GINAGALUGAD ng dila ni Zaitan ang aking bibig pati ang aking dila ay nilalaro din nya. Hinuhuli nya ang aking dila upang makipagespadahan sa kaniya. Hawak nya ang aking batok habang ang madiin nya akong hinahalikan.
Mahina ko syang tinutulak dahil halos mawalan na ako ng hangin sa tindi ng paghalik sya.
Hingal na hingal naman nyang binitawan ang aking labi. Madilim pa din ang muka nito at talagang mahihimigan mo ng pagkainis.
" Z-Zaitan" nahihirapan kong sabi ng sinunggaban nya ang aking leeg.
" Bango mo" papuri nya habang hinahalikhalikan ang leeg ko. Umiinit naman ang pakiramdam ko sa tuwing dadampi ang labi nya sa leeg ko.
" Zaitan galit ka ba? Pasensya na kong hindi ko sinunod ang utos mo. Sumilip lang ako kase masyado kayong maingay" paliwanag ko.
Tumigil sya sa paghalik sa leeg ko at humarap sa akin. Ang tangkad nya talaga.
Sobrang gwapo dito. Bumaba naman ang tingin ko sa braso nya na pumuputok na sa laki. Ilang lunok ang ginawa ko bago ako tumingin sa mga mata ni Zaitan." Wag mo aking tignan ng ganyan Moby"
" Ha? Paano ba ako tumingin?"
" Hinuhubaran mo ba ako sa isip mo Moby?" npaubo naman ako sa aking narinig na ikinatawa nya.
" A-Ano b-bang sinasabi mo dyan!" sabay tayo mula sa kama upang lumayo sa kaniya dahil sa pagkailang.
" Come back here, Moby. May kasalanan ka pa sakin" maawtoridad na sabi nya na ikinakagat labi ko. Wala naman akong nagawa kundi ang bumalik sa sa harap nya.
Tumingla naman ako sa kanya upang makita ang mga mata nyang seryosong nakatingin sa akin. Naisip ko naman ang sabi ni Erica sa akin, pag daw galit ang kasintahan mo suyuin daw. Paano ko naman gagawin yun?
Alam ko na!
Wala akong pasabing niyakap si Zaitan. Pinalibot ko ang dalawa kong kamay sa bewang nya habang ang aking muka ay nakabaon sa matitigas nyang dibdib.
" Zaitan sorry na" malambing kong sabi habang kinikiskis ang muka sa pagitan ng dibdib nya. Nagulat naman ako ng maramdaman ko ang bilis ng pagtibok ng puso nya. Tinapat ko naman ang aking tenga sa dibdib nya at tuwang tuwa akong pinapakinggan iyon.
" F*ck! F*ck!" sunod-sunod na daing ni Zaitan. Tinignan ko naman sya at nakita kong namumula ang muka nya pati na din ang leeg nya na ikinaalala ko.
" Zaitan? Anong nanyari? Bakit ka namumula? Hindi naman mahigpit yakap ko ah!" nagaalala kong sabi at sumampa sa ibabaw ng kama upa g mahawakan ang kaniyang muka.
" Zaitan? Anong nangyayari?" naluluha na akong tumingin sa kaniya habang sapo sapo ko pa din ang kaniyang muka na namumula.
" F*ck! Kinikilig ako!" rinig kong dahilan nya at sinubsob ang namumula nyang muka sa leeg ko.
Ilang araw na ngunit dito pa din kami tumutuloy sa condo ni Zaitan sa Tagaytay. Hatid sundo na nya ako dahil ayaw daw nyang sinasamahan ko si Zaiton.
Andito kami nila Erica sa cafeteria dahil pare-parehas kaming may vacant. Madaming inorder na pagkain si Ary dahil may ipapakilala daw sya sa amin.
" Siguro boyfriend mo ipapakilala mo samin no?" biro ni Erica habang nilalantakan ang isa sa mga inorder ni Ary.
" Totoo Ary? May boyfriend ka na?" taas kilay naman na sabi ni Shakira.
" Sinabi ko bang boyfriend ko ang ipapakilala ko?" walang emosyon syang sabi habang nagbabasa pa din ng itim na libro.
" Eh sino ba ang ipapakilala mo samin Ary?" tanong ko dahil gusto ko na kumain ayoko kaseng kumain hanggat wala ang ipapakilala ni Ary.
YOU ARE READING
SECRETLY OWNED BY MR. VERMILION
RomanceZaitan Gabriel Vermilion was a busy businessman. His grandmother wanted a child from him. Wala na kase sa kalendaryo ang edad nya at sa tingin ng lola nya ay kailangan na nyang gumawa ng pamilya. He thinks that if he adopts a child and makes her a...