Chapter 21

3.6K 62 1
                                    

I didn't inform anyone that I will be staying at Luther's house for a week. Nakaramdam pa nga ako ng lungkot nang mapagtanto na wala rin naman magtatanong sa akin. Not even dad. Because Beauty was the only one who always checked on me at home. It's not because she was the one who's cleaning my garden, but she knew I sometimes needed company. That's why she come to my home to check on me.

Honestly, it's heartwarming. Even a simple act like that can have a big impact on someone like me who's dealing with mental health issues. I really appreciate what Beauty did.

At si Tangi naman, my bestfriend, I understand that she's busy right now with Rozzean. Bebe time ba. Wala akong pagtatampo na naramdaman sa kaniya kahit kailan kasi hindi naman niya rin ipinaramdam sa akin na nakakalimutan niya ako kahit na hindi kami magdalas mag-usap. At nung panahon na hindi siya nagmemensahe para tanungin kung ayos lang ako ay nag-alala talaga ako ng sobra, pero hindi ko naisip na nakalimutan na niya ako. Nun rin pala ay may ginagawa siyang kalokohan kaya hindi siya nagpaparamdam.

"I felt so comfortable here... para bang ilang beses na akong nagpunta dito," sambit ko pagkatapos na sandaling tumingin muli sa  paligid.

Nakaupo ako sa mahabang sofa sa may living room ni Luther. Hindi siya pumayag  na ako ang maghugas ng pinagkainan namin kahit nakasampung beses na pamimilit ako. Sinabi niya sa akin na siya na daw ang bahala at kung may gagawin ako ay gawin ko na lang daw. He even ask me if I need a laptop, sinabi ko naman na hindi na kasi sa group chat naman ako madalas makipag-communicate sa mga empleyado ko.

Nasa isip ata niya ay tulad niya ang ginagawa ko na nagche-check rin madalas ng emails. Ganoon rin naman minsan pero hindi palagi. Pag usapan sa mga overseas clients minsan through email saka kapag nakikipag-usap ako sa mga supplier.

Kinuha ko ang remote ng flat screen tv at pinindot ang power don. Bumungad sa akin ang isang tv drama na madalas ko na nakikita sa social media. Inilipat ko ang channel at nang mapunta 'yon sa cartoon network ay ibinaba ko na ang remote. I crossed my legs and started to watch.

I tried to focus on watching, but my mind was still occupied by what happened today. Kay Caitlin. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan sa mommy ang nangyari kanina. Even if Cait was the one who caused that mess, alam ko naman na ako pa rin ang pagsasabihan ng mommy.

She knows that Zack is in love with me, and she even talked to me about his feelings before. Like Caitlin, mom also wanted me to reject Zack's feelings, his love, but I made it clear to her that he's really just a friend. Nasaktan ako non, actually, dahil sa mukha ng mommy ay nabasa ko na hindi niya ako pinaniwalaan.

It's hard for her to believe every words coming from me. Hindi ko alam kung bakit. Baliwala nga madalas ang mga salita ko, madalang rin na titingnan niya ako para pakinggan. At kahit na sanay na ako, may mga pagkakataon na sobra akong nasasaktan na iniiiyak ko na lang rin ang nararamdaman ko.

Because, why? I always ask why... Ang simple lang ng gusto ko, pagmamahal ng isang ina. I longed for that since I was a kid. Hindi ako inggitera na tao pero nakakaramdam ako ng inggit sa kapatid ko, sa ibang tao how their mother treats them with kindness... with love.

Why d-do I have to beg for something that should be given to me without having to ask?

May magulang ba na ganito? Kasi ang Tita Tathiana ay sobrang sweet kay Tangi. I saw how she takes care of her children, how gentle her voice is, and how she looks at each of them with love—something I never experienced from my mom.

And last time I talked to her, it felt like she had already disowned me. To be honest, it's been that way for a long time. Hindi ko lang matanggap, sinusubukan ko pa kasi naniniwala ako na lalambot rin ang puso niya. Pero habang tumatagal mas lumalala, at nung mga panahon na tinanong ko siya kung bakit iba ang trato niya sa akin, sinabi niya na wala akong karapatan na kwestyunin ang mga ginagawa niya.

The Billionaire's Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon