Hello, Yellow Fellow
Chapter 27: Birthday"Eli!" Nailayo ko sa tenga ko ang phone nang marinig ang tili ni Rio sa kabilang linya.
"Teka, bakla ka! Nag-aayos pa ako e," natatawa kong sabi habang inaayos 'yong buhok ko sa harap ng salamin. Kanina pa 'tong si Rio, panay ang kulit sa tawag.
"Taray ha, parang ikaw 'yong magbibirthday?" Inis niyang sagot, rinig na rinig ko ang iritasyon sa boses niya.
"Eh, on time naman kami pupunta d'yan. Sabi mo 12, 'di ba?"
"Oo nga, pero agahan mo habang wala pang ibang bisita. Kung sumabay ka sana sa'kin kanina e," sumbat ni Rio.
Nilapag ko ang phone sa table at sinuot ang yellow long sleeve shirt na binili ko kamakailan. I paired it with a white shirt underneath and some white wide-leg pants para fresh lang tingnan sa beach setting.
"Kung pwede lang, 'di ba? Ayoko sumuyo kay Maki habang birthday mo, duh," I rolled my eyes habang chinecheck uli ang sarili sa salamin. I dabbed some light powder on my face, just enough to highlight my features without going overboard.
"Suyuan nang walang label? Delikado ka na, Eli," pabirong sabi ni Rio. Napataas ako ng kilay sa sinabi niya.
"Sinusuyo rin naman kita pag nagtatampo ka, 'no. Ikaw itong may issue e," I smirked habang kinukuha ang bag ko at ibang gamit na dadalhin.
Kaonti lang ang dala ko, since two days and one night lang kami doon sa private resort ni Rio. May pasok din kami agad sa school after nito.
"Sige na, Riri. See you later, happy birthday again!" I said at nagpatunog pa ng kiss sa phone.
"Eww, bakla! Go na! Thank you, love you!" Rinig kong sabi niya bago pinatay ang call.
Kinuha ko ang Canon G7X ko sa gilid at isinabit sa leeg. Paborito kong dalhin 'to 'pag may event, kasi mas handy compared sa malalaking DSLR.
Lumabas na ako ng unit dala ang gamit ko, at pagdating ko sa parking lot, natanaw ko agad si Maki. Nakaparada na ang sasakyan niya, at siya mismo'y naka-sandal doon habang nakahalukipkip. He looked undeniably handsome.
His gaze locked on to mine, that made my heart skip a beat. Pero mas bumilis ang tibok nito nang mapansin ko ang suot niya.
He was wearing the same yellow long sleeve I bought for him, slightly unbuttoned showing a bit of his broad chest, paired with white shorts above the knee. He had his sleeves rolled up, at ang glasses niya ay nakasabit sa collar niya, making him look effortlessly sexy and stylish.
As I got closer, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. May pilyong ngiti na lumitaw sa labi niya.
"What?" I asked, rolling my eyes a bit.
"Nothing. Kinikilig lang," he admitted, making my cheeks warm.
"I told you, 'wag mo suotin 'yan today," I muttered. "Parehas tayo ng damit, baka kung ano pa isipin ng friends natin."
"I won't miss the opportunity, Elione," casual niyang sagot habang binuksan ang passenger door para sa'kin. Hindi ko alam kung maaasar ba ako o matatawa.
"Magpapalit ako mamaya," sabi ko nang makapasok ako sa kotse. Inirapan ko siya.
"Subukan mo lang," he warned, eyes narrowing. "Ako mismo magpapalit ng damit mo pabalik."
I glared at him, pero tinapunan niya lang ako ng mapang-asar na ngiti. May kinuha siya sa backseat at binigay iyon sa akin bago pinaandar ang kotse.
"What's this?" I asked, habang binubuksan ang paper bag. It was filled with my favorite snacks.
BINABASA MO ANG
Hello, Yellow Fellow
RomanceON HOLD / EDITING Elione loves capturing moments through his lens, but one fateful night, it wasn't the photos he took that left him breathless. It was a fleeting glimpse of someone in a yellow hoodie who managed to capture him instead. Start: Augu...