220

570 9 2
                                    


Looking for another story to read?

If you're up for another one, I would like to invite you to read 220.

If you're up for another one, I would like to invite you to read 220

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

https://www.wattpad.com/story/268292744

Excerpt:

"Hindi mo kasi alam, sikat ka sa school. Lagi rin kita nakikita do'n. Hindi lang ako, marami ka rin hindi napapansin. Madalas kasi, dire-diretso ka lang maglakad kaya akala nila suplado ka. Pero alam ko, mas madalas—" napahinto ako sa paglalakad ng huminto siya't humarap sa 'kin. Paglingon ko sa kanya, napako ako sa kinatatayuan ko. Parang may kung anong biglang nahigop ang itim niyang mga mata mula sa mga baga ko. Kahit nararamdaman ko ang marahan niyang pagtapik-tapik sa tuktok ng ulo ko, hindi ko 'yon magawang ilagan. Ni pag-ikot ng mga mata ko upang ibaling sa ibang direksyon, hindi ko magawa "—lumilipad lang talaga 'yung isip mo."

Isang kakaibang katahimikan ang biglang bumagsak sa pagitan namin kung saan nakapatong lang ang mainit niyang palad sa ulo ko't ang itim niyang mga mata'y nakapako sa 'kin. Halos sumabog ang dibdib ko sa 'di ko maintindihang dumadagundong na kaba.

Walang gumagalaw.

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ang itinagal no'n.

Hanggang sa may dumaang kotse at para 'kong naalimpungatan. Ihinilig ko ang ulo ko pakanan para maialis 'yon sa ilalim ng palad niya. Napailing ako. At bago ko pa tuluyang maiiwas ang tingin ko, nakita ko na ang malapad na ngiti sa kanyang mukha.

"Dami mong alam." Umuna na 'kong maglakad.

Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa kasabay ng humahabol na mga yapak bago ko maramdamang naglalakad na rin siya sa tabi ko.

*

Have a good day!

- RJ

Most Valuable PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon