NAGIIMPAKE ako ng gamit dahil may pupuntahan daw kaming Isla ni Zaitan. Dalawang linggo kase kaming walang pasok dahil may team building ang mga guro namin na ikinasaya ko dahil ayoko na munang magdemo kung paano ang procedure ng paunang lunas sa mga pasyente.
" Are you done?" tanong ni Zaitan sabay kawit ng kamay nya sa bewang ko.
" Tapos na!" nakangiting sabi ko habang pinakita ang isang malaking maleta na hawak ko.
" Then, Let's go." he said
Umalis kami sa condo at sumakay sa elevator. Nakita kong pataas ang pinindot na numero ni Zaitan kaya tinignan ko sya.
" My helicopter was on the rooftop baby" sabi nya na parang nababasa nya ang nasa isip ko.
Sakto naman na pagbukas ng elevator. Sinalubong ako ng isang mahangin na kapaligiran. Nakita ko ang isang itim na helicopter. Lumapit kami doon at agad na kinuha ng dalawang lalaki ang gamit na dala namin ni Zaitan.
" Mr. Vermilion, I'm RV your pilot." tanging tango lang ang sinagot ni Zaitan. Umalis naman ang lalaki at naunang pumasok sa helicopter.
" Are you scared? hm" sabay hawak nya sa aking kamay. Kumapit naman ako sa kaniyang braso at umiling na tumingin sa kaniya.
Inalalayan nya akong sumakay sa helicopter. Kinabahan naman ako ng nagsimulang umangat ang aming sinasakyan.
" I'm here. I'm here" sabi nya at kinulong ako sa mga bisig nya.
Ilang oras din ang naging byahe namin bago kami makarating sa payapang Isla na ito. Pagbaba pa lang namin sa Isla ay tumapak agad ako sa puting puting buhangin. Sobrang sarap ng hangin na tumatama sa aking balata habang nakatingin ako sa kulay asul na tubig.
" Ang ganda dito Zaitan!" tanging sabi ko habang tumatakbosa baybayin. Hinabol naman ako ni Zaitan at hinapit ang aking bewang.
" Mas maganda ka." turan nya at mabilis na halik sa labi ang aking natanggap. Hinampas ko naman ang braso nya ngunit tumawa lang sya.
Dinala ako ni Zaitan sa sinasabi nyang lugar kong saan nagpatayo sya ng bahay. Nakikita ko ang pagitan ng mga bahay dito hindi katulad sa Manila na dikit dikit. May sari-sarili silang bakuran at mga alagang hayop.
" Gabriel! Hijo! Aba'y magbabakasyon ka dine?" sigaw sa pangalan ni Zaitan ng ginang.
" Opo Nay Luz. Kasama ko po pala asawa ko. Si Moby po!" masiyahing sabi ni Zaitan na hindi ko na ikinagulat.
Lagi nya akong ipinapakilala sa ibang tayo bilang asawa nya kaya nasanay na lang ako. Naalala ko naman si Zaiton sa pagiging masiyahin nya ngayon ko lang napagtanto na sobrang hawig sila ni Zaiton.
" Magandang araw po nay luz!" matamis kong ngiti habang nakatingin sa kaniya.
" Aba'y sobrang ganda naman ng batang ire. Mala dyosa ng tubig ang buhok!" natatawang papuri ni Nay Luz na ikinainit ng pisngi ko ngunit sumangayon naman si Zaitan.
Pagkatapos makipagusap kay Nay Luz ay dumeretso na kami sa bahay na Zaitan ay este malaking mansyon pala. Kung mas malaki ang mansyon ni Zaitan sa Manila higit na mas malaki ata ito.
" Ang hilig mo talaga sa mga malalaking bahay ano?" tanong ko habang naglalakad at nililibot ang mga mata sa paligid ng mansyon nya.
" Maliit pa nga ito. Pag naging mag-asawa na tayo magpapagawa ako ng triple ang laki dito." walang awtubiling saad nya na ikinagulat ko.
Mag-asawa? Kami? Naginit naman ang pisngi ko ngunit naisip ko na masyado palang komplikado ang relasyon namin ni Zaitan.
Aaminin kong mahal ko sya ngunit sya ba ay mahal ako? Ang sabi ni Erica sa akin ay ganito daw ang mga walang label relationships katulad nya na nakikipaglandian sa lalaking tinitignan nya noong muntik na malaglag ang panty nya.
