Chapter 2

7.1K 246 19
                                    

Hello, Yellow Fellow
Chapter 2: Who are you Maki?

"Elione."

Nakatingin lang ako sa labas habang nakaupo sa loob ng counter ng café namin. Bangag pa at walang maayos na tulog kakaisip sa mga nangyari kagabi. Shan with that guy? Are they related or what?

I even tried searching online for anyone named Maki, pero waley talaga—walang lumabas na kahit ano. Wala bang socials ang lalaking 'yon?

"Elione Shin Harlow, I said I want to order a Matcha Cream Coffee."

Napapikit ako sandali, bago napatingin ulit sa harap. Si Kuya Indigo, nakatayo na pala sa harap ko, kumakaway-kaway pa. Apparently, kanina pa pala siya nasa harapan ko, hinihintay akong bumalik sa wisyo. Suot niya ang usual style niya, a denim jacket over a white shirt, black pants, and black shoes, with sunglasses perched on top of his head. By the way he carries himself, alam mo na kaagad na isa siyang model. No wonder people in the café were staring, some even whispering and smiling, clearly talking about him. My brother has that kind of effect on people.

"Is that all, Kuya? Anong ginagawa mo dito? Di ba busy ka dapat?" tanong ko, may halong inis when I remembered what he did. Napatingin ako sa paper bag na hawak niya, at pamilyar ang brand na nakaprint doon.

"Bawal ba bumisita sa cute na bunso ko?" ngumiti siya habang pilit akong pinipisil sa pisngi. Agad naman akong umiwas at sinamaan siya ng tingin. Tawa naman siya nang tawa.

Alam niyang ayoko na pinipisil ang pisngi ko. Napaka-conscious ko na nga sa chubby cheeks ko dahil sa katakawan ko, tapos pipisilin pa? Eh ‘di lalo pang lalapad!

I grabbed a plastic cup and wrote his name on it. After that, I took his card for payment. Kahit na kay Mommy ang café, kailangan pa rin niyang magbayad. Mahirap na, baka ako pa sisihin ni mommy kung malugi ito.

"After you disappeared for a whole month?" sabi ko, kunwari ay galit, habang inaabot sa kanya ang card.

Nakanguso ako, sinasadyang ipakita na hindi ako natutuwa na isang buwan siyang hindi bumisita. Ni hindi man lang tumawag o mag-message para kumustahin ako. Alam kong busy siya, pero may karapatan pa rin akong magtampo, ‘di ba?

Kuya Indigo and I have always been close since we were kids. Siya yung tipo ng kuya na laging andyan para ipagtanggol ako kapag inaapi sa school. Five years ang gap namin, at siya rin ang nag-alaga sa akin tuwing wala sina Mommy at Daddy. Love ko si Kuya kasi sobrang considerate niya. Kaya noong umamin ako sa kanila ni Mommy tungkol sa sexuality ko, walang kaabog-abog na tinanggap niya ako. He knows everything about me. Hindi na rin siya nagulat dahil siya nga ‘tong pinapabili ni Mommy ng mga Barbie dolls ko dati.

"You know, I’m sorry. Kuya has been swamped with schedules, ang daming shoots and brand guestings," paliwanag niya habang nakanguso pa rin ako. 

"Luckily, I have a new brand shoot this coming week, at malapit lang sa location mo. Kaya naisipan kong bumisita," he added, showing me the paper bag and handing it over. Binasa ko ang nakalagay sa bag na nagpakunot ng noo ko.

'CLUETH'

"Is this a new brand, Kuya?" I asked, puzzled. 

I hadn't heard of it until yesterday. And knowing they signed my brother as a model, it must be a big deal. Model din ba ng brand na 'to ‘yong yellow hoodie guy kahapon?

"Yeah, it's a sister company of another big brand I work with. They're fully supported in terms of marketing and advertising. It's no surprise they're growing fast with the top models they're endorsing. And of course, they have me," he explained with a wink. Natawa ako sa confidence ni kuya. We’re alike in that way, pero di ko naman ma-deny, Kuya is really famous in the modeling industry.

Hello, Yellow FellowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon