Chapter 26

4.6K 178 44
                                    

Hello, Yellow Fellow
Chapter 26: Sunset

Kakatapos lang ng midterm exams namin at nag-decide kami mag-mall kasama sina Gio at Sabrina. Sinama nila ako para tumulong sa kanila maghanap ng regalo for Riri. Isang linggo na lang kasi bago ang birthday ni Riri, at kanina pa kami palipat-lipat ng stores. May five stores na kaming napuntahan, and guess what? Wala pa ring napipiling regalo si Gio.

"Ano ba, Gio, bilhin mo na lang kaya 'tong buong store. Gusto ko nang magpahinga, ngalay na ngalay na ako sa heels ko," inis na reklamo ni Sab habang tinitingnan yong paa niya. 

Naka-5 inches heel kasi siya— na hindi ko alam kung sino bang matino ang mag-isip na mag-shopping in heels?

"Magsho-shopping tapos mag-he-heels ka? Kung 'di ka ba naman bansot," asar ni Gio. Kita ko pa ang ambang sampal ni Sab kaya mabilis siyang umalis at tumakbo. Napailing na lang ako.

"May kasalanan ka siguro kay Rio no? Kaya ganyan ka ka-effort ngayon," hirit ni Sab sabay tingin sa akin, parang hinihintay na kampihan ko siya. Napatingin din ako kay Gio at tumaas ang kilay.

"Good boy na ako, okay? Gusto ko lang talaga ng perfect gift for him," depensa ni Gio. Sure, Gio. Sure. Pero sa totoo lang, may something na talaga sa kanila ni Rio ngayon, halata naman simula pa lang nong birthday ni Reign.

"Basta purple, Gio. Alam mo naman na anything purple, love na love ni Rio," sabi ko, hoping na makatulong. Tumango naman siya.

Bigla namang kumislap ang mata ni Sab nang may makita sa gilid. "Omg, Eli, tingnan mo 'tong dress!" She held up a floral dress and turned to me with her brightest smile. "Bagay ba?"

"Yes, bagay na bagay sa'yo, Sab. Super ganda mo d'yan, perfect for a beach setting," sabi ko with a smile.

"Oo, mukha kang paso d'yan," dagdag ni Gio, kaya sabay namin siyang sinamaan ng tingin ni Sab. 

"Fuck you," sagot ni Sab sabay middle finger, at hindi ko napigilang matawa.

"Di ba sa private resort nila Riri 'yong party?" Tanong ko habang pumipili rin ng damit na pwede ko isuot. Tumango naman si Gio bilang sagot.

May napili na akong regalo for Rio days ago, pero since birthday photoshoot niya bukas, gusto ko rin mamili ng outfit. And of course, outfit sa birthday niya.

Kumuha pa nga siya ng ibang studio para lang sa photoshoot! 21 na kasi si bakla, kaya talagang all-out. For sure, pagod na naman ako bukas kasi ako 'yong kinuha niyang photographer.

Habang naglalakad kami, isang oversized yellow long-sleeved button-down shirt ang nakahuli ng mata ko. Super ganda ng fabric at pagka-color yellow!

I couldn't help but smile at the thought of Maki wearing this. Bagay na bagay sa kanya 'yong yellow e. Baka pwede rin ako kumuha ng isa para sa akin, right? Kaya kumuha ako ng dalawang size— one for me, one for him.

After going around for a while, wala pa ring napipiling regalo si Gio kaya si Sab, inis na naman. We decided to pay for our outfits and left the store.

"Hoy, Gio, ano na beh? Nag-round trip na tayo sa mall, wala ka pa ring napipili," inis na sabi ni Sab, obviously nanghihinayang sa oras.

"Actually, may regalo na talaga ako for him," sabi ni Gio habang papunta kami sa Dior. Suggestion kasi ni Sab na bilhan na lang ng kwintas si Rio. 

"Edi bakit kanina pa tayo paikot-ikot?" Irap ni Sab.

"It's a gift... in bed e," Gio said with a smirk. Napatigil ako. Oh my god, seryoso ba 'to?

"Anong gift 'yan? Pillowcase? Gosh, mas mabuti pa siguro talaga kwintas na lang," clueless na sabi ni Sab. Natawa ako, and Gio was laughing so hard na halos hindi na siya makahinga. Sab had no idea what he meant.

Hello, Yellow FellowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon