Chapter 24

4.3K 100 44
                                    

"Nang nasa bahay namin siya last week, I heard that she was bad-mouthing you to mom again. Nakakairita siya. Kung ako sa 'yo, Ate Therese, sampulan mo iyang kapatid mo. Hindi naman masama na bigyan siya ng lesson paminsan-minsan."

Kahit nang malapit na sa amin sila Caitlin ay narinig ko pa 'yon na sinabi ni Zendaya na halatang wala siyang pakialam kahit may makarinig pa sa amin--o mismong ang kapatid ko ang makarinig ng mga sinasabi niya.

I've already said this before. Na isa sa dahilan kung bakit hindi ko na rin pinapatulan si Caitlin sa mga ginagawa niya sa akin at sinasabi sa ibang tao tungkol sa akin ay dahil ayoko na mas lumala pa ang away namin. Less reaction, less fight. Ayoko na rin makarinig pa ng pangaral kay mommy kahit ako ang nadedehado.

But I can endure it if it's me she's messing with. Kahit pa magwala siya sa harapan ko ulit. I can accept it, I can bear it. But I won't just let it slide if she touches or gets close to Luther like this. Ibang usapan na kapag si Luther.

Naikuyom ko ang mga kamay ko. Nang magtama ang tingin namin ni Caitlin ay napaismid pa ako at napailing nang hawakan niya sa braso si Luther. So, she's making me see this? She wanted my reaction?

And of course, my baby, who wanted to teach Caitlin a lesson after what she did to me yesterday, quickly removed her hand that was holding onto him. He looked annoyed and even moved away. Inaasahan ko na 'tong gagawin ni Luther, and he's not doing this because he knows I'm here. Alam ko na kahit wala ako ay magiging ganito ang reaksyon niya.

I'm confident that he won't let any other woman touch him.

Nang makalapit sila sa amin ay ramdam ko na ang titig sa akin ni Luther, alam ko na gusto niya ako na lapitan pero dahil may usapan kami ay nanatili siya sa tabi lang ng Tito Zid, ang daddy ni Zack.

"Anak, anong oras ka dumating? Hindi kita napansin kanina masyadong maraming tao," lumapit ang dad sa akin at humalik sa pisngi ko. I smiled at him, then looked at Caitlin. Nginitian ko rin ito pero hindi ako pinansin. She's like this even in public. Dati ay nakakaramdam ako ng kaunting lungkot, na dapat ipakita naman niya kahit peke lang na okay kami. Pero ngayon, bigla akong nawalan ng pakialam.

"I was just here with Zenny girl," sagot ko sa aking ama at nilingon ang kapatid ni Zack.

"Hindi ka naman siguro kinulit ni Zendaya at tinanong ng tinanong tungkol sa mga bagong released mong dresses, hija?" nakangiti na tanong ng Tita Alice.

"Mommy... hindi po. Behave po ako diti kay Ate Therese," sagot naman ni Zendaya. Kumapit pa siya sa braso ko at humilig sa balikat ko. And Caitlin rolled her eyes when she saw that. Ito pa ang isa, naiinis siya dahil ako ang gusto ng kapatid ni Zack. Lahat na lang and she accused me before na nagustuhan ako nito dahil sa mga binibigay kong mga damit.

Hindi magaganda ang iniisip niya s amga ginagawa ko.

"I remember that you asked me when your Ate Therese is free, Zen, gusto mo na magpasama sa Italy para maglibot, 'di ba?" ang Tito Zid.

I looked at Luther, alam ko na medyo awkward na ganito ako ka-close sa pamilya ni Zack. Pero nang makita ko naman ang itsura niya ay nakahinga naman ako ng maluwag. He doesn't look like he's annoyed or anything.

"Are you busy, Thes?" tanong naman ng Tita Alice. Naramdaman ko ang mahigpit na kapit ni Zendaya sa braso ko kaya napatingin ako sa kaniya. She's pouting. Kaya ba siya tumabi sa akin kanina? Maybe she will ask me pero naunahan siya ng hiya.

"Kailan po ba 'to, tita?" tanong ko ng nakangiti. Pero bago pa makasagot si Tita Alice ay nagsalita naman si Caitlin.

"May fashion show po ako sa Italy, tita, pwede po na ako ang sumama kay Zen," she said. She even looked at Zendaya, mas naramdaman ko naman ang higpit lalo ng kapit nito sa braso ko. Inilayo rin ang tingin, itinago ang mukha sa likod ko at nang marinig ko ang bulong niya ay napayuko ako at napangiti.

The Billionaire's Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon