Chapter 22

4.2K 68 2
                                    

Hiii! Sa mga updated, last chapter update ko po diba ay 51? may karugtong na po ito dito. Pinagsama-sama ko po kasi ang mga cut chapters para hindi magmukhang mahaba hehe. Thank you so much po!

Totoo ang mga sinabi ko kay Luther na balak ko na rin siya na ipakilala kay dad. It's not just because I found out that my dad wants me to marry Zack, but also because I started thinking about taking my relationship with Luther seriously. He's always reassuring me, I see his effort, and every day he makes me feel that this isn't just a brief romance— or I am just a fling. Not to mention that he's also thinking about a future with me.

I feel like, at some point, I'm being unfair to him too. Kasi parang hindi ko na iniisip yung kung ano rin ba yung makakapagpasaya sa kaniya. Hindi naman kasi siya madalas magsabi, hindi ko rin naman madaling nababasa ang iniisip niya pero alam ko naman na kahit sinabi niya noon na tatanggapin niya kahit ano ang i-offer ko para lang makasama niya ako ay hindi tama na lahat sa relasyon na 'to ay nakapabor lang sa akin.

Una pa lang sinabi ko na rin naman sa sarili ko na dapat hindi ko masaktan si Luther, na kung wala talagang pag-asa ay tapusin ko na ang kung anong mayroon kami--and that's our relationship in bed. Pero hindi... bawat araw ay mas nakikilala ko siya, mas nagugustuhan na Sometimes I feel like I want to be possessive of him, like I just want to be with him all day.

He's just so sweet...

I caressed his face. Nakaupo siya ngayon sa kandungan ko at narito na kami sa kwarto, sa kaniyang kama. Nagpasya na rin kaming umakyat dito--not to do anything, ha? Para makapagpahinga na dahil maaga pa nga kaming tutulak sa Cebu bukas. Siya na rin pala ang nag-asikaso ng flight namin na dalawa. Buti pala hindi pa ako nakapagbook. Dapat ay pag-uwi ko 'yon kanina kaso nga hindi ko na nagawa dahil sa nangyari.

"Am I that handsome that you can't stop staring at me?"

Napangiti ako at kinurot ang ilong niya. "Ang feeling..." Pero totoo 'yon. Ang gwapo-gwapo niya. Kaya ko nga rin siya napansin noong una sa bar ay dahil gwapo siya. Mapapatingin ka talaga. I just called him ugly when we faced Tangi to act cool. At syempre para hindi halata na medyo na starstruck rin ako.

"By the way, Luther, ano pala ang plano mo pagkatapos ng celebration ng firm? May iba ka bang pupuntahan?" tanong ko.

Hindi ko pa binabanggit ang balak ko na pagbabakasyon. Kasi pakiramdam ko na hindi niya ako iiwan sa Cebu. Kung kasama niya ako na pumunta, kailangan kasama niya rin ako na babalik.

"I have a few meetings to attend the next day, followed by a visit to residential and commercial construction sites. Why?" he asked, ang lambing talaga ng boses nito parang lagi akong inaangat. Hinawakan pa niya 'yon kamay ko na humahaplos sa pisngi niya tapos pinatakan ng halik.

"Ganoon?" iyon lang ang naisagot ko dahil napaisip ako.

Trabaho niya ba 'yon? Hindi ba dapat may incharge sa mga ganoon gawain? Hindi ako maalam sa ginagawa nila pero dahil nga nakita ko rin kung paano magpatakbo si dad ay may ideya ako na may bawat department na naka-assign sa mga ganoong gawain. Pero siguro nga posible rin...

Is he really that hands-on as a CEO?

Bigla ko naman naalala ang sinabi ni dad noong dinner namin kasama si Zack, that, aside from Luther taking over his father's company, he also has other businesses. He's really a very busy man. Paano niya nama-manage ang time niya kung ganoon?

Tapos, Thes, nagagawa ka pang i-message palagi. Napupuntahan ka. Naaasikaso. The efforts give off the vibe of someone who would make a great future husband!

I bit my lower lip and suppressed my smile. Sakto naman na dumilat si Luther at nakita ang pagpipigil ko ng ngiti.

"Tulog na tayo," sabi ko sa kaniya. Pero alam ko na tatanungin niya ako kung ano ang dahilan ng pagngiti ko--kahit pa hindi 'yon natuloy.

The Billionaire's Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon