CHAPTER 50

1.5K 27 2
                                    

"Baguio?"

"Mukha ba 'kong nagbibiro?"

"Ibalik mo na, Kevin. Seryoso, ayoko pumunta. Kung gusto mo ikaw na lang mag-isa."

"Sus."

"Tignan mo nga suot mo. Yan ba yung ipupunta mo ng Baguio, ha?"

"Oh bakit? Ano problema dun? Komo naka todo porma ka jan eh. Tssk."

"Loko. Sige bahala ka. Tigas ng ulo mo."

"Ano naman naisipan mo at nagpakalbo ka?" tanong niya. Halatang iniiba ang usapan.

"Semi-kalbo yan hindi kalbo," sagot ko.

"Ganon din yun. Bakit nga?"

"Wala."

"Nice."

"Yung?"

"Gupit mo."

"Ah."

"Gwapo na."

"Loko."

"Dati kasi medyo lang. Ngayon totoo na," hirit niya sabay tawa.

"Sige mag drive ka na muna jan. Bahala ka kung saan mo gusto pumunta. Kahit sa Iraq pa. Wag lang sa langit. Tutulog muna ako. Nahihilo na 'ko."

Pumikit na ko. Hindi ko na talaga kaya makipagkwentuhan pa. Hinanap ko kung saan maganda pwesto. Binaba ko yung upuan ng bahagya para maging komportable tulog ko.

"Oy Mark."

Hindi ko na siya pinansin. Antok na antok na talaga ako.

"Oy... Oy... Mark..."

Kinalabit niya ako. Kinalabit ulit. Hindi ko na lang siya ulit pinansin. Nagtulog-tulugan na ako.

Naramdaman kong biglang bumabagal ang takbo namin.

"Mark may dala ka bang pera jan?"

Biglang nawala ang antok ko. Napaupo ako ng diretso.

"Ha?" ang tanging kong nasabi.

"Wala akong dalang pera. Wala na pala tayong gasoline," sagot niya. Halatang sa mukha niya ang pag-aalala.

Patay don!

Napalunok ako. Kinuha ko ang wallet ko. Binuksan ko. Lumaki bigla ang mga mata ko.

Kinapa ko ang isa ko pang bulsa. Kinuha ang perang natira kanina.

Inabot ko sa kanya. Nakabilot pa.

"Magkano yan?"

"Sisenta."

"Sisenta?!"

"Eh hindi pako pinapadalan ng allowance ng nanay ko."

"Hahaha. Sige itago mo na yan. Pang-load mo na lang."

"Oh pano yung gasolina? Sabi ko kasi sayo ibalik mo na kanina eh."

"Joke lang. Naka-full tank 'to saka marami akong dala. Hahaha."

"Putek. Hay. Kayabang!"

"Marami kasi ako napamaskuhan kanina. Hahaha."

"Hindi ka na nahiya, namamasko ka pa. Katanda mo na."

"Ganon talaga. Para maraming pang-date. Tssk."

"Teka, baka hanapin ka ng nanay at tatay mo. Bahala ka. Wag na wag mo ko idadahilan sa kanila."

"Wag ka mag-alala. Balikan lang tayo."

"Kalakas ng ng trip mo Huget."

"Hahaha."

Most Valuable PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon