Chapter 32

4K 170 56
                                    

Hello, Yellow Fellow
Chapter 32: Plan

"Huy, teka lang, awatin mo ako. Masasabunot ko talaga 'yong babaeng 'yon!" Akmang tatayo na si Rio kaya mabilis ko siyang hinatak pabalik sa kanyang upuan.

"Bunganga mo, Riri!" Saway ko agad nang biglang tumaas ang boses niya. Napalingon tuloy ang ilang tao sa resto sa lakas ng boses niya.

We were supposed to have a chill sister bonding today. Pero obviously, may mas malalim na dahilan kung bakit kami nagkita. Bigla niyang na-open up 'yong tungkol kay Reign, 'yong pagiging mailap niya sa akin lately. Ayon, kaya napilitan na akong aminin 'yong nangyari noong birthday niya.

"Yung bruhang 'yon, sa mismong birthday ko pa talaga nagkalat!" Nanggagalaiting sabi ni Rio habang nagpipigil ng galit.

"At bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin, Eli?" Inis na tanong niya, sabay taas ng kilay. 

Likas na protective talaga si Riri sa akin, kaya nga hindi ko agad sinabi. Alam ko kung gaano siya ka-praning sa ganitong mga bagay, baka lalo lang lumaki ang gulo.

"Hindi naman kasi big deal? Tsaka, one month ago na 'yon, Riri. Nagsorry na rin naman siya," palusot ko na lang, hoping it would calm him down.

"Nako, naalala mo ba 'yong night na kumain tayo with the squad? Sa kanya lang ako tutok non. Kitang-kita ko kung gaano kasama 'yong tingin ng bruhang 'yon sa'yo. Kung alam ko lang talaga, na-confront ko na siya right then and there," irap niya, and honestly, mukhang magwawala na si bakla any minute.

I paused for a second, trying to process everything. I thought we were okay? She apologized before, even I did. Sure, may issue siya, pero I honestly believed she'd handle it more maturely than this. 

"At anong hindi big deal? Kapal ng babaeng 'yon! Guilt tripper pa! She could've resolved her issue with Maki directly, pero ikaw ang biniblame!" Dagdag ni Rio, halos mag-apoy na sa inis.

"Lower your voice, please. Calm down, okay?" I tried to remind him. "Inhale, exhale muna, bakla," sabi ko habang inaabot sa kanya 'yung glass of water. 

Huminga siya ng malalim at ininom 'yong tubig. "Gosh, what a plastic bitch," he muttered after drinking. 

Napangiwi na lang ako. Bakit ko nga ba sinabi 'to publicly? Should've known better than to spill the tea in a crowded place. Lalo na knowing Rio, eksaherada talaga si bakla.

"Then, sinabi mo ba kay Maki?" Tanong niya, tinitigan ako na parang nag-eexpect ng mas matinong sagot. Umiling lang ako.

Napafacepalm si Rio. "Masyado kang mabait, Eli," irap niya sa akin.

"I don't want to meddle, you know that..."

"I know, but seriously, dapat alam ni Maki 'to. He's unaware na ganyan ang dynamics niyo ni Reign ngayon, lalo na at malapit ka na sa circle niya. Ang hirap kasi pag may plastic sa paligid. Magulo 'yan. Kaloka."

"I get your point, pero ayoko lang talagang gawing big deal," I said, trying to downplay it.

"Ay girl, magkakagulo talaga 'pag sumipat pa ulit sa'yo 'yung babaeng 'yon. Sinasabi ko na sa'yo," sabi niya habang kumakagat ng steak, then sinundan ako ng mataimtim na tingin.

"Sagutin mo nga ako, bakla, ano bang meron sa inyo ni Maki?"

"Friends nga kami."

"Matatapon ko 'tong wine sa mukha mo, Eli. Walang friends na nagbabakuran," inis na sagot niya, rolling his eyes.

"Okay, fine! If this is not a normal friendship, then I don't know what it is. Wala kaming label, okay? We're just... getting to know each other better," pag-amin ko.

Hello, Yellow FellowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon