Hindi halatain ang tattoo. Halos isang sentimetro lang ang laki at hindi mo agad mapapansin kapag nilapitan ng tingin. Ewan ko, dahil siguro sariwa pa yun. Pero kahit na, hindi ko parin sukat akalain na magagawa niya yun para sa akin.
Nagsisimula ng umihip ang mas malamig na hangin. Kumakapal na rin ang mga ulap na unti-unti tumatakip sa manipis na liwanag ng araw. Pasado alas dos pa lang ng hapon pero parang sabik na sabik nang pumasok ang gabi. Ganito pala kapag Disyembre sa Baguio.
"Tara na?" aya niya.
"Five more minutes," sabi ko.
Pinagmasdan kong mabuti ang paligid. Ninamnam ko ang bawat segundong nalalabi ko sa Baguio. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Halos mag-aalas nuebe na ng gabi ng makarating kami sa Pampanga. Hinatid muna niya ako sa bahay at pagkatapos ay sibat na agad siya pauwi sa kanila. Hindi na niya nakuhang bumaba pa ng sasakyan.
Sa loob ng halos isang linggo, isang beses lang ulit kami nagkasama. Saglit lang at sa basketball pa.
Si Mariel naman, halos araw-araw nasa bahay.
* * *
Sinindihan ko ang pla-pla na hawak ko gamit ang isang sigarilyo. Nagliyab agad ang pabilo nun kaya agad kong ibinato. Hindi pa man nakakalayo, sumabog na agad ng todo. Ang lakas. Nakakabingaw sa lakas. Parang sumabog ang ear drums ko.
Happy new year! Bati ko sa sarili ko.
Dalawa lang kami ni yaya sa bahay. Buti nga anjan na siya, kundi wala na naman sana ako kasama. Nagpasabi sila lola na uuwi dito. Kasama ko, sama-sama naming sasalubungin ang Bagong taon pero walang ni-isang dumating. Ganon talaga. Hindi naman kasi ako ang paborito niyang apo. Pasaway daw kasi ako.
Beep. Beep.
Text galing kay Mariel.
Hon, dumaan ka dito ha. Hintayin kita. Happy new year. Love you.
Beep. Beep. Another text.
Galing naman kay Kevin.
Para kang isang ligaw na bala!
Bakit? Reply ko.
Sa iba nakalaan, ako ang tinamaan... Happy new year. Hohoho.
Patay don! Natawa ako sa banat niya. Hindi ko na siya ni-reply-an. Baka kung saan pa kami mapunta.
Pumasok na ako sa loob para tikman ang mga niluto ni yaya Rosie. Ang daming nakahain. Sabay kami ni yaya na kumain. Isa-isa kong nilantakan ang mga paborito ko. Lahat paborito ko. Hahaha.
"Yah, mga ala una alis ako ha?"
"Saan ka pupunta?"
"Kila Mariel... at Kevin."
"Ingat ka. Delikado sa daan."
"Ingat sila sakin, yah."
BINABASA MO ANG
Most Valuable Player
Narrativa generaleMay mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na nakagisnan na, tulad na lang ng basketball. Hanggang saan nga ba dadalhin si Mark ng kanyang pagmamahal sa larong ito? Story Copyright © 2010 Sympaticko. Book Cover Art Copyright © 2015...