CHAPTER 18

386 4 0
                                    

NAGTULOY tuloy ang plano namin ni Joyze na lagi ko dapat kadikit si Zaiton. Mula noong sinabi sa akin ni Zaiton na kailangan naming pagselosin si Zaitan ay agad akong napahanga. Matalino talaga si Joyze pagdating sa mga bagay na ganito.

" Alam mo Moby type ka naman talaga ni Kuya e. Nagpapakipot lang yun." sabi ni Zaiton habang pinagdadrive ako pauwi.

Hindi na kasi ako nasusundo ni Zaitan tuwing uwian. Lagi nya ako pinapasundo sa driver nya na ikinataka ko. Simula ng lumapit si Zaiton sa akin ay sya ding layo ni Zaitan sa akin paunti-unti. Hindi ko alam kong tama ba ang desisyon ko na gawin ang plano na ito o ako lang ang matatalo.

" Natatakot ka ba na mapalayas ulit?"

" May point" sagot nya at humalaklak.

Bumukas ang gate ng mansyon at binuksan na ni Zaiton ang bintana ng kotse upang kausapin ang guard ngunit wala ito dito na mas lalo kong ipinagtaka.

Kumunot din ang noo ni Zaiton dahil alam nyang may mali sa loob. Bababa na sana ako upang puntahan sa loob si Zaitan ng pigilan ako ni Zaiton.

" Huwag kang bababa." seryoso nyang sabi at inatras ang kotse paalis sa mansyon.

" Z-Zaiton anong nangyayari?" Bakit walang security sa mansyon?" tanong ko na alam kong imposible nyang masagot.

Hindi nya napansin ang aking tanong dahil busy sya sa pagtipa ng kaniyang cellphone. Wala pang ilang minuto ang nakakaraan ng mabilis na nagingay ang kaniyang cellphone.

" I know you're with Moby, Zaiton. Dalhin mo sya sa condo ko sa Tagaytay ngayon din. Wag kang papaasok sa condo ko kundi lalabas kang abo!" seryosong sabi ni Zaitan mula sa kabilang linya na ikinatawa lamang ni Zaiton.

" Zaitan? Nasaan ka? Bakit wala ka sa mansyon? Ano bang nangyayari?" sunod-sunod kong tanong at nabuntong hininga naman sya.

" I will wait you here and explain it to you" maamong sabi nya at pinatay nya ang tawag.

Wala naman pasabing inikot ni Zaiton ang kotse nya upang puntahan ang lugar na sinasabi ni Zaitan. Sana ay okay lang sya. Ano ba talagang nangyayari?.

Kalahating oras ang ginugol namin upang matuntun ang condo na sinasabi ni Zaitan.
Hanggang sa pintoan lang ako hinatid ni Zaiton dahil baka hindi na daw sya makalabas ng buhay pag pumasok pa sya.

" Alis na ako, Moby. Sa susunod nalang!" magiliw na sabi ni Zaiton at ginulo ang aking buhok.

" Wala ng susunod Zaiton Gavril." sabay naman kaming nagulat ni Zaiton ng bumukas ang pinto at niluwa nito si Zaitan.

He's wearing white fitted sando paired with black pants. Nakakros ang dalawang kamay nya sa kaniyang dibdib dahilan upang makita ko ang kaniyang namumutok na muscles. Halos lunukin ko na ang lahat ng aking laway dahil lang doon.

" Natulo ang laway!" sigaw ni Zaiton

Masama ko naman syang tinignan ngunit naglalakad na pala ito paalis habang humahalakhak.

Nagulat naman ako ng kabigin ni Zaitan ang bewang ko papasok sa loob ng condo nya. Nilibot ko ang aking mata sa loob, kaseng laki ng kwarto namin sa mansyon. Malinis at may sarili ding kusina. Maganda.

" Hi baby. I really miss you" maamong sabi ni Zaitan habang nililigkis ang kaniyang mga braso sa aking katawan at siniksik ang muka sa aking leeg.

"Namiss din kita Zaitan" sabi ko at yinakap sya pabalik. Hindi ko alam kong bakit naging ganito sya bigla.

" Hindi ka na ba galit sa akin?"

" Hindi naman ako nagalit sayo"

" Talaga? Bakit hindi na ikaw ang sumusundo sa akin tuwing uwian? Namimiss tuloy kita" mahina kong reklamo na ikinangiti nya.

SECRETLY OWNED BY MR. VERMILION Where stories live. Discover now