Late kami dumating. Mahigit isang oras din ata yun. Dali-dali kaming pumasok ng restaurant at agad na hinanap sila Kevin. Iilan lang ang nakaupo sa loob kaya madali naman namin sila nakita. Hawak-hawak ko ang kamay ni Mariel, lumapit kami sa kinauupuan nila.
"Hello," bati ni Mariel. May ilang hakbang pa ang layo namin sa kanila.
Tumayo naman agad si Kevin para salubungin si Mariel. Kakamayan sana niya ito pero yakap ang ibinigay ng girlfriend ko. Halata sa mukha niya na na-miss niya si loko.
"Kumusta ka na? Siya ba girlfriend mo?"
Sweet talaga si Mariel sa mga kaibigan. Lagi mo siyang makikitang nakangiti kapag nakikipag-usap sa iba. Laging masaya, nakakahawa kaya ang sarap niyang kasama.Tumayo naman agad yung girlfriend niya. Nilapitan ni Kevin at hinawakan sa bewang.
"Yes. She's Anne."
"Hi," matipid na bati ni Anne. Halatang nahihiya pa.
"Babe, this is Mariel."
Babe amp. Natawa ako.
Nilapitan ni Mariel si Anne, nakipag beso-beso.
"Nice to meet you Anne. You're so pretty."
"Thank you."
"Bagay na bagay kayo ni Kevin."
Napangiti yung dalawa.
Inabot ko naman ang kamay ko sa girlfriend niya.
"I'm Mark. Mukhang nakalimutan na 'ko ipakilala ng boyfriend mo," sabi ko.
Napangiti naman ang lahat maliban sa isa... si Kevin.
"Hello, Mark."
Inabot naman niya agad ang kamay ko ng nakangiti at pagkatapos ay nag-aya na 'kong umupo.
"Kanina pa kayo? Sorry ha. Eto kasi si Mark ang tagal."
"No. It's okey. Kapapasok lang din namin dito, ten minutes ago," sabi ni Anne.
"Okey lang talaga kayo dito? Pwede tayo lumipat ng ibang resto if you want," sabi ni Mariel.
"Okey na dito. Favorite kasi ni Kevin si Jollibee. Tssk," sabat ko.
Sinipa ako ni Kevin sa ilalim ng mesa ng pasimple.
"Ako pa ituturo mo eh ikaw nga itong nagtext na dito tayo magkita."
Napangiti tuloy yung dalawang dilag na katabi namin. Nahiya naman ako. Bisto!
"Kayo talagang dalawang magkaibigan kahit kailan. Ang dami niyong nalalaman. Tara na umorder na tayo baka hindi pa natin abutan yung last full show. Kasi naman kayo, ang pangit ng time na naisip niyo. Ang dami naman sanang pwedeng oras at lugar," sabi ni Mariel.
Tumingin ako kay Kevin. "Eh kasi—"
"Oh ano, ako na naman ituturo mo?"
Buset na 'to ah. Bakit kaya ang init ng ulo.
Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa gaya ng ginawa niya kanina.
Napatingin si Anne sa baba, sa ilalim.
Imbes na si Huget, si Anne pala ang nasipa ko. Putek nakakahiya! Buti na lang medyo mahina lang ang pagkakasipa ko.
"Nako sorry, Anne. Hindi ko sinasadya. Sorry. Sorry. Sorry."
Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Anne.
"No need to say sorry. Ikaw talaga. Wala yun."
Nakangiti naman siya. Nagtataka rin siguro sa naging reaksiyon ko.
BINABASA MO ANG
Most Valuable Player
Ficción GeneralMay mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na nakagisnan na, tulad na lang ng basketball. Hanggang saan nga ba dadalhin si Mark ng kanyang pagmamahal sa larong ito? Story Copyright © 2010 Sympaticko. Book Cover Art Copyright © 2015...