Chapter 29

1.6K 26 3
                                    

Mag-uumaga na pero dilat na dilat pa rin ang aking isipan, naguguluhan sa hindi maipaliwanag na ewan. Nagkukunwari ang aking mga mata na nakapikit, natutulog pero buhay na buhay pa rin ang diwa kakaisip sa kanya. Panay ang aking baling sa kaliwa, sa kanan, sa kaliwa, sa kanan. Hindi ako mapakali.


Maghapon ko siyang iniwasan. Hindi ako sumabay sa kanya sa pagpasok. Nagdahilan ako para hindi ko siya makasama sa lunch break at madalas wala akong reply sa mga text niya.

Kevin mauna ka na umuwi. May gagawin pa kasi ako mamaya.

Hintayin na kita.

Wag na.

Hindi na siya nag-reply.

Tumambay lang ako sa harap ng building namin pagkatapos ng huling klase. Nakipag-kwentuhan sa ilang mga kaibigan. Pagpatak ng alas singko ng hapon, nagpaalam na ako sa grupo para abangan ang paglabas ni Maggie sa klase niya. Dumaan muna ako sa banyo, naghilamos, humarap sa salamin. Mark, kaya mo 'yan, sabi ko sa sarili ko. Tapos ay huminga nang malalim. Palagay ko ayos na ako.

Maraming kasama si Maggie nang lumabas ng classroom kaya nagdalawang isip akong lapitan siya. Hinayaan ko muna siyang maglakad kasama nila. Buti na lang habang papalayo ay unti-unting nalalagas ang ilan sa mga kasama niya. Ako naman ay naglalakad din kasunod nila. Maingat, para hindi niya mahalata.

Huminto sila nang ilang saglit na parang may pinag-uusapan hanggang sa maiwan na lang si Maggie mag-isa kaya agad ko na siyang nilapitan.

"Maggie, pwede ba tayong mag-usap?"

Tinalikuran niya ako at ambang hahakbang papalayo kaya hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Maggie, sorry na," dagdag ko.

Wala naman akong naramdaman na resistance mula sa kanya kaya hindi ko siya binitawan. May ilan sa paligid na nagtinginan sa amin pero hindi ko 'yon pinansin. Siya, dedma lang din.

Napansin kong papalapit 'yong dalawa niyang kaibigan sa amin, 'yong dalawang kasama niya kanina. Binitawan ko siya. Dumistansya ako ng ilang hakbang sa kanya.

Tinitigan ako ng isa niyang kaibigan habang ang isa naman ay nakangiti.

"Hi, Mark," bati ng isa, 'yong nakangiti.

"Hello." Gumanti ako ng ngiti. "Pwede ko ba hiramin saglit si Maggie? May sasabihin lang ako," paalam ko.

"Tanungin mo siya kung gusto niya. 'Wag ka sa 'min magpaalam," sagot ng isa. May pagkamataray ang dating ng kanyang tingin kaya mas lalo akong nahiya.

Tinignan nila si Maggie at tumango naman 'yon sa kanila kaya agad silang nagpaalam sa amin.

"Maggie, sa lobby lang kami, ha? Text ka lang," paalam ng isa. Ilang sandali pa ay tumalikod na ang mga ito palayo sa amin.

"Upo tayo," anyaya ko sa kanya.

Tumango lang ulit siya kaya pinangunahan ko na ang paglalakad papunta sa di-kalayuang parke sa school, malapit sa building nila Kevin.

Nahalata niya sigurong nahihirapan akong magsalita kaya siya na ang unang nagsimula.

"Naduwag ka ata, Mr. Lopez," tumaas ang kanyang kanang kilay kaya mas lalo akong kinabahan.

"Sorry." Nabubulol pa ako habang nagsasalita.

"Puro sorry na lang ba ang sasabihin mo?" seryoso pa rin ang kanyang tono.

"Hindi ko sinasadya na iwanan ka nung mga oras n—"

Hindi pa ako natatapos nang bigla siyang magsalita.

Most Valuable PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon