Chapter 20

3.8K 60 4
                                    

Therese Catalina

It feels like a dejavu. Nang buksan ko ang mga mata ko ay nasa silid na ako ulit. Ramdam ko ang pamimigat at hapdi ng mga mata ko dahil sa pag-iyak ng sobra. I remembered what happened earlier. Pumunta si Caitlin dito sa bahay ko at nagwala, inawat siya ni Beauty at nagkasakitan silang dalawa.

Then when I arrived, she told me the reason why she was so mad. At maliban sa dahilan na pinipigilan ko na makilala siya bilang isang modelo, ang isa naman ay tungkol kay Zack.

"Things will not be better between us..." bulong ko habang dahan-dahan na bumabangon. Napatingin ako sa loob ng silid ko dahil patay ang ilaw. Then, I looked outside, sa may gawi ng bintana ko at may liwanag pa, ibig sabihin lang na hindi pa gabi.

Napahimas ako sa noo ko at napapikit ng mariin. Luther... he was here also. Umalis na ba siya? But no, I know he's still here. Hindi niya ako basta iniiwan, hindi siya  basta aalis lalo na kung nakita niya ako sa ganoong sitwasyon.

I was confident not because I know he's in love with me and that is a normal response to not leave the woman you love alone after a  bad thing happened. Pero alam ko na kahit sino siguro, sa kabutihan ng puso niya ay hindi niya basta na lang rin iiwan.

That's how I see him... and that made me think before na hindi ko deserve ang isang katulad niya.

"How are you?"

Hindi pa ako bumabaling sa pinto ay napangiti na ako nang marinig ang boses ni Luther. And when I turned my head to face him, iniangat ko ang mga kamay ko, na parang sinasalubong ko siya ng yakap.

"Okay naman na ako."

At hindi niya ako binigo dahil pagkalapit niya ay ipinaloob niya ako sa mga braso niya. I was a little bit embarassed that he saw me in that state. Malabo sa isipan ko ang mga nangyari, pero naririnig ko kung paano ako umiyak at kung paano ko tawagin ang pangalan niya.

And honestly, I don't want Luther to see me in such a weak state, but I also know that he's the person I want by my side. Kahit sino talaga ay ayoko na makita ako sa ganoong kalagayan, lalong-lalo na siya. But since I met him and felt his care, kung paano niya ako aluin ay napanatag ang loob ko sa kaniya.

I like his calmness, the softness of his voice, and his warm embrace. And this is the second time he's appeared just when I needed him the most.

"Where's beauty?" I asked after I let go. Tumingin pa ako sa likod niya pero bumalik rin ang atensyon sa kaninya.

"Pinauwi ko na siya. She wants to clean your house but I refused. Tumawag na ako kanina ng housekeepers."

Tumango ako. I lost my energy.

"Aren't you... going to ask me what really happened?" tanong ko sa kaniya. He caressed my face, hinihintay ko na sumagot siya pero ngumiti lang siya ng tipid sa akin.

"Ako ba hindi mo tatanungin kung bakit bigla akong dumating sa bahay mo?"

I smiled at what he said.

"Because you like surprising me kahit sinabi ko na kapag pupuntahan mo ako ay magsabi ka?"

Luther bit his lower lip and I gasped when he suddenly carried me and put me on his lap. Ikinabigla ko 'yon kaya namilog ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Napahawak rin ang mga kamay ko sa mga balikat niya.

"L-Luther... I was fine in my bed..." pero hindi niya ako ibinalik sa pwesto ko kahit sinabi ko 'yon, maas humigpit lang ang isang kamay niya na nakakawit sa baywang ko.

"I want to ask more about your current situation with your sister, but this isn't the right time."

Medyo nabigla ako na alam niyang kapatid ko ang dahilan ng kaguluhan kanina. Pero sumagi rin sa isipan ko na maaaring sinabi ni Beauty sa kaniya.

The Billionaire's Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon