Chapter 3

6.6K 236 10
                                    

Hello, Yellow Fellow
Chapter 3: First Encounter

"S-Shan?!"

Napatingin ako sa kanya nang may halong gulat at kaba. Andun siya sa loob ng sasakyan and it was the same car from yesterday! Pero bakit siya nandito? At bakit niya gamit ang kotse na 'to?

"And you are?" tanong niya na tila nagtataka sa pagbanggit ko ng pangalan niya. Oo nga pala, I'm just a nobody to him. At kung makatawag ako sa pangalan niya, akala mo close kami. Masyado yata akong na-excite.

I shook my head and blinked twice. Ano bang nangyayari? ‘Yong crushiecakes ko, nasa harapan ko? Shan Zeke Fuelo, the famous vocalist from Goldenrod, was actually here, inside the car? 

Dali-dali kong binawi ang sarili ko at kinurot ang hita ko. Ouch! Masakit nga! So this is really happening, and I'm not even dreaming.

I let out a big sigh. At this point, baka isipin na niya na baliw ako o kaya stalker. Gosh, paano na lang ang mga fantasies ko as his fan? Hayst, epic fail agad ang first impression ko sa kanya!

And how do I even explain this? That the car he's driving is the same one that the yellow hoodie guy used last night? Would he even believe me?

Bumungisngis siya at iniabot ang kamay niya sa akin. Napakunot ang noo ko, hindi ko gets kung anong gusto niyang gawin.

"Give it to me," he said. I frowned, confused.

"The what?" I asked, clueless.

"Merch. I know you want my autograph on it," he said with a smile, pero may halong pag-aalangan. 

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napaisip ako, this could be my chance to get an autograph from him. Kahit ang dami kong tanong at litong-lito, I quickly nodded and stayed silent. I had really no idea how to process everything.

Pero parang napipilitan lang siya mag-smile. And anytime now, baka tawagin na niya ang mga pulis dahil mukha akong stalker na sinusundan siya. Pati ba naman kung saan siya nagpa-park ng sasakyan, alam ko pa.

Mabilis akong naghanap ng kung anong pwedeng maibigay sa kanya, and before I knew it, I handed him the paper bag with the clothes my brother gave me earlier. Kumuha ako ng pen mula sa bag at inabot ko rin sa kanya. Tinanggap naman niya iyon, pero napansin ko na nagtagal ang tingin niya sa printed brand ng paper bag. Kumunot ang kanyang noo, halatang nagtataka.

"How did you get these?" tanong niya habang tinitingnan ang mga laman ng bag.

"These haven't been released yet, and some of them are limited editions," dagdag niya.

Patay. Napalunok na lang ako sa kaba. Right, Kuya explained that to me earlier. Parang ang labo na nito. He might think I stole these items from the models endorsing the brand.

Tonight is just not going my way at all! Parang binubuhos lahat ng malas ng mundo sa akin ngayon!

I stayed silent as he picked up an item from the driver’s seat. It was the same shirt my brother gave me earlier. Parang chine-check niya kung ‘yon nga ba talaga. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa pwedeng mangyari.

Napatingin ako sa labas ng café nang makita kong dumating na ang Grab taxi na na-book ko. Without thinking, I quickly grabbed the paper bag from him at mabilis na tumakbo papunta sa taxi. Shuta, para akong magnanakaw sa mga pangyayari ngayon.

Narinig ko pang tinawag niya ako, buti na lang at hindi niya ako sinundan. I jumped into the taxi, faked a smile at the startled driver, and patted his shoulder.

"To SM, Kuya. And could you speed up po? I'll double the fare," sabi ko na halos nanginginig pa. Hindi na siya nagsalita at agad na pinaandar ang sasakyan.

Hello, Yellow FellowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon