Chapter 19

5.2K 196 16
                                    

Hello, Yellow Fellow
Chapter 19: Just 5 Minutes

Yellow Pervert:

Saan ka?
I'm outside your unit
Hey, where are you?
U still sleep? :(
Fuck, Elio, saan ka?
Sagot or I'll break down this door?

-

Napasimangot ako habang binabasa ang mga messages niya kaninang morning. I can't help but feel a mix of guilt and embarrassment. Nahihiya talaga akong magpakita sa kanya after what happened that night. Malay ko ba kung ano pang mga nasabi ko na hindi ko maalala pag-gising ko? I expected him to be at my condo kaya naman inagahan ko talaga ang pag-alis kanina.

It's Monday, and I'm too early for my class. Dapat 10 pa ako papasok, but 8 pa lang nandito na ako. Alam ko naman na pupunta rin siya dito sa school ko since nagtransfer nga siya sa university na pinapasukan ko, so magkikita rin kami, like it or not. Bahala na siya.

Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang pumasok sa isip niya at bigla-bigla na lang nagdecide magtransfer. As far as I remember from what he shared with me before, third year din siya like me, but I have no idea what course he's taking. Hindi ko pa nga natanong sa kanya nang maayos since hindi ko rin inakalang magiging significant siya sa buhay ko. Pero ngayon, parang kailangan ko na siyang kilalanin nang mabuti. God, ang cringe. The fuck, Elio.

"Sis, may pinagkakaguluhan sa business department na building," narinig kong usapan mula sa mga blockmates ko na kanina pa nagbubulungan.

"Oh, 'yong sikat na model?"

"I also heard it kanina, may mga bagong sikat na transferees daw."

"Oo mga circle din ata nila Reign."

"Gago, ang expensive ng circle nila."

Napalingon ako sa gilid kung saan nagkukumpulan ang mga blockmates ko, talking animatedly about Reign's circle. Likas na sikat si Reign sa buong campus, kaya naman hindi kataka-taka na magkagulo ang lahat kapag may balita tungkol sa kanila.

Ngayon, mukhang topic nila si Maki at ang mga friends niya? Don't tell me, baka nag-transfer din sila Waiian dito? Impossible naman.

"Ang aga mo ata Elio," nasa gilid ko na pala si Timo, kakapasok lang ng room.

"At mukhang maaga, badtrip ka agad," natatawang sabi niya, na nagpa-irap sa akin.

"Bakit ngayon ka lang? Usually, ikaw lagi nauuna e," tanong ko, as I tried to deflect my own bad mood. Kinuha niya yong laptop sa bag niya at nagsimulang mag-set up.

"Kanina pa ako, tumambay lang sa library," he said, already focused on something on his screen.

"Magchecheck daw ng portfolio before mag-end ang first sem," dagdag niya nang mapansin ang tingin ko sa laptop niya. Mukhang nagfifinalize siya ng ilalagay sa portfolio.

"Di ko pa tapos akin," napabuntong hininga ako.

"Magaling ka naman na, baka di namin alam may ginawa ka na pa lang kakaiba nong summer kaya hindi ka nagpaparamdam ah," biro niya, but I couldn't help but smile a little at that.

That photoshoot is definitely a big flex. Hindi pa nailalabas 'yong photos na nashoot ko for Maki's brand, cause they're planning to release it next month pa. May kiliti at kaba akong nararamdaman, hoping that everyone would like it. Pero sure na sure akong magugustuhan nila yan. The models are just that amazing. Lalo na si ano... nevermind, baka lumaki ang ulo.

"Maraming tao sa business department," napatingin kami ni Timo sa gilid at kakarating lang ni Lian.

"I heard may mga transferees raw na mga sikat," Timo answered. Tumango lamang si Lian at napatingin sa akin with a knowing smile.

Hello, Yellow FellowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon