CHAPTER 54

1.4K 22 4
                                    

"Mark." Hinawakan ni Kevin ang kamay ko. "Andito lang ako sa tabi mo."

Binuhat ako ng ilang tao. Isinakay sa strecher. Isinakay sa ambulansya. Nagsimula na akong makaramdam ng takot.


* * *


Sa ospital...

Splint.

X-ray.


Initial diagnosis: Closed Proximal Fibular fracture, Complete.


Serious? "Yes," sabi ni doc. "All kinds of fractures or broken bones are considered serious medical condition," dagdag niya.

Inilabas ulit ni doc yung x-ray plate. Hindi ko yun tinignan. May sinasabi siyang dalawang kambal na buto sa paa, ang isa doon naputol daw.

Wala akong naging imik. Nakatingin lang ako sa kisame ng ER. Pilit nilalabanan ang nagsisimula ng sakit, pumipintig sa sakit na kulay talong kong paa, nakaumbok at nagsisimula ng mamaga.

Si doc ay tuloy tuloy lang sa pagsasalita. Halos wala na akong naiintidihan sa mga sumunod na sinabi niya, kung meron man iilan lang.

Immobilize... bla... bla... bla...

Running, jumping and sports should be resumed slowly and cautiously... bla... bla... bla... Pu-ta!


"Doc makakapaglaro pa ba siya ng basketball?" tanong ni Kevin na nasa tabi ko lang.

Napatingin ako kay doc. Nakatingin din sa kanya ang tatlo ko pang kasama, nag-aalala.

Umiling si doc.

Mas tumindi pa ang nararamdaman kong kaba.

"Usually, broken bone takes 4-6 months to heal. I'm sorry but you have to accept that you won't be doing the things you want, like playing basketball for a while..."

"May operation po ba? Semento?" nangangatog kong tanong. Pinagpapawisan na 'ko ng malapot sa sobrang takot.

Tinignan ako ni Kevin, nakuha pang matawa ng loko.

"Wala. Pwede ka na nga umuwi bukas basta alagaan lang mabuti yung paa."

Hay.


* * *


Thirteen seconds left in the shot clock...


Humanap ng papasahan. Walang makita dahil mahigpit na man-to-man defense ang bantayan.

Umaandar ang oras ng five seconds violation... five... four... three... two...

Pasang bahala na. Parang slow-mo ang paglipad ng bola pataas. Lahat ng matang nanonood ay napasunod. Napatingala lahat ng nasa loob ng hard court.

Tatlo ang tumalon para makuha ang bola.

Ang lupet ni Huget! Sabi ng commentator. Nagtayuan ang karamihan ng nanonood. Dumagundong ang buong gymansium.

Paglapag ni Kevin sa sahig ng court, agad niyang ibinuslo ang bola, medyo mabagal.


Twelve seconds left in the shot clock... eleven... ten... nine...


Most Valuable PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon