Chapter 28

3.4K 79 8
                                    

 I'm still alive. But I cannot feel my whole body.

Nang magising ako ay talagang napabuntong hininga agad ako. Nagpasalamat rin ako na naka-survive naman ako sa pinagagawa namin ni Luther. Akala ko talaga itutuloy rin niya yung every corner na gusto niya pero buti na lang ay may awa pa siyang natitira sa akin.

Ngayon ay ito ay pagbiling ko natutulog pa siya ng mahimbing. Hindi rin naman ako nagpadaig kagabi, 'no. Sinigurado ko rin na pareho kaming nag-enjoy. Na hindi lang ako yung dapat mapapagod.

"He is so gwapo..." kagat labi kong bulong habang titig na titig sa kaniya.

"And very hot." Grabe rin ang dami niyang alam kagabi, inabot na kami ng madaling araw at hindi ko akalain posible pala 'yon. Wala siyang kapaguran, akala ko ay uubusin rin niya ang box ng condom na mayroon kami dito.

Kung ganoon ang nangyari baka isang buong araw akong tulog.

Inangat ko ang kamay ko at inihaplos ang likod non sa pisngi ni Luther. Nakadapa siya at nakatagilid ang ulo sa gawi ko. I smiled when his lips moved. At nang makita ko na ngumiti siya ay siyang pagsimangot ko naman dahil gusto ko pa sana siyang tingnan habang natutulog.

"Good morning, baby..." he pulled my hand caressing his face and hugged my tightly.

"Luther," suway ko sa kaniya nang maramdaman ko na humihigpit ang yakap niya sa akin. Parehong mga braso ba naman ang nakapulupot! Nakabaon rin ang mukha ko sa dibdib niya.

"Can we stay here longer? Matulog pa tayo," sabi niya. Halata naman rin kasi na inaantok pa siya!

Napatingin naman ako sa oras sa likod niya. At hindi na ako nabigla nang makitang mag-a-ala una na ng hapon. Ngayon ko sana gustong makausap namin ulit si dad, iyong mamasyal kasama nito at para magkausap rin sila ng silang dalawa lang. Kaso siguro pagbalik na lang namin sa Manila dahil ito nga at pareho kaming mukhang hindi makakaalis ngayon.

"Matulog ka pa. Magluluto muna ako ng pagkain--Luther!" sita ko sa kaniya nang maramdaman ko ang kamay niya na bumaba sa likod ko at pinisil ang pang-upo ko. We are still naked underneath!

"Akala ko ba ay matutulog ka pa?!" hinuli ko talaga 'yon at iniharap ko sa pagitan namin. Pero nang nasa gitna na namin ay ang dibdib ko naman ang pinagdiskitahan niya.

"Matutulog," sagot niya, mahina pero nang iangat ko ang mukha at nakita ko na nakangisi siya habang nakapikit ay umingos ako. Hindi talaga ako makukumbinsi kung ganito ang sagot niya at ekspresyon niya!

"Eh, ba't 'yang kamay mo kung saan-saan na naman ata gustong makarating?"

He chuckled and then I felt him kissed my head.

"I love you, Catalina..." he said while looking at me. I pressed my lips together and swallowed hard because my stomach twisted. Ang lambing ng pagkakasabi niya non. Ang lalim rin ng boses niya.

Pero ang tingin ni Luther sa akin ay hindi nanghihingi ng sagot sa sinabi niya. Dahil pagkatapos non ay niyakap na niya akong muli at siya naman ngayon ang bumaba at sumubsob sa leeg ko.

"Don't leave me here..."

"Magluluto ako," sagot ko nanman sa kaniya. He's like a baby! Iba sa pakiramdam na ang isang malaking tao na katulad niya ay nakasiksik sa akin ng ganito at nakayakap.

"Let's cook our food together later, please... dito ka na lang muna," sambit niya at mas naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin lalo. I nod and then this time ako naman ang humalik sa noo niya.

"Oh, sige. Matutulog na lang ulit ako."

Hinila ko na ang kumot sa aming dalawa at pagkatapos ay tumungo ang kamay ko sa kaniyang ulo. I reached for his hair, sinuklay ko ang buhok niya, hinahagod ng dahan-dahan. At sa ilang minuto ko 'yon na ginagawa ay tahimik na si Luther, mabagal na rin ang paghinga niya tanda na tulog na siya.

The Billionaire's Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon