Chapter 31

1.5K 24 0
                                    

Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang pagbuhos ng aking kalungkutan.

Sunod-sunod na busina ng sasakyan sa labas ang nakatawag pansin sa amin ni Yaya. Parehas kaming napatayo mula sa pagkakaupo, tumingin sa isa't isa.

"Mark, silipin mo nga 'yun kung sino," utos niya.

"Ya, naman. Ikaw na. Birthday ko po ngayon."

"Nako, ikaw talagang bata ka."

Agad naman naglakad si Yaya papuntang pintuan para tignan kung sino 'yong nasa labas. Ako naman ay bumalik ulit sa pagkain.

"Mark, may bisita ka."

Natigilan ako sa pagsubo.

Kinabahan ako. Sino naman kaya 'yon.

Nanlaki ang aking mga mata. Nakita kong papasok si Maggie kasama ni Yaya. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin, naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. May dala siyang balloons, iba't ibang kulay.

Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari. Nagsimula na akong mag-isip ng kung anu-ano sa utak ko.

"Happy Birthday, Mark," mahinhin niyang sambit pagkatapos ay inabot niya ang kanyang dala-dala.

Hindi ko man lang nakuhang tumayo at parang napipi bigla. Kinuha ko naman ang kanyang binibigay. Nilapitan niya ako at tinapik sa balikat.

"Mark..."

"Napadalaw ka." Nabubulol na naman ako sa kaba.

"Birthday mo, 'di ba?"

"Ah."

Kinuha niya ang silya sa tabi ko at umupo, nakaharap sa akin.

Nakahalata naman agad si Yaya kaya saglit niyang pinutol ang aming usapan upang magpaalam. Iniwan niya kaming dalawa para makapag-usap ng masinsinan.

"May pasok ka ngayon, 'di ba?" tanong ko.

"Pumasok ako kaninang umaga. Wala ka kaya um-absent ako para puntahan ka dito."

"Salamat."

"May regalo pa ako sa 'yo."

"Ano?"

"Baby," sabi niya sabay ngiti.

Muntik na akong mabulunan kahit wala naman akong kinakain.

"Ha?" gulat na gulat kong sambit.

"Ayaw mo ba?" tanong niya.

Napalunok na lang ako sa sobrang kaba.

"Mark, ang cute mo." Pinisil niya ang pisngi ko, napapikit naman ako.

"Joke lang 'yun," dagdag niya.

"Ha?"

"Matagal ko nang alam, Mark, pero mas pinili ko na hindi agad sabihin sa 'yo."

"Bakit?"

Inusog niya ang kanyang upuan at mas lumapit pa sa akin.

"Gusto ko kasi na ikaw mismo gagawa ng moves para alamin 'yun. Pero hindi gano'n ang nangyari. Hindi mo man lang ako dinamayan, sinamahan or kahit itext man lang. Alam kong mahirap para sa 'yo 'yun pero sana inisip mo na mahirap din 'yun para sa akin. Ikaw ang lalaki pero hindi mo pinangatawan 'yun, Mark."

"Sorry." Napayuko ako. Sapul na sapul ako sa sinabi niya.

"Hay, Mark. Kung hindi ka lang kita ano e, kanina pa kita sinapak."

"Anong ano?"

"Basta."

Napangiti ako, ngiti hanggang langit. Nabunutan ako ng tinik.

Most Valuable PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon