako sa singit. Napangiti ako sa naisip ko na 'yon, bigla kong naalala ang inis na mukha ni Tangi.

"Sasabihin ko naman na rin sa kaniya. Pagbalik namin ay kakausapin ko kaagad siya."

Confident naman ako na hindi magtatampo 'yon, mas lamang siguro na magugulat siya kasi alam niya ang ugali ko at ang desisyon ko sa mga lalake, eh. She knows that I have no interest in men, pero kahit na ganon lagi niya akong tinatanong dati kung may manliligaw ba ako o kung may natitipuhan ako at palagi ko rin sagot na wala.

Kasi wala naman talaga. Kahit pa nga kamukha ni superman ang manligaw sa akin non ay baka hindi ko pa rin pansinin. I don't know, maybe because of the kind of life I have. Magulo ang pamilya, maraming negosyo, abala na ako sa maraming bagay at feeling ko kapag nagboyfriend ako non ay mas madaragdagan ang schedule ko--ang problema ko. Tapos dahil advance akong mag-isip, ang utak ko pa non ay baka pag nag-away kami ng karelasyon ko at sumabay sa problema ko sa pamilya at sa trabaho ay baka hindi ko naman kayanin. Isama pa ang takot kong maloko, kahit naman ganito na kagandahan na ako at sexy ay alam ko na may mga lalake na hindi marunong makontento at maghahanap pa ng mukhang bisugo.

Ganoon ako mag-overthink na dapat positive things lang ang isipin ko pero hindi.

Kaso ito na nga, Luther came, at ang mga what ifs ko ay hinangin na at naglahong parang bula dahil sa kung paano niya ako tratuhin. Kung paano niya magsalita. Iyong mga words niya sobrang-sobrang aligned sa mga kilos niya. Ang gaan ng pakiramdam ko, wala akong negative thoughts na daragdagan niya ang problema ko. It's the other way around pa nga. Mukhang ako ang nakadagdag sa mga problema niya. He's so sweet, eh. Super caring despire his stern cold face. Tapos I like how he does things for me, how he always thinks of me even in the little things.

"Basta wait ka lang jan, Tangi. Sasabihin ko sa 'yo na may relasyon na kami ni Luther kapag malapit na kaming magpakasal."

Syempre hindi naman. I just felt like this is not the right time to tell her, saka gusto ko focus muna siya kay Rozzean--lalo na ngayon magpopropose na 'to, ayoko agawin ang momentum nilang dalawa dahil alam ko talaga na pag nalaman ni Tangi ang sa amin ni Luther ay mahaba-habang paliwanagan ang mangyayari.

Iniwan ko na muna ang iniluluto ko sa kusina at pumasok akong muli sa kwarto namin. At kung anong pwesto ko iniwan si Luther, ay ganoon pa rin ang pwesto niya ngayon. Nakadapa pa rin at nakatagilid ang ulo niya sa kanan. Nang lumapit ako sa kaniya ay humalukipkip ako at pinakatitigan siya.

Nang hindi ko naman napigilan ang sarili ko ay sumampa ako sa kama at pinatakan siya ng banayad na halik sa noo. Itinaas ko rin ang kumot niya dahil nga wala pa naman siyang kahit anong suot sa ilalim nito. Kinuha ko rin ang remote ng aircon at hininaan 'yon.

After that, I lie down beside him, nakangiti akong pinagmasdan siya. Ang bilis ng ganap sa aming dalawa, pero ang nakakatuwa ay sa bawat araw, sinisiguro at ipinaparamdam ni Luther sa akin na seryoso siya.

He fulfills my need, he doesn't care if it's just sex that I can give him. At infairness sa confient niya na mapapaibig niyya ako non.

"And here I am now... slowly... falling... so deep. Just like you said."

Dumukwang ako at hinalikan siya ng mariin sa mga labi. And I chuckled when Luther didn't even even move or give any reaction. Talagang ang lalim ng tulog!

Sa amin ngayon, mukhang siya ang mas napagod.

"Paano kasi ay siya ang kilos ng kilos," napangisi akong muli.

Binalikan ko na ang iniluluto ko bago ko pa makalimutan. Kinuha ko rin ang cellphone ko at saka naman ako nagreply sa daddy. Ito nga at sinabi niya na hindi pa rin namn daw sila uuwi at ang ikinakunot ng noo ko ay gusto daw akong makausap ni Caitlin.

"For what?"

Baka naman dahilan niya lang 'to para makita si Luther? Like, she knows that if I showed up, kasama ko rin ito. Napaismid na lang ako at sinabi ko sa dad na ang oras lang na makasama siya at makausap ang mayroon ako kasi may balak ako na mamasyal sa Cebu. Nang sumagot ulit ang daddy ay siyang pagpatay ko naman sa stove. Naupo ako at pinakatitigan ang mensahe nito.

"Your sister wants to talk to you to apologize, Catalina. Nagkausap na kami, at ito ang dahilan kung bakit gusto ka niyang kausapin."

Hindi ko agad naproseso 'yon. Talagang inulit ko na basahin.

Caitlin will apologize? Magugunaw na ba ang mundo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Billionaire's Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon