Chapter 34

1.6K 26 3
                                    

Bumalik ulit ako sa higaan. Gusto ko pa sanang matulog pero naputol 'yon dahil sa isang malakas na katok. Tumayo agad ako para buksan ang pinto. Si Cris pala.

"Breakfast na," sabi niya.

"Gisingin ko lang si Kevin. Sunod na kami agad."

Isang matipid na ngiti lang ang sagot niya. Agad din siyang umalis para bumaba.

Pagkatapos ng breakfast, nagsimula na kaming gumayak para sa aming kanya-kanyang lakad. Sila Tita, diretso sa work. Sila Kuya Alex, sa Laguna naman ang byahe para umuwi. Si Cris, may lakad daw. Hindi nga lang namin alam kung saan. Kami naman ni Kevin, gagala sa Metro maghapon.

Ilang hindi ko pa napupuntahang lugar sa Manila ang aming pinuntahan. Para akong turistang namamasyal sa sariling bayan. Buti na lang may kasama akong tour guide, si Kevin.

Sa MOA na kami nagkita-kita nila Tita. Do'n na kami kumain at pagkatapos ay tuloy na kami sa CCP para sa isang pagtatanghal. First time kong manonood ng musical. Hindi ko man hilig ang gano'ng palabas, excited pa rin ako. Wala lang. Maiba lang.


Ginising ako ng isang kalabit. Mula 'yon kay Huget.

"Naman. Mark, 'wag ka matulog."

Tumingin ako sa paligid. Gumala ang aking paningin 360 degrees.

Dumiretso ako ng upo, tumingin sa entablado. "Bravo... Bravo..." pumalakpak ako ng malakas, sunod-sunod.

Biglang nagtinginan sa akin ang mga tao sa paligid, nabigla. Mukhang nagtataka lahat.

Inakbayan ako ni Kevin. Pasimple niya akong sinipa nang mahina sa paa. Nakalog 'ata ang utak ko. Nagising 'ata ang diwa ko. Takte, naalimpungatan lang pala ako!

Tumingin sa akin si Kevin, natatawa, hindi alam ang gagawin sa pagpipigil.

Umupo ako nang tuwid. Kinuskos ko ang mga mata. Inayos ko ang aking kwelyo. Puta, nakakahiya.

"Mark, pilitin mo. 'Wag ka mag-alala. Malapit na 'tong matapos," bulong ni Huget sa akin. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa kanyang mukha.

Sabi ko na nga ba e. Gagawa at gagawa ako ng eksena. Anak ng tinapa!


Malalim na ang gabi nang matapaos ang palabas. Sa wakas.

"Nagustuhan mo ba, Mark?"

"Yes, Tita. Sobrang ganda po. Wala akong masabi."

Patago akong kinalabit ni Kevin. Minulagatan ng mata. "Loko ka, Mark. Pa'no mo naman nasabi na nagustuhan mo, e ilang beses kang nakatulog," bulong niya sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin.

Umiling siya. "Iba ka talaga, Mark. Wala akong masabi sa 'yo," bulong ulit niya, sabay ngisi ni loko.

Sila Tita, nakatingin lang sa amin. Nagtataka marahil.


*             *             *


"Mark, samahan mo na lang si Cris sa bahay, ha?"

Tumango ako. "Oo sige."

"Baka bukas na ako makabalik. Baka kasi umagahin na kami sa daan."

"No prob. Ingat na lang kayo sa byahe."

Nasira kasi 'yong sasakyan nila Tita, kaya iniwan na lang nila 'yon sa isang shop para ipagawa. Ihahatid sila ni Kevin sa Pampanga. Kinakailangan daw kasi nilang sumagsag para umuwi dahil may hinahabol ang mga ito na mga ilang mahahalagang bagay sa probinsya kinabukasan.

Most Valuable PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon