Hello, Yellow Fellow
Chapter 23: Post"Hey, don't forget this," sabi ni Maki, habang iniabot sa akin ang isang bagay bago pa man ako bumaba ng kotse niya. Napasimangot ako agad nang makita ko kung ano 'yon.
"The heck am I going to use this for?" I frowned, staring at the cute yellow towel. May design pa ng duck sa gilid, at obvious na pambatang cotton hand towel ito. Seriously, Maki?
"Bimpo mo," sagot niya, sabay ngisi na parang proud na proud pa sa ginawa niya. Mas lalo lang akong napasimangot.
"Ha? Ano 'to? Gusto mo ilagay ko pa sa likod ko 'to habang nag-aactivity kami?" He chuckled, clearly entertained by my reaction.
"Alam mo, Maki, ang aga-aga mo mang-asar," reklamo ko, rolling my eyes at him.
He let out a soft laugh, obviously enjoying every second of it. "I'm just concerned. Gamitin mo 'yan pag pinagpawisan ka. Tight schedule ka today, right?"
I sighed, knowing he wasn’t wrong. "Fine," I muttered, grabbing my things from the backseat. Tama naman siya, for sure pagpapawisan ako mamaya.
"Amuyin mo rin kapag namiss mo ako, nilagyan ko 'yan ng pabango ko," dagdag niya, sabay taas-baba ng kilay.
I rolled my eyes at him again. "Edi mas lalong hindi ako gagamit n'yan. Baka sumakit pa 'yong ulo ko sa amoy mo."
He grinned wider. "Nah. Check ko 'yan mamaya kung ginamit mo nga. Dapat may konting amoy 'yan ah."
"Anong amoy ka d'yan? Eh mabango nga ako!" I fired back, crossing my arms as if to prove a point.
"Fact," he agreed, pointing at me with a smug grin. "That's why I'm addicted to getting close to you," he added casually, like it was the most natural thing in the world.
Nag-init ang pisngi ko at bago pa ako makapag-react, dinampot ko 'yong water bottle niya sa gilid at mahina itong itinapon sa kanya.
"Baliw!" I exclaimed, hoping my voice didn't shake too much habang sinisikap kong hindi siya tignan diretso sa mata. Tumawa lang siya ng malakas, obviously enjoying my flustered state.
I distanced myself, closing the passenger seat door, trying to act like wala lang lahat ng sinabi niya.
"You take care, call me kapag tapos ka na, okay?" He said, leaning out the window.
"Ayoko nga," I shot back, sticking out my tongue for good measure. Nakita ko agad 'yong simangot sa mukha niya. Perfect. Akala niya siya lang marunong mang-asar?
"Subukan mo lang, ako mismo dadampot sayo kung saan ka man," he replied, his voice dripping with mock threat. Binelatan ko lang siya at tumalikod na.
He was supposed to have no schedule today, kaya ako lang ang may pasok. Kanina ko pa siya kinukulit na 'wag na akong ihatid kasi ayokong maabala siya sa tulog niya. Pero, as usual, si Maki na naman ang nasunod. Kapag siya talaga ang nag-decide, wala ka talagang magagawa. Ang kulit niya.
I glanced down at the towel in my hand. Ngayon ko lang napansin na may nakaburda palang pangalan sa gilid, malapit sa design na duck.
"Ang corny mo talaga," I muttered, chuckling as I read his name embroidered on it. Binigay niya pa sa akin 'to, pangalan niya rin pala nakalagay? Gosh.
Out of curiosity, I sniffed it. Yup. Nilagyan nga niya ng perfume niya. His scent filled my senses, making my heart race a little faster than I'd like to admit. Nakakainis, pero totoo, addicting talaga 'yong amoy niya.
It's been a week since that confrontation between him and Shan at the bar. Wala akong alam kung anong pinagtalunan nila, and we never talked about it again. Pati yung argument namin after, hindi ko rin kayang i-bring up.
BINABASA MO ANG
Hello, Yellow Fellow
RomanceON HOLD / EDITING Elione loves capturing moments through his lens, but one fateful night, it wasn't the photos he took that left him breathless. It was a fleeting glimpse of someone in a yellow hoodie who managed to capture him instead. Start: Augu...