Ilang sandali pa, nagsimula nang magsilapitan ang mga tao. May mga agad na aktong tutulong para buhatin ako pero tumayo na 'ko mag-isa. May ilan akong natamong mga gasgas sa iba't-ibang parte ng katawan pero okey lang. Ang mahalaga, buhay pa rin ako.Itinayo ko mag-isa ang motor ko. Hinaplos ang gasgas niyang mukha. Kinausap ko siya ng mahina. Hindi ko na masyadong pinansin ang mga tao na nag-uusisa at agad naming nilisan ang lugar na parang walang nangyari.
* * *
"Hon, sorry."
Niyakap niya ako. Naluluha siya ng makita ako.
"Mag-ingat ka kasi."
"Galit ka ba?"
"Ano ka ba. Wala yun. Mahal na mahal kita, Hon."
"Salamat, Hon."
Dinala niya ako sa emergency room para linisin ang natamo kong mga sugat. Mababaw lang naman daw ang mga 'yon kaya walang dapat ipag-alala.
"O teka... teka. Ano yan?"
"Para 'yan sa tetano."
"Ayo' ko ng karayom."
"Ano ka ba, Hon? Saglit lang 'to."
"Ayo' ko n'yan."
"Kapag ikaw ang natetano, mas malala pa 'jan ang mangyayari sa 'yo."
"Wala na bang ibang paraan para mabigyan ako ng gamot na 'yan?"
"Pumikit ka na."
Kinuha ni Mariel ang isa kong braso. Wala na akong nagawa. Pumikit na lang ako.
"Aray!"
Pagkatapos ay niyakap ulit ako ni Mariel. Nahiya ako sa kanila... sa ibang nando'n.
* * *
Awarding ceremony...
Nagsisimula na ang programa nang dumating ako. Agad kong nilapitan ang mga kasamahan kong lahat ay masayang-masaya na nakaupo sa harap ng entablado. Agad nilang napuna ang ilang mga sugat at gasgas ko sa katawan.
"Oh, Mark, ano nangyari sa 'yo? Bakit puro gasgas ka sa braso?" tanong ni coach. Lahat ng kasama ko sa team nakatingin sa akin.
"Wala 'to," mabilis kong sagot.
"Mark, grabe naman kayo maglabing-labing. Gasgas kung gasgas ah," biro ng isa kong kasama. Nagtawanan silang lahat.
"Gago ka. Tumahimik ka."
"Sorry, Bro. Biro lang."
Inakbayan ako ni coach. "Mark, easy lang."
"Sorry," sabi ko.
Nagkamayan kami. May pagkapikon ako at mabilis uminit ang ulo. Minsan nadadala ko sa labas ang ugali ko sa loob ng basketball court.
Ilang sandali pa, isa-isa nang tinatawag ang mga runner-ups. Nagsimula sa ikatlong pwesto at sinundan ng ikalawa na nakaharap namin sa huling laban para sa kampiyonato.
Ang gabi ay para sa amin. Kami ang huling team na umakyat sa entablado. Masaya kaming lahat, buong grupo, lalo na ako dahil ito ang kauna-unahang malaking panalo ko simula noong matuto akong maglaro ng basketball labindalawang taon na ang nakakaraan.
Kinakabahan ako hindi dahil sa maraming taong nanonood, kun' di sa napipintong pag-aanunsiyo ng Most Valuable Player award. Bata pa lang, pinangarap ko nang magkaroon ng gano'ng award sa basketball. Lahat naman ng basketbolista, 'yon ang inaasam-asam na makuha.
BINABASA MO ANG
Most Valuable Player
General FictionMay mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na nakagisnan na, tulad na lang ng basketball. Hanggang saan nga ba dadalhin si Mark ng kanyang pagmamahal sa larong ito? Story Copyright © 2010 Sympaticko. Book Cover Art Copyright © 2015...