" Mag-asawa? S-Sabi ni Sister Rosa dapat mahal nyo ang isa't isa bago kayo maging magasawa at humarap sa dyos" huminto ako sa paglalakad at sinabi iyon habang mariing nakatingin sa kaniya.
Hindi ko alam kong saan ako humugot ng lakas upang sabihin sa kaniya iyon o bugso lang talaga ito ng damdamin?
Natakot ako ng biglang dumilim ang kaniyang muka na tila hindi nagustuhan ang aking sinabi.
" Are you saying that you didn't love me?" mariing sabi nya na alam kong may diin.
Hindi ko alam ang aking sasabihin dahil ano ba ang aking isasagot? Ang totoo ba?
Hindi ko alam ngunit kusang nasabi ko ang mga bagay na ito." A-Ako b-ba mahal mo?" nauutal na sabi ko habang hindi inaalis ang aking tingin sa mga mata nya.
" What did you just say?" tila galit na turan nya na ikinasinghap ko pero nagawa ko pa ding sabihin ang gustong sabihin.
" S-Sabi mo pag naging asawa mo ako. Ibig sabihin ba mahal mo ko?"
" Hindi ba halata?"
" A-Ang a-alin?"
" Manhid ka ba?"
" Ako? Hindi ah! May nararamdaman ako no!"
" Eh sakin may nararamdaman ka?"
" Hindi kita maintindihan Zaitan! Bahala ka na nga dyan!" naiinis na sabi ko at akmang iiwan sya sa paglalakad ng hawakan nya ang aking pulso sabay sinandal sa pader.
" Mahal kita." seryoso nyang sabi habang nakatingin na aking mga mata. Sinalubong ko ang kaniyang mata at lumakas naman ang tibok ng aking puso.
Pero mahal nya ako? Mahal nya din ako? Tama ba ako ng rinig?
" M-Mahal m-mo din ako?" mahina kong tanong habang hindi inaalis ang tingin nya kahit naghahabulan na sa bilis ang aking puso
" Din? Ibig sabihin mahal mo din ako?" maamo nyang paninigurado at hinawakan ang aking pisngi gamit ang kaniyang dalawang kamay
" Sagot Moby."
" Oo Zaitan! Mahal din kita. Mahal mo din ako?" nakangiti kong sabi habang hinawakan din ang kaniyang muka gamit ang dalawa kong kamay.
" F*ck! Oo! Yes! Araw araw! Palagi!" masayang sabi nya at pinatakan ng maraming halik ang aking muka na ikinatawa ko.
Natatawa ko syang tinulak ng marahan dahil hindi na ako makagalaw sa paghalik nya.
" Magkahawig pala kayo ni Zaiton sa tuwing ngumingiti ka at nagiging makulit" komento ko at patingkayad na inabot ang buhok nya upang guluhin.
Nakita kong yumuko sya at pinagulo ang buhok nya na ikinangiti ko ngunit sya at nakasimangot.
" Huwag mo nga syang isipin. Ako lang dapat nasa isip mo!" naiinis na sabi nya na lalo kong ikinatawa.
Tama nga si Joyze magiging tagumpay ang plano naming magselosin si Zaitan pag si Zaiton ang lagi kong kasama.
" Saka paano ba kayo nagkakilala ni Zaiton? Si Joyze at Lola Rhian lang pinakilala ko sayo ah?" nagtataka nyang sabi na ikinataka ko. Aaminin ko ba ang plano namin ni Joyze? Ngunit ayaw ko magsinungaling. Hindi ko gawain iyon.
Nakailang lunok ako bago sagutin sya.
" K-Kase a-ano pinakilala sya sa akin ni Joyze p-para pag selosin k-ka" nakanguso kong sabi habang nakayukong nakatingin sa sahig.
" That brat!" inis na sabi nya na ikinataas ng ulo ko. Ayaw kong magalit sya kay Joyze kaya mabilis ko syang yinakap.
" Wag ka magalit kay Joyze please"
" Sige hindi na."
" Talaga!?" nakangiti kong sabi at inangat ang ulo upang makita ang muka nya.
" Sa isang kondisyon"
" Ano naman yun?"
" Make love to me." huli nyang sabi bago nya ako buhatin ng parang pangkasal at pumasok sa isang pinto.
YOU ARE READING
SECRETLY OWNED BY MR. VERMILION
RomanceZaitan Gabriel Vermilion was a busy businessman. His grandmother wanted a child from him. Wala na kase sa kalendaryo ang edad nya at sa tingin ng lola nya ay kailangan na nyang gumawa ng pamilya. He thinks that if he adopts a child and makes her a...