CHAPTER 28

363 4 0
                                    

NAKAKUNOT ang noo nyang tinitignan ang text sa kaniya ng kanilang paaralan. She will be homeschooled. Hindi na nya tinanong si Zaitan dahil alam nyang ito ang may kinalaman. Sigurado ako na nagaalala sya dahil magkasabwat si Hailey at Zhaikira.

Kahit ako ay napapaisip kong bakit nagawa ito sa akin ni Shakira o Zhaikira pa yan. I'm good friend at her. Hindi ko sya inaway or pinagsalitaan ng masama ngunit paano nya nagawa sa akin ang mga iyon.

Nakarinig ko ng ingay na nagmumula sa aming pintoan. Umalis si Zaitan dahil may kailangan daw syang sabihin kay Vile kung kaya't pumayag na ako. Kabilinbilinan nya na huwag akong magbubukas ng pinto basta basta.

Kinabahan naman ako sa tipo ng pagkakapindot nito ng bell sa labas. Tinignan ko naman ang screen at nakita ko ang lalaking nakayuko habang nagiwan ng isang box sa harap ng pinto. Pumindot ito ng bell sa isa pang pagkakataon saka siya nagmamadaling umalis.

Wala naman ako sa sariling binuksan ang pintoan at kinuha ang box. Dala dala ko ito sa loob ng condo at ipinatong sa lamesa.

Dahan-dahan ko itong binuksan ngunit napahiyaw ako sa aking nakita. Isa itong larawan ko na kuha mula sa malayo kasama sila Erica habang nagtatawanan. May kasama itong mga bulate patay na.

" Zaitan!" sigaw ko habang napaupong umaatras paalis sa lamesa. Nagtago ako sa loob ng aming kwarto habang nanginginig na tinatawag ang pangalan ni Zaitan.

Nahiyaw naman ako ng mabilis na bumukas ang kwarto. Nakita ko si Zaitan na nagaalalang tumingin sa akin. Mabilis akong lumapit sa kaniya at dinambahan sya ng yakap.

" Na-Natatakot ako Zaitan. May  box tapos...tapos may larawan ko n-- Shh calm down, Fragolina. I'm here. Hindi ka nila magagalaw hm" masuyo nyang sabi habang marahan nyang hinahaplos ang aking likuran.

Akmang aalisin nya ang pagkakayakap kp sa kaniya ng hinigpitan ko ito. Hindi naman sya nagsalita at kinuha lamang ang cellphone sa bulsa nya. Nakita kong tinawagan nya si Vile.

" It's the f*cking tenth time that she gave me death threat Vile. I need her location right now!" nangigigigil na sabi ni Zaitan habang hawak hawak ang aking bewang upang hindi malaglag.

" Hindi mo sya pwedeng sugudin na walang plano. You have a lot of connections Vermilion. Gamitin mo na ang alas mo hindi yung iniistorbo mo pa ako!" huling sabi nya bago ibaba ang telepono na ikinais ko.

Binaba naman nya ako sa ibabaw ng kama at yumuko upang magpantay ang aming muka. Seryoso syang nakatingin sa akin na tila may gustong sabihin.

" A-Ano bang nangyayari Zaitan? Hindi ko maintindihan. Ipaliwanag mo sa akin ang lahat ngayon din." naluluha kong sabi habang nakatingin sa kaniyang mga magagandang mata.

Gusto kong malaman ang lahat. Ayokong laging nasa likod nya bilang suporta. Gusto kong malaman ang nangyayari sa amin ngayon upang makaisip ako ng paraan na pwede kong itulong.

" Kaya ko na ito, Fragolina. Hindi ka pwedeng sumama sa mga ganitong bagay hm? Problema ko ito, aayusin ko ito." masuyong nyang sabi sabay hawak ng aking muka ngunit ayoko nang laging nasa likod nya.

" H-Hindi bat girlfriend mo ako? Mahal kita at mahal mo ako, hindi ba? Kailangan kong malaman ang lahat. Kung may problema kang aayusin, isama mo ako. Kung wala akong maiitulong at least andyan ako para suportahan ka." determinado kong sabi habang hindi pa din tinatanggal ang tingin sa kaniyang mga mata.

Napayuko naman sya at kitang kita ko kung paano ito ngumiti. Napaupo naman ito sa sahig habang nakatingin sa akin.

" You always amaze me, Fragolina. Tama ka. You're my girlfriend and you should know everything about me and my problem." sabay halik sa aking mga kamay na ikinainit ng akong pisngi.

SECRETLY OWNED BY MR. VERMILION Where stories live. Discover now