CHAPTER 32

327 2 0
                                    


PAWIS na pawis na binuksan ni Dr. Axia ang malaking pintoan ng mansyon. Nakasuot pa ito ng unipormeng pangdoctor na tila hindi na nakapagayos dahil sa pagmamadali.

" Where's Moby?" seryosong tanong nito habang pinupunasan ang pawisan nitong noo.

Tumaas naman ako ng kamay at winawagayway ito kung kaya't napabaling naman ang tingin nito sa akin.

" Are you sure that Moby is pregnant Vermilion? Kapag nalaman kong pinagloloko mo lang ako babasagin ko muka mo!" matigas nitong banggit na tila ayaw nyang pinagloloko sya.

" Nagmamadali ka Calderon? Hindi ka man lang nagbihis. Masyado ka naman atang excited? Ako tatay hoy!" sagot ni Zaitan na ikinatawa ko. Ibinalik ko na lamang ang aking atensyon sa pagkain dahil alam kong magaaway na naman sila lalo na't nandito si Hacob.

" Mahilig yan sa mga baby, Vermilion pati nga mga pusa hindi pinatawad. Tamo yung cat shelter nyan, kulang nalang nga pusa jowain nyan e" komento naman ni Hacob habang kumuha sa aking kinain kung kaya't tinapik ko naman ang kamay nito na ikinasimangot nya.

" Ganyan ba mga buntis ang dadamot!" dagdag pa nito habang mabilis na kumuha sa aking plato at sinubo sa kaniyang bibig.

" Tigilan mo nga girlfriend ko Vermundo! Umalis ka dyan! Ichecheck sya ni Calderon." sabay hila sa mga braso ni Hacob ngunit hindi ito nagpatinag kumirot pa sa aking pagkain bago nagpahila kay Zaitan paalis sa harap ko.

" Ano nararamdaman mo?" seryosong tanong ni Dr. Axia sa akin.

Tinigil ko naman ang aking pagkain. Tinignan ko sya na tila nagaantay sa aking sagot.

" Wala naman. Nababahoan lang ako sa pagkain kanina tapos nagsuka ako." sagot na ikinatango nya.

May kinuha sya sa kaniyang bulsa at binuksan ito sa harap ko. Isa itong pahabang bagay na may maliit na screen sa gitna.

" This is Digital Pregnancy Test. Just put a little bit of you urine. After that, gave it to me to read the results." binigay nya ito sa akin at sinunod ang gusto nya.

Nakita kong nagbabangayan pa din sila Zaitan at Hacob kung kaya't hindi ko muna sila pinansin. Dumeretso ako papuntang bathroom upang gawin ang pinapagawa ni Dr. Axia.

Ilang minuto ay natapos na ako. Bumalik ako sa sala at nakita ko naman silang nakaupo ng maayos na tila hinihintay ako.

Sinalubong ako ni Zaitan ng makita akong papalapit sa kanila. Pinalibot nya ang kaniyang kamay sa bewang ko sabay halik sa noo.

Binigay ko kay Dr. Axia ang bagay na iyon. Seryoso nyang tinignan ang resulta noon. Hindi ko sya makitaan ng emosyon dahik seryoso nyang hinhintay ang paglabas ng mga guhit.

" F*ck!" mura nya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa resulta na sabay naman tinignan ni Hacob at Zaitan.

" Putang*na man! Nabuntis mo si Moby! Gag*!" todo react naman ni Hacob habang hinahampas nya si Zaitan sa braso.

" Anong resulta Dr. Axi----- Woah! Putang*na Hacob! Tatay na ako! Tang*na ka! Woah!" nagulat naman ako ng malakas na sumigaw si Zaitan habang yinoyugyog nya si Hacob.

" Ayy!" sigaw ko naman ng mabilis nya akong yakapin at buhatin. Inikot nya ako habang hinahalikhalikan sa pisngi.

Ngunit ngayon lang nagproseso sa akin ang lahat. Totoo ba talagang buntis ako? Magkaanak na kami ni Zaitan? Magiging magulang na ba talaga kami?

Naiiyak naman akong iniisip ang aking magiging reaksyon dahil paano kong hindi ako maging mabuting ina? Bata pa ako at walang karanasan sa mga bagay bagay.

SECRETLY OWNED BY MR. VERMILION Where stories live. Discover now