CHAPTER 51

1.5K 27 4
                                    

Habang bumabyahe papuntang Mines View Park.

"Oy Mark."

Inaantok na naman ako. Hindi ko namalayan, unti-unti na pala bumabagsak ang mga mata ko.

"Inaantok ka na naman?"

"Kakakain lang kasi saka ang lamig." Hihikab-hikab. "Nakakaantok," dagdag ko.

"Iba ka talaga, Mark. Lupet mo."

"Kevin naman... Sino ba naman ang makakatiis na wag aantukin kung ang mga kanta na naririnig mo ay mga sinaunang awitin. Yang mga favorite mong kanta, mas matanda pa sa'tin yan eh," sabi ko.

In-eject niya yung CD sa stereo at pagkatapos ay inilagay niya sa radio. Humanap ng FM station.

"Oh ayan, boss," sabi niya pagkatapos.

Hindi ko na siya sinagot. Napapikit na 'ko sa antok.

Ilang sandali pa.

Biglang may nag ring. Cellphone ko. Nagising ako. Si Mariel tumatawag.


Oh.
May pinuntahan lang ako.
Si Kevin.
Mamaya uwi na rin ako.
Ha?
Okey.
Sige. Bye.


Call ended.


"Mariel?" tanong agad ni Kevin.

Tumango ako habang binabalik ang cellphone sa bulsa ko.

"Hinahanap ka na ata?"

"Hindi naman."

"Ah."

Babalik na sana ako sa pag-idlip ng bigla siya ulit nagtanong.

"Mark anong regalo ibinigay mo kay Mariel?"

"Roses," sagot ko. Bagsak na ang ulo at nakapikit na ulit ako.

"Roses?"

"Yep." Pahina na nang pahina ang boses ko.

"Bakit?"

"Favorite niya yun."

"Bakit sa akin jersey?"

"Diba nga maka-Kobe ka? Favorite mo rin yun."

"Kahit na mahal? Kahit kapusin ka pa sa pera? Bibilin mo pa rin?"

"O-o..."

"Bakit?"

Napadilat ako. Napakunot-nuo.

"Ang dami mo naman tanong, Kevin. Anong bakit?"

"Bakit mo ginagawa 'to?"

"Ang alin ba?"

"'To"

"Kaibigan kita."

"Ginagawa mo ba yun sa iba mong kaibigan?"

"Hindi."

"Eh bakit ako?"

Napabuntong-hininga ako. Napakunot ulit ng nuo. Napakamot ng ulo. Natigilan ako ng ilang segundo. Ano ba to, para akong may kausap na toddler. Lahat na lang tinanong.

"Iba ka eh," matipid kong sagot.

"Panong iba?"

Hindi ako nagbitaw ng kahit anong salita. Tinitigan ko lang siya ng seryoso.

Napansin niya yun. Nagmenor siya. Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng daan.

Nanatili lang siyang nakatingin sa harapan. Hindi niya ako nililingon. Ang lamig pero parang ibig niyang pagpawisan.

Most Valuable PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon