"Gusto mo daw ako makita?"
"Ha."
"Si Kevin... sabi."
"Ah. Oo."
Humigpit ang yakap niya. Ako naman ay nakahawak lang ang kamay sa kanyang bewang. Kaliwa-kanan ang aming mga paa na parang nagsasayaw, sunod sa pintig ng aming puso na nagsisilbing musika.
"Wag ka umiyak," pabulong kong sambit.
"I love you, hon."
Hinalikan ko siya sa noo.
"Kanina ka pa?" tanong ko.
"Medyo."
"Ah."
"Nagluto ako para sa'yo."
"Nag-abala ka pa."
"Ano ka ba. Salamat nga pala dito sa roses."
"Ah."
"Hon."
"Oh."
"Pansin ko..."
"Na?"
"Naging malamig ka."
"Ha?"
"Ibang Mark ang nadatnan ko pag uwi ko galing Dubai. Akala ko naninibago ka lang o ako pero..."
"Pero?"
Ang isang segundo ay nagiging mahabang oras.
"Mahal mo pa ba ako?"
"Oo." Sa iisang direksiyon lang nakatingin ang mga mata ko. Hindi ko magawang ibaling sa kanya dahil hindi ko kayang tignan ang kanyang mukha.
"Katulad pa rin ng dati?"
Napabuntong-hininga ako. Ito na siguro ang tamang oras para maging totoo sa sarili ko at sa kanya.
Umiling ako. "Oo. Hindi. Baka."
"Nagmahal ka ng iba?"
Pabilis ng pabilis ang kabog ng dibdib ko. Parang sasabog.
May sagot ang puso ko sa tanong niya pero napipi ang bibig ko.
"May iba?" tanong ulit niya.
Ilang segundong walang imikan...
Tumango ako.
Narinig ko ang pagbagsak ng luha niya. Tinignan ko siya. Basa ang kanyang mga mata.
Muling huminto ang mundo naming dalawa.
"Sino sa amin?"
"Hindi ko alam..."
"Sino siya?"
Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko. Hinugot ko ang lahat ng tapang ko sa katawan at lahat ng ka-astigan na natutunan ko sa mahigit benteng taon ko sa mundo. Wala akong nasabi. Nilamon ako ng kaduwagan.
Niyakap ko siya. Umagos ang luha niya sa balikat ko. Pinunasan ko pero pinigilan niya.
* * *
Three months later...
Umuwi ang buo kong pamilya para samahan ako sa mahalagang araw ng buhay ko... ang graduation ko. Sa halos dalawang taon naming hindi pagkikita, talagang namiss ko sila. Sayang dahil dalawang linggo lang sila namalagi dito sa Pilipinas. Hindi pa naman kasi bakasyon ng dalawa kong kapatid sa Canada.
BINABASA MO ANG
Most Valuable Player
General FictionMay mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na nakagisnan na, tulad na lang ng basketball. Hanggang saan nga ba dadalhin si Mark ng kanyang pagmamahal sa larong ito? Story Copyright © 2010 Sympaticko. Book Cover Art Copyright © 2015...