Chapter 26

4.8K 106 31
                                    

Note: Hello po. Explain ko lang po ulit kasi may nagtataka bakit iba ang chapters sa ibang platforms na andito sa watty. Dito sa wattpad, mahaba per chapter kasi magkakasama na ang ibang chap, sa ibang platforms maiigsi (kasi request nila para mabilis ma-unlock para maliit coins) kaya po marami talaga ang chapters doon. hehe.

Example po. Ang chapter 1 dito na may 5k words, sa ibang platforms ay nahati sa Chapter 1,2 at 3. Ganoon po para sa mga nalilito.

Also, mas active po ako sa GN app sa pag-aupdate dito kila Thes at Luther. If gusto ninyo po mabasa agad ang mga chapters pwede po doon kasi dito sa watty slow update lang po tayo. Thank you so much po! Keep safe po!


------

I don't care if I'm hurting her! I don't care if she's screaming in pain and crying in front of me, begging me to let go of her hair. What she did is something I can't just let go! Sinabi ko na, kung ako lang ay matitiis ko, hindi ko siya papansinin sa mga pang-iinsulto niya o pangsusubok sa pasensiya ko. Pero ibang usapan na si Luther.

Especially since she touched and kissed my man!

Ghad. I can feel my body trembling. I am so mad. Hindi ko alam na makakaramdam ako ng ganitong galit sa buong buhay ko habang hinihila ang buhok ng isang babae sa panlalandi sa boyfriend ko. At hindi lang kung sinong babae, kung hindi kapatid ko pa!

"Aahhh! Stop! Y-you whore! Takot ka lang maagawan kaya ka ganiyan!"

Aba't talaga naman!

"You really know how to fckng pissed me off! Pero sumosobra ka na! Kung akala mo ay tatalikod lang ako at tatanggapin ang ginawa mo na paghalik sa boyfriend ko ay nagkakamali ka! You deserve this! You btch!" I shouted and pulled her hair even more. Nang mahawakan naman ako ni Caitlin sa braso ay naramdaman ko ang pagbaon ng mahahaba niyang  kuko doon.

Sht. I felt it sting. Pero hindi ako nagpatalo. We're both shouting in anger. Hinila ko rin ang damit niya habang nakakubabaw pa rin ako sa kaniya.

"Let me go! T-Thes! Aahh!"

But I was so livid. Hindi ko matanggap na naddampian ng mga labi niya ang mga labi ni Luther. I felt like I was going to cry too... No. Those lips are  mine only... ako lang dapat ang hahalik sa mga labing 'yon. Ako lang ang may karapatan.

"A-Aahh! Ang sakit! Thes! My hair! I w-will tell this to mommy!"

"Wala akong pakialam kahit magsumbong ka pa kay mommy o sa buong bansa! Sasamahan pa kita!"

But after I said that, I heard footsteps. Nakarinig rin ako ng pagmumura at nagulat na lang ako nang may bumuhat sa akin palayo kay Caitlin. And before I am familiar with his scent, and his touch, nakilala ko kaagad na si Luther 'yon.

Hindi ko siya makita ng maayos dahil sabog-sabog na rin ang buhok ko na nakatabing sa mukha ko. Pero hinawi naman niya 'yon habang hawak pa rin niya ako sa baywang ko.

"L-Luther..."

"Damn it. I know this will going to happen," pagkasabi niya non ay marahas niyang binalingan si Caitlin na umiiyak at nakahiga pa rin sa sahig. Napalunok naman ako at naikuyom ko ang mga kamay ko.

Lumayo ako agad sa kaniya nang maalala ang ginawa ng kapatid ko.

I can't believe it... n-nahalikan siya ni Caitlin.

Naiiyak na ata ako.

No. Umiiyak na ako.

"Catalina--"

Nang makita ko na pumasok ang daddy at si Zack ay naglakad ako palapit sa kanila. Inayos ko ang buhok ko at tiningnan ang daddy na sa akin nakatuon ang pansin. Zack helped Caitlin to get up.

The Billionaire's Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon