UMALIS na sa mansyon ang kapatid at lola ni Zaitan. Hindi nawala sa muka ko ang saya, bukod sa nakatagpo ako ng bagong pamilya ay pinaubaya sa akin ni Lola Rhian si Zaitan. Naalala ko naman ang usapan namin kanina.
" Pasensya ka na sa kalokohan ko kanina Moby, Talagang gusto ko lang malaman kong sasabay ka sa mga trip ko" natatawang sambit ni Lola Rhian habang masinsinan nila akong kinakausap ni Joyze ang nakababatang kapatid ni Zaitan.
Wala dito si Zaitan dahil pinaalis nya ito upang humingi daw ng tawad sa akin ngunit hindi ko naman alam kong bakit sya hihingi ng tawad.
" Naku, wala po iyon. Pasensya na din po pala dahil nagsinungaling sainyo si Zaitan" nakayuko kong sabi habang pinaglalaruan ang aking mga daliri.
" You're too innocent for my Kuya, Try to be more fierce and look dangerous, Moby. My brother was not a simple man, He's f*cking billionaire and many women tries to win his heart" seryosong sabi ni Joyze at sinarado ang librong hawak nya. Tumingin sya sa akin ngunit walang halong iritasyon o ano pa man tanging seryoso lang syang tumingin.
" Joyze is right, Moby. If someone take Zaitan away from you just call Joyze, She's a badass in our family, except me" payo nya at ngumisi lang sa akin.
Hindi ko alam ngunit parang binabalaan nila. Bakit? Kanino? Sino? Ganun ba talaga kayaman si Zaitan para magkaguluhan sya ng babae bukod sa gwapo sya?
Tanging tango na lang ako naging sagot ko sa kanilang dalawa bago kami puntahan ni Zaitan na mukang naiinis na dahil sa tagal ng usapan namin.
" Hey! Moby? You're drowning" sabi ni Zaitan na nagpabalik sa sarili ko mula sa pagiisip sa sinabi nila Lola Rhian.
Hindi lubos maisip na makikita ko ang sarili ko na matapang at sumasagot sa mga nakakatanda. Paano ko naman gagawing lumaban sa mga babae ni Zaitan?
" May sinabi ba si Lola sayo? Is she threatening you or giving you a lot of money to let me go?" nagaalalang tanong ni Zaitan sa akin.
Napanganga naman ako sa sinabi nya. Ganun ba ang pagkakakilala nya sa kaniyang lola? Mabait ang lola nya pati na din ang kapatid niya kahit muka itong maldita.
" Ano bang sinasabi mo Zaitan? Nagusap lang kami, binalaan nya lang ako na madami kang babae" halos pahina ng pahina na sabi ko.
Inangat nya ang baba ko gamit ang kamay nya at hinarap sa muka nya. Seryoso itong nakatingin sa akin at tila hindi nagustuhan ang sagot ko sa kaniya.
" Ayaw mo ba na may babae ako?" tanong nya
" Ayaw."
" Bakit?"
Natigilan ako ng marinig ko ang tanong nya. Bakit nga ba?
Hanggang ngayon na nasa eskwelahan naiisip ko pa din kong bakit nga ba ayoko na may iba syang babae bukod sa akin?
" Bading! Ano na naman yan? Bakit tulaley ka dyan?" hirit ni Erica.
Andito kami sa library upang manaliksik tungkol sa mga sakit na namamana ng mga anak sa magulang. Ayaw kase kaming pagamitin ng Google ng aming guro dahil dapat daw lahat ay pinaghihirapan.
" Lower your voice, Erica. Wala ka sa palengke nasa library ka" walang emosyong sabi ni Ary. She's Ary Saturno, nakilala namin sya ni Erica sa p.e class tinulungan nya kaming matutunan ang ilang taekwando techniques.
" Ano pang aasahan nyo kay Erica, She's oa." tamad na tamad na sabi ni Shakira. She's Shakira Devonne, nakilala naman namin sya ni Erica sa Biochemistry subject kung saan tinulungan nya kami sa isang formula doon.
Sa loob ng ilang buwan kong pagaaral dito ay nagkaroon na ako ng apat na kaibigan. Dalawang nonchalant at Dalawang oa. I'm also overacting pagdating talaga sa kanila.
" But Erica was right, Moby. What's wrong?" himig ng pagalala ang narinig kong sabi mula kay Ary.
" Bakit ba ayaw ng mga babae na may ibang babae yung...yung ano siguro gusto nila?" nagaalinlangan kong tanong.
Nahihiya naman akong tumingin sa kanila dahil mukang hindi ata nila gusto ang tanong ko. Napatigil kase sa pagbabasa si Ary, napanganga naman si Erica at napadilat naman ng mata si Shakira.
" Ohmyghadd may bf ka na ba, Bading?" napatayo na tanong ni Erica at halos sigaw na tanong nya. Masama naman ang pukal ng tingin sa amin ng iba.
" Ay may bf kana ba, bading?" tanong ulit ni Erica ngunit ngayon ay pabalong na.
Taas kilay lang naman ang tanging reaksyon na binigay sa akin ni Shakira.
" Wala akong boyfriend no! Tinanong ko lang kase.... Wag na nga!" naiilang kong sabi at muling tinuon ang sarili sa pagbabasa.
" If tinanong mo kung bakit ayaw ng babae na may ibang kasama ang boyfriend nila dahil nagseselos sila. Gusto nila na silang lang dahil pag mahal mo ang isang tao dapat isa lang ang gusto mo, isa lang ang nasa puso mo" walang emosyong sabi ni Ary habang hindi inaalis ang mata sa librong binabasa nya.
" Wow! Galing naman ni Ary, may asawa ka na no?" biro ni Erica na nagpatigil kay Ary sa pagbabasa ng libro at tumingin sa amin. Katulad ng dati wala itong emosyon.
Napatago naman si Erica sa likod ni Shakira ngunit tila walang pake si Shakira sa amin tanging nakasubsob lamang ang ulo sa nya librong binabasa nya.
Hindi kaya mahal ko si Zaitan? Ayoko naman talagang magkaroon sya ng babae kase gusto ko ako lang ang babae nya, siguro hindi ko lang masabi sa kaniya iyon nong tinanong nya ako dahil hindi ko pa nakukumpirma.
Dali-dali akong kumilos paalis sa library, rinig ko ang reklamo ni Erica ngunit ang dalawa ay nanatili lang tahimik at nagsenyas na lang ng babye.
" Ako nalang tuloy oa dito!" rinig kong reklamo ni Erica bago ako nakalabas ng library.
Hindi ko na hinintay na sundin ako ni Zaitan at nagmamadali akong sumakay sa jeep upang makarating sa mansyon.
Nakarating ako sa mansyon na tila nawawalang bata. Gusto kong makita si Zaitan dahil mula kahapon noong tinanong nya ako ngunit hindi ako nakasagot ay mukang hindi sya mapakali.
Lakad at takbo ang ginawa ko para lang mabilis na makapunta sa kwarto namin ni Zaitan. Masaya ko itong binuksan ngunit nawala ang ngiti ko sa nakita ko.
I saw a woman standing in front of Zaitan. She's saying something but i didn't hear it carefully. Unti-unti akong lumapit upang marinig ang kanilang usapan.
" Your room was nice, Zaitan. I can't believe that im here with you" maamong sabi ng babae kay Zaitan.
" I already warning you, Hailey. If my girl knows about this trespassing of yours, I will going to do something that you didn't like" tila galit na sagot ni Zaitan sa babae.
" Wala akong hindi nagustuhan sa lahat ng ginawa mo sa akin, Zaitan"
Tanging yun lamang ang huli kong narinig dahil nagmamadali akong umalis at sinarado ng mahina ang pintuan upang hindi ako mapansin.
Sumisikip ang dibdib ko. Ayokong makita syang may iba, ako lang dapat. I'm not going to think about negative.
Gusto kong umalis ngunit ayoko. Ayokong iwan silang dalawa dito. Wala ako sa sariling pumunta sa kusina at umupo sa counter habang iniisip kong bakit ganito ang pakiramdam ko.
Gusto ko na ba si Zaitan? Mahal ko na ba sya?
YOU ARE READING
SECRETLY OWNED BY MR. VERMILION
RomanceZaitan Gabriel Vermilion was a busy businessman. His grandmother wanted a child from him. Wala na kase sa kalendaryo ang edad nya at sa tingin ng lola nya ay kailangan na nyang gumawa ng pamilya. He thinks that if he adopts a child and makes her a...