Warm Up

12.3K 140 14
                                    


Sa tinagal-tagal namin na magkasama, ngayon lang ako nahiya nang ganito. Para akong pusang nahihiya sa daga.

Ayan na naman ang tingin niya. Nakakaloko. Nakakagago.

"Hindi naman na bago sayo diba, na sabihin kong mahal kita. Bago ako pumarito para humarap sa'yo, ilang beses muna akong nagpabalik-balik sa harap ng salamin para kabisaduhin ang sasabihin ko para sa'yo. Kinausap ko ang sarili ko, humugot ako ng lakas ng loob. Alam mo ba, Mark, na ngayon lang ako tinamaan ng ganito, weird dahil sa isang lalaki ko pa yun naramdaman... sa'yo."

Pu-ta ano ba sasabihin ko? Ano bang dapat na reaksiyon sa lahat ng narinig ko? Panginoon, tulong!

Lumapit ako sa kinauupuan niya. Inakbayan ko siya.

"Pareng Kevin... gusto ko malaman mo na ganon din ang nararamdaman ko sayo. Mahal kita, mahal na mahal. Higit pa ata sa lahat mga babaeng nagdaan sa buhay ko. Katulad mo, nalilito din ako sa nararamdaman ko dahil baguhan tayo dito. Mahal kita ngayon, sigurado ako mamahalin pa rin kita bukas pero... pero gusto ko na wag nating isara ang posibilidad na balang araw magkakapamilya tayo parehas, magkakaanak ka at ganon din ako." Sinalat ko ang kanyang mukha, napapikit siya. "Yang mukha na yan, yan ang mukha ng puso ko."

'Yan na siguro ang pinakapaborito kong part sa kwentong ito.

Ang totoo, nablangko ako noong matapos ko ito basahin sa unang pagkakataon limang taon na ang nakakaraan. Halos ganoon din katagal na iniwan ko ang pagbabasa, nagseryoso kasi ako sa pag-aaral.

Nablangko ulit ako nang basahin ko ito ulit ngayon, pagkalipas ng limang taon. Yung mga bagay na naiparamdam sa'kin ng kwentong 'to, sobrang dami. Sobrang tindi.

Ewan. Siguro ako lang yung ganon.

Pero sobrang paborito ko 'tong kwentong 'to.

Sabi ni Sympaticko, hango ito sa totoong buhay. Kung ganoon ma'y naiinggit ako sa kanya.

Kaya naman gusto kong maging immortal ang kwento niyang ito. Hangga't may makikinig ay ikekwento ko ito.

Yung edited version na ni Sympaticko ang ipo-post ko. Pero may mga kaunting lapses pa rin sa typos at punctuation na itinama ko. Sana ayos lang yun. Medyo anal retentive lang talaga 'ko. Pati yung last chapter ay iniayon ko rin sa format ng mga naunang chapter. Iba kasi ang pagkaka-format ni Sympaticko doon. Sana okay lang sa kanya.

Kung sinuman ang may kopya ng epilogue sana mabigyan din po ako. Salamat in advance!

Happy reading!

RJ, July 5, 2015

P.S. Sa mga nagtataka sa mga update, nagre-reread at nag-e-edit lang po ako ng mga typos na nakaligtas sa 'kin dati. Thank you! (May 28, 2021)

Most Valuable PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon