Chapter 17

1.9K 28 1
                                    

Buset, si Maggie pala!

Parang wala akong mukhang maiharap sa kanya. Bakit ba kasi nagsinungaling pa ako. Bahala na. Ilulusot ko na lang 'to.

"Oy, Mags. Nandito ka pala?" Ngek, tinanong ko pa talaga.

"Oy, Mark. Nandito ka rin pala," sagot niya.

Lumipat siya ng isang upuan kaya ngayon ay magkatabi na kami. Nakaharap kami kay Kevin. Tinapik niya ako sa likod ng mahina.

"Mags, si Kevin nga pala. Kaibigan ko."

Tutal, inulit lang niya ang sinabi ko, 'eto mag-usap kayo ni kano. Sumenyas ako kay Kevin patago. Tinitigan ko siya. Saluhin mo 'ko. Sana nakuha niya ang gusto kong sabihin.

Kinuha niya ang kamay ni Maggie. Nabigla 'yon. Laugh trip si Huget. Makikipagkamay lang pala si loko. "Hi. I'm Kevin," sabi niya sabay ngiti. Mukhang kinilig naman si Maggie at wala tuloy nasabi.

"Mags, pauwi na talaga kami. Dumaan lang kami dito para hindi na 'ko mag-dinner mamaya. Totoo 'yun. May importante talaga akong gagawin... mamaya," mahaba kong eksplanasyon.

"Oops, Mark, hindi mo na kailangan magpaliwanag. Ano ka ba. That's okey," nakangiti niyang tugon. Maganda talaga siya. Nanlaki ang aking mga mata.

"Mags, mauna na kami," paalam ko.

"Okey. Bye. See you tomorrow."

"Bye."

"And Kevin."

Hindi na sumagot si Kevin. Ngumiti na lang siya para magpaalam.


*    *    *


Habang nasa biyahe pauwi...


"Mark."

"Bakit?"

"Gusto mo 'yung Maggie?"

"Oo."

"Ah..."

"Joke lang..." sabi ko pero ang totoo ay oo.

"Ang ganda niya. Imposible na hindi ka ma-in love."

Napangiti na lang ako. "Hindi rin," sabi ko.

Tinigil niya ang kotse, itinabi sa gilid ng highway.

"Bakit?" tanong ko.

Tinitigan lang niya ako. Seryoso. Naging seryoso na rin ako. Ilang sandali pa, biglang ngumiti siya. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin. Maya-maya pa ay umandar na rin kami. Napakatahimik ng naging biyahe namin. Mabagal lang ang takbo pero kabado ako. Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa bahay. Maaga pa, nasa alas syete pa lang siguro nang makauwi ako.

"Tara sa loob," 'aya ko sa kanya.

"Sige, hindi na. May gagawin pa ako eh."

"Sigurado ka?"

"Yup."

"Sige."

"Oy. Saglit."

"Bakit?"

"'Yung usapan natin, ah? Ala una. Susunduin kita."

"Seryoso ba 'yun?" tanong ko habang nakakunot-noo. Nakahawak ako sa sa pintuan ng kotse niya na nakabukas.

"Oo. Basta ala una lumabas ka na. Nandito na 'ko sa gate niyo nu'n."

Tumango na lang ako. Sinarado ko na ang pinto. Medyo napalakas ata. Bumusina naman siya ng mahina habang papasok ako sa gate. Sumenyas naman ako bilang tugon.

Most Valuable PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon