Hello, Yellow Fellow
Chapter 35: Some Distance"Eli, basang-basa na 'yong t-shirt ko, jusko ka!" reklamo ni Rio habang patuloy akong yakap-yakap. Pero wala akong pakialam, ni hindi ko man lang siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagd-drama.
Iyak lang ako nang iyak habang nakasubsob ang mukha ko sa tiyan niya. Nakadapa ako sa kama, yakap-yakap ang bewang niya na parang doon ko gustong ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Omgggg, may sipon pa, bakla ka!"
Napaangat ako ng tingin at tumitig sa kanya, nanginginig pa rin 'yong labi ko. Pilit kong pinipigilan ang sakit, pero hindi ko magawa. Umiiyak pa rin ako at walang tigil ang pagbuhos ng mga luha.
"R-Riri, ang sakit-sakit," hagulgol ko.
Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala kahit na patuloy siya sa pagbibiro. Kahit nagrereklamo siya, alam kong ginagawa niya lang 'yon para pagaanin ang loob ko.
Ginawa niyang pamaypay ang kamay niya, pa-kaway-kaway sa harapan ko. "Jusko, pati ba naman sipon mo isama mo na dito?"
Natawa ako kahit papaano, pero biglang sumeryoso ulit nang maramdaman ko na nandyan pa rin 'yong bigat sa dibdib ko.
"S-super sakit, Riri," bulong ko ulit, this time mas mahina na.
Hindi na biro 'tong nararamdaman ko. And no matter how much Rio tries to cheer me up, the pain lingers.
Niyakap niya ako nang mas mahigpit. "Alam ko, Eli. Andito lang ako, okay?"
After ng drama ko doon sa room sa studio, pilit kong inayos ang sarili para tapusin ang photoshoot. It was hard to pretend that everything's okay when in fact, parang gusto ko na lang mag-breakdown ulit. Pero kailangan, eh. I had to be professional kahit gusto ko nang sumabog.
Two hours din bago natapos ang shoot, at buong oras kong kinokontrol ang sarili ko. My lips were sore from biting, para lang hindi ako umiyak ulit.
Kahit si Shan, ilang beses na akong tinanong kung okay lang ba ako. Paulit-ulit akong sumagot ng, "Okay lang," kahit na halatang hindi naman.
Hindi ko na rin nakita si Maki at Reign pagkatapos ng shoot. Or maybe I wasn't really looking for them. Ayoko rin. After what I saw, I wasn't in the mood to see them. Hindi ko na kayang makita pa ulit 'yong eksena na 'yon— how Reign kissed Maki.
It was torture, at ang nasa isip ko lang no'ng time na 'yon ay ang umalis at kalimutan ang lahat. Gusto ko na lang magpahinga at makalimot. But instead of resting, tinawagan ko si Rio.
Si Riri lang naman kasi ang natatawagan ko kapag ganitong hirap na hirap ako pagdating sa pag-ibig. He's the only one I can pour my heart out to.
"Ano bang nangyari, Eli?" Tanong niya, habang hinahaplos na ngayon 'yong likod ko.
Kanina pa ako umiiyak, since the moment he entered my unit. Kaya walang ideya si Rio kung bakit ako parang bata na humahagulgol ngayon.
"I failed, Riri. I-I was a disappointment..." basag na basag 'yong boses ko ngayon.
Agad siyang umiling. "No, you're not, okay? Kutob ko, si Reign na naman ang may kasalanan nito."
Napahagulgol ulit ako nang marinig ko 'yong pangalan ni Reign. Wala nang ibang idinudulot ang pangalan na 'yon kundi sakit. Ayoko na talagang ma-link sa kanya kahit kailan.
Binaon ko ulit ang mukha ko sa tiyan ni Rio nang bigla itong sumigaw. "Bakla aray, 'yong itlog ko 'yan, naipit mo!"
Napaangat tuloy ako, umiwas ng tingin sabay irap sa kanya. Jusko, Riri! Nauudlot drama ko sayo!
BINABASA MO ANG
Hello, Yellow Fellow
Lãng mạnON HOLD / EDITING Elione loves capturing moments through his lens, but one fateful night, it wasn't the photos he took that left him breathless. It was a fleeting glimpse of someone in a yellow hoodie who managed to capture him instead. Start: Augu...