Chapter 11

5.1K 200 55
                                    

Hello, Yellow Fellow
Chapter 11: Circles

Nasa loob kami ng sasakyan ngayon ni Maki, and I'm sitting beside him. Si Rio naman nasa likod, panay check pa rin sa face niya gamit ang dala niyang salamin.

Papunta na kami sa bahay nila Reign and I don't think we're late naman. Sakto lang siguro alis namin at mukhang makakarating kami doon on time. Besides, Maki assured us that it isn't too far from my condo.

"Riri, tigil mo na 'yan, hakot-lalaki ka na naman mamaya," biro ko kay Rio habang sinisilip ko siya sa likod.

He rolled his eyes at me, snapping his mirror shut before putting it away in his small bag.

"Palibhasa kase hindi mo na kailangan mag-effort," makahulugan niyang sabi, sabay tingin kay Maki. He smirked upon hearing Riri's comment.

Nako, parang hindi ko na kaibigan 'tong si Rio at nakikipagsabwatan na kay Maki. Rio caught us in a compromising position earlier when Maki got little close with me while we were in the living room. I was so shocked that I ended up pushing him away.

The two of them just laughed, which only made me more annoyed.

"Ganon talaga Riri pag face card never declines," sagot ko, sabay turo sa sarili ko.

"Tsaka nag-ayos din ako, no? Baka may mga type rin ako do-, aray!" Biglang umikot ang sasakyan, almost causing me to topple over.

Napatingin ako kay Maki, at ang loko, nakangisi pa na parang nang-aasar. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Can you please take care of our lives here, Maki? Sa susunod hindi na talaga ako sasakay dito," pagbabanta ko sabay halukipkip sa inis.

"Pag hindi ka na sumakay dito, asahan mo na kung saan ka sasakay," he replied, glancing at me before turning his eyes back on the road.

"Saan?" tanong ko.

He just smirked and gestured toward his lap with his lips, causing my jaw to drop. Ang bastos!

Nagtawanan sila ni Rio kaya I decided na hindi na lang sila pansinin. Mas mabuting manahimik na lang kesa asarin nila ako. Hmp!

After a few more minutes, pumasok na kami sa isang subdivision. Dito ata yung bahay nila Reign, and napansin kong malalaki halos yung mga bahay dito. Spacious din compared sa ibang subdivision na magkadikit-dikit ang mga bahay. Mahahalata mong halos mayaman yung mga nakatira dito.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa isang malaking bahay, probably bahay na nila Reign. Nagpark kami sa loob, kung saan may designated parking lot. Marami na ring sasakyan ang naka-park. From the car, you could already hear loud music coming from the backyard. Sabay-sabay kaming bumaba and now, the party music was even louder. The house was well-decorated with pastel-colored decor, giving it a vibrant and lively vibe.

"Oh, Maki, nandyan na pala kayo. Pasok na sa loob, marami nag-aantay sayo," someone called out from the front. Matangkad siya, may mulet haircut, medyo chinito, at mukhang ka-age lang din namin. Close friend ata 'to ni Maki.

Maki approached him at nakipag-fist bump.

"Tagal mo ring nawala ah, we barely heard from you," sabi nito in a mock-angry tone.

"Kaya nga, Soren. I've been busy in States e," sagot ni Maki, sabay kamot sa ulo. Soren then turned to us and smiled.

"Hello there, I'm Soren," he greeted. I smiled back, and si Riri, with his usual flirty smile, greeted him too.

"H-Hi, I'm Rio," he introduced himself in a shy voice, extending his hand for a handshake. Nako, Rio, classic signature moves ni bakla.

"I'm Elione, you can call me Elio," I introduced myself as well.

Hello, Yellow FellowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon