Chapter 7

429 13 0
                                    




I was a model.

A lot of brand owners and international fashion directors noticed me and offered big projects. Unfortunately, my sister, who's also pursuing a modeling career, was left behind. That's when mom talked to me.

She said I need to step out of the spotlight for Caitlin to shine. Ibinigay ko 'yon. Isinuko ko kahit mahal na mahal ko ang pagmomodelo. Hindi ko na ipinaglaban ang gusto ko dahil sa atensyon at pagmamahal na nais ko mula sa kanila ni Mom. Ipinagpalit ko ang trabaho na pangarap at mahal ko para sa kanila dahil para sa akin ay mas mahalaga ang pamilya.

Sometimes, they care, sometimes they don't. At tuwang-tuwa na ako sa tuwing mabibigyan nila kahit kaunti ng kanilang atensyon.

I feel sorry for myself because it's like I'm begging for their love. Naisip ko nang baka hindi ako anak ni Mom dahil iba ang turing niya sa akin but that's impossible.

A lot of people saying that we looked a like. Ang Mommy ang kamukha ko, at si Caitlin naman ay ang Dad.

"I am sorry for making you worry, anak. Mag-iingat ka, ha?" sabi ni Dad at tumingin ito kay Zack. "Can you bring my daughter home, Zack? mas mapapanatag ako kung ihahatid mo siya."

Hatid...

Doon naman naalala si Luther. Napalingon ako sa pinto na bukas. He was not there! Hindi siya sumunod? Kung ganoon, saan nagpunta 'yon?

Damn. Nakalimutan ko na siya. Pero tingin ko ay umuwi na rin siya pagkatapos ng mga sinabi ko. Siguradong hindi na 'yon maghihintay pa.

"A-Ahm, No, Dad. Okay na po ako. Kasama ko po yung... k-kaibigan ko. Siya po ang nag drive," sagot ko naman.

"Sigurado ka po na okay ka na?" dagdag tanong ko pa. Medyo malayo ako, hindi pa rin ako lumalapit sa kanila. Caitlin is not smiling like she is earlier, and Mom has a blank face.

"Yes, anak. Matagal pa akong mamamatay kaya huwag kang mag-alala," sagot ng Dad na tipid kong ikinangiti.

"Trevor! huwag ka ngang magsalita ng tungkol sa kamatayan! don't also take what happened to you as a joke!" pagalit ni Mom na parang kanina pa nagtitimpi.

"Thessa--"

"Why are you always like this? y-you always make us worry! akala ko ay kung napaano ka na nang malaman ko na habang pauwi ay may humarang sa inyo at pinagbabaril ang sinasakyan mo. T-Thank God you are fine!"

Naiyak na ang mommy, kaagad naman na umikot si Caitlin at inalo ito and when I was going to walk near them I stopped when I felt my presence was not needed.

Again... I always felt this while looking at them.

Hindi na rin ako lumapit pa kay Dad dahil naupo na ang Mom sa gilid ng kama niya at inalo na rin siya nito. I just quietly exited the room without them noticing.

At pagkalabas na pagkalabas ko ay pinalis ko ang mga luha na sunod-sunod nang nalaglag. Para bang kanina pa nila gustong mahulog pero pigil na pigil ko lang. Now you guys won. Go ahead and fall.

"Thes, ihahatid na kita," puno ng pag-aalalang sabi naman ni Zach na sinundan ako sa paglabas.

"Z-Zack..." His eyes were filled with pity as he looked at me. Ito rin ang isa sa ayaw ko, ang kinaaawaan ako pero sino ba ang hindi maaawa sa sitwasyon ko?

Para akong nanlilimos ng atensyon sa sarili kong pamilya.

Hindi pala parang... dahil ganoon na nga mismo ang nangyayari.

"I'll get my car, wait for me outside--"

"N-No..." pigil ko sa braso niya nang tatalikod na siya.

"I-I am with my f-friend," sabi ko kahit alam kong wala na rito sa ospital si Luther at umuwi na.

"Umuwi ka na rin at magpahinga, Zack. Thank you for telling me what happened to Dad. Anong oras na at bukas ay alam kong maaga pa ang pasok mo sa opisina."

He pressed his temple as if he regretted telling me what happened to my father after he also witnessed Mom and Caitlin making me feel right in front of my face that they don't need me.

"But--"

I tapped his back and smiled even with my eyes full of tears.

"I am fine! kapag nakauwi na ako ay sasabihin ko rin sa 'yo agad, okay? and tell me also kung nakauwi ka na rin. Pakisabi na rin pala sa Dad mo na maraming salamat. Hindi ko na nakausap kanina sa silid."

"Thes..." tawag niya sa pangalan ko, puno ng pag-aalala at awa.

"Thank you again, Zack. At mag-iingat ka pauwi."

After I said that I turned my back on him and started to walk. Kung ano ang laki ng mga hakbang at pagmamadali ko na makarating sa silid ni Dad kanina ay siyang bagal ng paglabas ko ngayon na parang ayaw ko pang umalis.

My heart is aching so badly. Naninikip at hindi matigil ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko. Hindi naman ako iyakin, hindi rin ako mahina, napakatapang ko pero palagi... p-palagi na pagdating sa pamilya ko ay pakiramdam ko ako ang pinakamahina at pinakatangang tao sa mundo.

"Ibinigay ko naman na lahat, ginagawa ko naman ang lahat ng gusto nila," I complained like a child.

Hindi ko na pinagkaabalahan na palisin ang mga luha, napapatingin na sa akin ang mga nakakasalubong ko sa labas ng ospital. At nang pagkalabas ko sa mismong kalsada ay handa na sana akong pumara ng taxi nang mapatigil ako at makita ko si Luther na nakasandal sa hood ng kotse niya at nakahalukikip na parang may hinihintay.

H-he is still here... akala ko ay umuwi na siya?

It didn't even take long when his eyes met mine. Pagkakita niya sa akin ay umayos siya ng tayo at seryoso akong tiningnan.

"Are we going home now?" he asked me with so much care in his voice. Hindi siya ganoon kalapit pero rinig na rinig ko. Napahikbi ako lalo.

And I didn't know what has gotten into me. Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya at walang salita na kumapit sa kaniyang batok upang halikan siya.

It was not a quick kiss. It was deep, passionate, and he immediately responded. Sa labas mismo ng ospital na may iilang tao na dumaraan ay walang kahiya-hiya na pinalalim ko pa ang halikan namin na dalawa.

"Catalina..." and when he whispered my name, I looked at him. My lips quivered and tears fell from my eyes, which he wiped away immediately.

"I am... so sad right now, Luther."

Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko mabasa ng maayos ang klase ng tingin niya pero nang kumislap 'yon habang nakatuon ang atensyon niya sa akin ay nakita roon ang simpatya.

"M-My heart h-hurts so much."

Humigpit ang kapit ng mga kamay ko sa kaniyang batok at siya naman ay bumaon ang mga daliri niya sa aking baywang.

He even pulled me closer to him. Our breath touched our faces. Our lips were just a few inches away again...

"What do you want me to do?" he asked huskily.

And I responded, "Remove the pain and make me happy tonight... please, Luther."

The Billionaire's Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon