CHAPTER 30

356 3 2
                                    

TANGING takbo lang ang nagawa ko dahil sa takot na aking nararamdaman. Hindi ko alam ang aking gagawin at kung saan pupunta dahil sa aking ginawa.

Napahinto ako ng takbo at nagumpisang maglakad ng hindi ko na naririnig ang boses ni Zaitan.

Nanginginig akong napaupo sa sahig na tila hindi na alam ang gagawin. Paano ko nagawa ang bagay na ito? Tiyak akong magagalit si Sister Rosa dahil gumawa ako ng masama ngunit kong hindi ko iyon gagawin ay mapapahamak ako.

Sunod-sunod na naglandas ang luha sa aking mga mata.

" Fragolina!" sigaw nya na nagpatayo sa akin at akmang tatakbo ako palayo  sa kaniya ng mahawakan nya ang aking kamay. Hinila nya ako palapit sa kaniya at mahigpit na kinulong sa dibdib nya.

Nanginginig akong nagpupumiglas ngunit ng maramdaman ko ang haplos nya sa ulo ko at ang mainit na pagyakap nya ay nahimasmasan ako. Unti-unting nilubog ko ang muka ko sa dibdib nya at doon umiyak.

" Shh. Don't cry, Fragolina. Nandito na ako. Anong nangyari hm? Maniniwala ako! Sa lahat ng sasabihin mo maniniwala ako, Fragolina. Anong ginawa nila sa mahal ko? Sabihin mo sa akin" mariin ngunit masuyo nyang sabi habang hawak hawak ang aking muka na lumuluha.

" Za-Zaitan...S-Si Hailey pumasok sya sa condo tapos..tapos may mga  sinabi sya. Nagalit sya at..at inutusan nya yung mga lalaki na..na gawin akong maruming babae para iwan mo na daw ako pero hindi ako pumayag kase ayaw kong iwan mo ako kaya...kaya nagalit ako at nagawa ko yun! Wag kang magalit sa akin Zaitan! Wag mo akong iwan!  Wag mo akong iwa---" hindi na nya ako pinatapos magsalita ng mabilis nya akong halikan sa labi bago nya ako yakapin at ilubog sa leeg nya.

" Shh. Tahan na. Wag kang magalala kahit anong mangyari hindi kita iiwan, Fragolina. Mamatay ako kapag nawala ka. Kahit ano pa ang nagawa mo wala akong pakialam. Huwag ka ng matakot at nandito na ako. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sayo! Wala silang karapatang hawakan ka." seryosong sabi nito bago ako buhatin palabas ng building na iyon.

Hindi naman ako umalis sa tabi nya kahit nagmamaneho pa sya. Nanatili akong nasa
kandungan nya hanggang makarating sa isang malaking mansyon hindi palasyo!

Bumaba si Zaitan habang buhat buhat pa din ako. Hindi man lang nya ako binitawan at tanging seryoso syang naglakad papunta sa gate.

Napasinghap ako ng kusang bumukas ito at maraming tao ang sumalubong sa amin.

" El Jefe! Matagal na ho namin kayong inaantay. Kailangan nyo na hong pumasok! Tila hindi maganda ang inyong pakiramdam" hindi nya ito pinansin at tuloy tuloy lamang na naglakad papasok sa loob.

" El Jefe! Butler August! Butler August!" sigaw ng isang matandang babae ng makita si Zaitan. Hindi nya pa din ito pinansin at tuloy lang sa paglalakad. Huminto kami sa isang pader kung kaya't naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya.

May pinindot sya at nagulat ako ng bumukas ito. Isa syang elevator! Nakakamangha. Mabilis na tumaas ang elevator hanggang sa huminto ito at lumabas si Zaitan habang buhat buhat pa din ako.

Nasa tapat kami ng isang glass door at dahan-dahan naman itong bumukas. Nakatulala naman akong pinagmasdan ang buong kwartong ito. It's full black room. All the things here are black even the floor.

Is he obsessed in black?

Nagulat naman ako ng binaba nya ako sa ibabaw ng kama at marahan pinantay ang muka sa akin.

" Mahal na mahal kita, Fragolina" sabay hawak nya sa aking pisngi na ikinapikit ko dahil sa init ng palad nya.

" Mahal na mahal din kita, Wolfie!" sagot na may sinseridad habang hawak hawak ang kamay nya na nasa aking pisngi.

SECRETLY OWNED BY MR. VERMILION Where stories live. Discover now